Ibaan School Heads at Principals kasama si Kon. PJ Chua at Tourism Officer Myla Soriano.
Sa pagpupulong na ipinatawag ni Kon. Paul John Chua, Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon sa Sangguning Bayan ng Ibaan, pinag-usapan ng mga guro ang mga hakbangin bilang preparasyon sa darating na Teachers’ Day Celebration.
Mayor Toreja at Kon. Chua habang nakikipag-usap sa mga Principal at School Heads ng Ibaan.
Dumating din sa pagpupulong ang Punong Bayan na si Mayor Danny Toreja.
Opisyan na binuksan ang pagpupulong sa pamamagitan ng isang dasal sa pamumuno ni Gng. Veronica Roxas, Guidance Counselor ng Ibaan Central School.
Sa opisyal na agenda ng pagpupulong, napagkasunduan ng mga guro na isagawa ng selebrasyon sa ika-25 ng Setyembre 2015 sa Fr. Guido Colleti Gym ng paaralang Saint James Academy. Ito ay upang mas maging komportable ang ang mga partisipante sa kabuuan ng programa.
Nasa ikaapat na taon ng selebrasyon, ang Teachers Day Celebration ay hango sa ipinasang Municipal Ordinance No. 2012 – 01, “An Ordinance Declaring Last Friday of September Every Year As Official Teachers Day In The Municipality Of Ibaan, Batangas”, iminungkahi din na gawin “half-day” na lang ang selebrasyon upang mabigyan pa ang lahat ng sapat na panahon para sa kani-kanilang pamilya. Mulugod naman itong sinang-ayunan ng lahat.
Bilang Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon, pinangunahan ni Kon. PJ Chua ang pagpupulong para sa nalalapit na Teachers Day Celebration.
Ayon sa katitikan ng pagpupulong, “Ikalawang agenda ay ang programang nakahanda para sa naturang selebrasyon. Ang unang bahagi ng selebrasyon ay parada na magsisimula sa ganap na ika-7 ng umaga at ang assembly area ay sa pagitan ng Ibaan Central School at ng tahananan ni G. Dick Caringal. Ang parada ay pangungunahan ng ICS Mini Band, susundan ng mga guro ng paaralan na ang order ay “alphabetically-arranged“, kasama din ang grupo ng mga retiradong guro patungo sa Fr. Guid Gym kung saan idadaos ang ikalawang bahagi ng selebrasyon. Ang ikalawang bahagi ay Thankgiving Mass na pangungunahan ng mga Opisyales ng Pamahalaang Bayan, School Heads.”
Napagkasunduan ng lahat na gawin sa Fr. Guido Colleti Gym ang selebrasyon.
“Ang ikatlong bahagi naman ay ang pagsisimula ng program proper kung may mga pniling bata sa bawat paaralan upang mabigay ng kani-kanilang simpleng pagtatanghan o bilang. Magkakaroon din ng raffle at mga palaro, gayundin ng libreng serbisyo tulad ng manicure, pedicure, haircut, makeup at iba pa.”
Kasama din sa nagpagkasunduan ang pagkakaroon ng isang disenyo ng t-shirt na magsisilbing opisyal ng t-shirt ng mga guro sa Distrito ng Ibaan. Inako naman ng lokal ng pamahalaan ang gastusin para dito.
Sa huli, umaasa ang lahat maiisagawa ng matiwasay ang Teachers’ Day Celebration. Nagpasasalamat din ang lahat sa pagkakaroon ng nasabing pagpupulong upang magkaroon ng sapat na preparasyon ang nasabing selebrasyon.
(Photos by Coun. Paul John Chua)
Ibaan Honors Teachers For The First Time
Ibaan Teachers Day Celebration At Ibaan Central School
Narito ang mga dumalo sa pagpupulong:
Bb. Emiliana M. Roxas – District Supervisor
Gng. Leny Trivino – St. Jude STS
Gng. Winnie G, Montes – Marfeben Academy
Gng. Lucila M. Caringal – Gregorio Sison Memorial ES
Gng. Arleen R. Patena – Procopio Mailig Memorial ES
Gng. Norma A. Cantos  Sabang ES
Gng. Felicidad B. Dimaano – Talaibon ES
Gng. Neddie N. Alcantara – Bungahan ES
Gng. Veronica C. Roxas – Ibaan Central School
Gng. Jocelyn D. Argente – Panghayaan ES
Gng. Gina A. Cayetano – Sto. Nino ES
Gng. Pelagia A. Arriola – Mabalor/Catandala ES
G. Von Chester O. Calabia – Saint James Academy
Gng. Amelia S. Villanueva – Balanga ES
Gng. Florence C. Aguila – Quilo ES
G. Larry M. Roallos – San Agustin ES
Gng. Preciosa S. Gordo – Lucsuhin ES
Gng. Mariloy S. Kalalo – Tulay ES
Gng. Rosalina B. Anonuevo – Coliat ES
Bb. Gilda T. Virey – Bright Christian Academy
Gng. Maxima M. Javier – Maximo T. Hernandez Memorial NHS
G. Albert M. De Chavez – Malainin ES
Gng. Myla Soriano – Designated Tourism Officer
Teachers Day Celebration 2012Â (1)
Teachers Day Celebration 2012 (2)
Teachers Day Celebration 2012 (3)
Teachers Day Celebration 2014
Unang Pagpupulong Para Sa Teachers’ Day Celebration 2015 August 6, 2015 Sa pagpupulong na ipinatawag ni Kon. Paul John Chua, Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon sa Sangguning Bayan ng Ibaan, pinag-usapan ng mga guro ang mga hakbangin bilang preparasyon sa darating na Teachers' Day Celebration.