durugin ang patriarka gamit ang... matriarka?
Inilahad ng aming kaklase ang papaliwanag sa Ang Kabastusan ng mga Pilipino at nahinuha na ang patriarchy ang dahilan kung bakit âbastosâ ang mga Pilipino. Tinitingnan natin ang mga tao - lalo na ang mga babae - bilang mga bagay lamang. Pinapairal ang gahum na kung saan ang babae ay tila ba parausan lang, at kailangang ang lahat ng tao sa itinakdang tuntunin ng patriarkal na lipunan.
Ano ang mali dito? Dito papasok ang macho-pyudalismo, na dapat ang lalaki ay dapat matikas, malakas, nagtatrabaho at kumikita. Hinahayaan rin ng pyudalismo na ito ang rape culture at pambabastos sa kababaihan, dahil sinasabi nito na âganuân talaga ang mga lalaki.â Kailangang magpaka-macho ng mga lalaki. Ang mga babae naman ay dapat umastang parang damsel in distress: mahina, mahinhin, palasunod sa gusto ng lalaki. Kapag ang babae ay sinubukang magtrabaho, nahuhusgahan na siya ng lipunan dahil ito âgawain ng babae.â
Ang macho-pyudalismo at patriarka ang isa sa ginagamit upang panatilihin ang opresyon sa sistema. Kung titingan natin ang mga bilyonaryo at mga namumuno sa ibaât ibang bansa, kadalasan ay mga lalaki ito. Ang naghaharing-uri ay kadalasang binubuo ng mga lalaki, kayaât laganap ang patriarka.
Maski ang konsepto natin ng pamilya ay patriarkal din. Ayon sa Origin of the Family, Private Property, and State ni Friedrich Engels, nagsimulang mamuno rin ang lalaki sa tahanan dahil sa pangangalaga ng kanyang kayamanan. Bumaba ang pwesto ng kababaihan sa tahanan; lahat ay idinidikta ng lalaki dahil siya ang makapanyarihan. Dito na nagsimula ang tila primitibong uri ng kapitalismo: lahat ay pabor sa lalaki, bilang mas nakatataas, at kailangang sumunod ng babae at anak sa kanya. Kung kayaât sinabi ni Karl Marx at ni Friedrich Engels sa Manifesto na dapat buwagin ang ganitong konsepto ng pamilya.
Ngayong kahit papaano ay may ideya na tayo sa represibong patriarkal, ano ang dapat ipalit? Ayon sa feministang si Heide Goettner-Abendroth, ang sagot at matriarka.Â
Ibig sabihin ba ay kailangang magkaroon ng mga Amazonang pumapatay ng mga lalaki sa ating lipunan? Hindi. Napakabarbariko ng ganyang pag-iisip.
Ayon sa Societies in Balance. Re-thinking Matriarchy in modern Matriarchal Studies, ang isinusulong ng matriarka ay pantay na karapatan sa lahat - maging ano pa man ang gender orientation, at ang lipunan ay dapat maging simbolo ng pagiging ina. Ayon kay Goether-Abendroth:
At the social level, matriarchal societies are based on the clan, and on the the âsymbolic order of the motherâ. This also means maternal values as spiritual principles, one that humans take from nature. Mother Nature cares for all beings, however different they may be. The same applies to motherliness: a good mother cares for all her children, embracing their diversity.
Hindi mo kailangang maging babae para maging parte ng matriarka, kung paanong hindi mo kailangang maging babae para isulong ang feminismo. Hindi isinusulong ng matriarka na mas paboran ang mga babae. Sa katunayan, sa ilalim ng matriarka, ang matriarkang pangkat ay may responsibilidad na hatiin ang kayamanan sa lahat ng miyembro. Lalaki o babae man ay may parte sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng pangkat. Walang nakalalamang na babae o lalaki; lahat ay pantay.
Samakatuwid, hindi ang sagot ang peryodikong pagroromantisa ng feminismo ng mga korporasyon. Hindi rin sagot ang mala-pyudal na lipunan na pinamumunuan ng mga babae. Ang sagot ay matriarka: lipunang walang nakalalamang na kasarian, lahat ay pantay-pantay, walang naghaharing mga taong patriarkal kung mag-isip, maiiwasan ang misogyny, walang taong mababastos.