....
Hindi lahat ng bagay kaya mong dayain at gawan ng storya para masabing biro lang. Matagal man tayo may mga bagay na mauungkat ngayon at sa mga susunod na taon. Minsan naiisip ko ano bang nagawa ko sayo para gawan mo ko ng ganto. Naging tapat naman ako pero bakit ka ganyan sa akin. Ang tanging pagkukulang ko lang sayo minsan ay yung mga bagay na hndi mapagkasunduan. Pero lagi ko naman binibigay sayo lahat kahit ganyan ka lang. Madaming bagay sa mundo na hindi ko mawari bakit ganto ang pakiramdam ko tuwing ganyan ka. Sana magkaruon ng linaw ang lahat kasi kung lagi nalang ganto baka ako na mismo ang sumuko at tuluyang talikuran ka. Tao lang ako. Marunog masaktan. Siguro kaya nung mga panahon na pakiramdam ko hindi mo ako first choice yun yung mga panahon na ginagago mo pa lang ako. Kung kaya mo kong mawala sorry pero kaya din kitang mawala sa ganung paraan. Pagod na kong umintindi sayo. Kunwari magaglit ka para mapaling sa akin mali ko. Pano naman mali mo. Lagi mo nalang tatakbuhan. Kung ikaw pagod mas pagod sayo. Pagod na kong alagaan ang mga taong alam kong sasaktan lang ako.

















