Hi Ma,
Alam mo ba mag-sstart na ako sa bdo, naalala ko lang kung gaano ka ka-saya at ka-proud nung nakapasok ako sa bpi, tinawagan mo pa mga kamag-anak natin sa probinsya para ibalita 'yon. Ma, sana masaya ka rin ngayon kung nasaan ka man. Sana proud ka ulit sakin. Para sa'yo pa rin 'to Ma kahit wala ka na dito. Patuloy pa rin akong nangangarap para sa buhay na pinangako ko sayo kahit wala ka na. Kahit hindi mo na 'yon makikita at mararanasan.
Sana hinintay mo ko ng konti Ma. Para kahit papano napa-experience ko sa'yo yung maayos at magaan na buhay na deserve na deserve mo. Ang daya mo sa part na 'yon eh. Kung kelan nagkatrabaho ako, saka ka naman nawala. Marami tayong pangarap eh.
Alam mo ba, yung isang mong pangarap na magkaroon ng sasakyan, 2 years na lang mafufully paid ko na. 3 years na yung sasakyan pero di pa rin kita nasasakay don, at alam kong hindi na mangyayari yon. Pero sana nakikita mo at proud ka sa mga achievements ko. Para sa'yo 'to lahat Ma.
Hindi ko man naiparanas sayo ang magaan na buhay, pangako, kay papa at sa mga kapatid ko gagawin ko.
Miss na miss na kita, Ma at Mahal na Mahal kita.














