First day of first leave.
Mahigit isang taon na akong hindi nag-leleave sa trabaho. Six times a week na pasok, isang beses na day off sa isang linggo. Hindi man sobrang bigat ng workload namin as photographer, iba pa din yung stress at pagod sa trabaho.
Isang taong mahigit, haharap ka sa iba’t ibang klase ng tao. Iba’t ibang klase ng parents, iba’t ibang klase ng baby. May mga araw na may gusto akong asikasuhin pero hindi pwede dahil sa mahabang proseso ng pag-file ng leave. O di kaya under staff. Kaya nang pumasok ang 2018, sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ‘to. Kailangan kong magpahinga.
Kaya lesson number one for day one?
“Mahal ko ang trabaho ko, pero mas mahal ko ang sarili ko.”
... kagaya nang linya ni Bela Padilla sa upcoming movie niya. (Timing nga naman na nilabas ang teaser ng Meet Me in St. Gallen”.)
Most of the time, isinusubsob natin ang sarili natin sa trabaho for different reasons: kumita ng pera para makaipon, may problema sa bahay, gustong makalimot, aiming for promotion, earning experience, for good record etc. Pero ang nakakalimutan natin ang sarili natin. Siguro nga ngtatrabaho din tayo sa pansariling dahilan. Para may pang gastos. Para mag-grow. Para magkaroon ng purpose sa society. Pero hindi lang din siguro healthy na umikot na ang buhay mo sa trabaho, lalong lalo na kung hindi ka naman mahal ng kumpanya--- este trabaho mo.
Why miss the opportunity to learn other things, meet other people, spend time with your family, kung ang return lang naman sa’yo ng trabaho mo ay stress at sama ng loob? (Nasasabi ko ang mga bagay na ito ngayon, pero matapos ang 11 days ay subsob ulit ako sa trabaho, HAHA) But hey, at least I tried. Sinubukan kong kunin ang mga araw na dapat naman talaga ay sakin. Na hindi hawak ng trabaho. Na makapag-plano sa kung ano ang gusto kong gawin.
Kaya sa unang araw ng leave ko, natutunan kong mahalin ang sarili ko. Pumunta kami ng nanay ko sa malapit na parlor sa amin, nagpagupit, nagpalinis ng kuko. Nag bath scrub pag uwi. Nagbabad ng clay mask sa mukha. Nanood nang ‘Friends’ habang kumakain ng fruit salad. Kahit ano na makapagpapasaya sa akin na mararamdaman ko ang pahinga.
Na maramdaman ko ulit yung halaga ko. Ng AKO. Yung ako lang.
Ng Ako, pagkain, at pahinga.