Para sa akin masarap manood ng mga teleserye lalo na yung mga Korean shows, kasi sa panonood ko parang dinadala ako sa ibang mundo, parang napapaniwala ako na masarap magmahal at mahalin. Pero syempre dahil natatapos din naman ang mga kwento sa mga TV series napapabalik nalang ako bigla sa totoong buhay, walang script, walang mga camera. Ito ang lugar kung saan mararanasan mo ang totong mga kaganapan sa buhay, walang mga takes at cuts kapag nasaktan ka, walang malungkot na background music kapag nagsesenti ka, walang director na magtuturo tungkol sa gagawin mo or sa mararamdaman mo towards sa sinasabing katambal mo sa palabas. Dito ikaw mismo ang pipili ng sarili mong partner kung saan mararanasan mo ang ibat-ibang emosyon sa buhay.














