Minsan darating ka doon sa pagkakataon na mararamdaman mong nagiiisa ka, Na kahit nasa gitna ka ng madaming tao nakakaramdam ka ng lungkot, ng pagngungulila , ng panghihinayang. Minsan bigla ka na lang mapapahinto, mapapaisip, mapapatulala at mapapabuntong hininga at masasabing hanggang dito na lang pala, hanggang dito na nga lang ba? Hanggang dito na lang ba talaga? Itatanong mo sa sarili mo kung anung nangyari, saan ka nagkamali, anung kulang, saan o paano. May bagay talagang hindi ukol o maari ding hindi pa ukol o hindi pa panahon. Kahit anung gawin mong hokus pokus at hindi rin masasapul ang gusto kong matamaan. Kahit ilang pilit mong subukan ay sadyang hindi rin magbubunga dahil hindi pa nito panahon. Kakailanganin kong gumawa ng isang desisyon kung saan nakataya ang puso mo at kaligayahan. Desisyon kung saan bibitawan mo na o mananatili kang nakahawak. Ipaliwanag natin ang angdalawang panig. Una, mananatili kang nakahawak, kung pipiliin ko ito ay hindi tiyak ang posibilidad na magiging maganda ang kahihinatnan, malaki ang nakataya at ang posibilidad na hindi magkaari ang lahat dahil alam mo na may mga bagay pang dapat ayusin, mga bagay na tingin mo ay dapat linawin at pag isipan. Atvsa bilang banda namab ay pwede rin namang maging maayos ang kakalabasan kung susugal ka. Pangalawa, bibitawan mo na, sa pagpili nito para mong pinagpaubaya na ang lahat kasi tingin mo mas makakabuti kung magkalayo muna. Nandoon pa ung nararamdaman mo na hindi naman talaga nawala pero pakiramdam mo kailangan mong gawin ito dahil ito ang mas makakabuti pero sa pagpili nito puso mo ang nakataya, para mong iniwang bukas ang puso mo na masaktan na masugatan kasi kahit anung sandali ay maaari syang makakita ng iba, iba na makakapagbigaybng mga hindi mo nagawa, mga bagay na hindi mo kayang iparamdam o ipakita. Ang tanging hinahawakan mo ay pag asa, na kahit nasasaktan ka na pinili mong magtiwala sa Kanya, sa Diyos na may hawak ng lahat. Pinili kong magpaubaya at hayaan syang gawain kung anung ang maguatuhan niya. Para mong hinhiyaang hiwain ang puso mo habang nakikita mo na nagkakaroon ng ibangbtao na pumapalit aa kung saan ay nandoon ka. Pinili kong maniwala na kung papakawalan mo siya ngayon at kung sakaling bumalik siya ay siya na nga. Maraming tao ang nagtanong, nagtatanong at magtatanong kung bakit dahil hindi nila maunawaan. Pero wala kang dapat ipaliwanag dahil alam mong ang pinili konay nararapat. Malamang na punong puno ang isip at puao mo ng pagsisis at kung minsna ay tinatanong mo angbsarili mo kung bakit? Kung pede pa ba, kung babalikmpa kaya siya. Babalik ka na naman sa pagititwala kaai unti unting nawalala ang puso mo ng pag asa dahil ang gusto mo ay siya. nakakalungkot lang isipin na hindi tulad ng dati. Hindi na ikaw ang naghahatid ng ngiti sa labi nya, ang bukang bibig nya ang laman ng mata niya pero kailangan kong panindigan ang pinili mong desisyon at naniniwala ka sa gagawin Niya sa buhay ko. Dadating ang mga pagkakataon na maalala mo aya sa lahat ng ginagawa mo dahil dati kasama mo sya at sinusuportahan la niya pero ngaun balewala ka na. Maiiaip mo na "kung kasama ko lang sya" lalo na sa mga bagay na palagi nyo gingawa. Cguro ganun lang talaga, pipili ka ng mga mahihirap na desisyon at dapat mo itong panindigan. Hindi ka nawawalan ng pag asa pero magtitiwala ka sa magiging kahihinatnan ng desisyon mo. Dapat maging handa sa mga mangyayari dahil baka mabutas ang matagal nang augatang puso kung pipiliin nya ang iba. Wala kang ibang dapat gawin kundi ang magtiwala at magdasal na sa tamang panahon ibibigay Niya ang apra sa iyo. Maaring sya o iba pa, walang nakakaalam, walang nakakaalam.