Ang Paaralan ang Siyang Instrumento para sa Pagbubuti ng Paraan ng Pamumuhay
Akda ni: Lorenzo Ibarra
“Tumakbo, tumalon, sumigaw at maglaro ngunit huwag magkasala”. Ito ang isa sa mga tanyag na paalala na iniwan ng isang mapagmahal na ama sa kanyang mga kabataan, si san Juan Bosco. Ang patron ng paaralang Don Bosco Technical institute na siyang matatagpuan sa Makati. Ang institusyon ng Don Bosco ay isang katangitangi na paaralan na nakapagbibigay ng mga espesyal na palatuntunin at mahahalagang mga moral na siyang binibigay sa lahat ng estudyanteng mapapadpad sa paaralang ito.
Ang mga munting paalala ng tagapagtatag ng paaralan na ito na si Juan Bosco ay nakapag gagabay sa mga estudyante upang maging mga mabubuting mga kristiyano at matutuwid na mamamayan. Ang Don Bosco Makati ay may K – 12 na programa na binubuo ng anim na taon ng basic education o siyang tinatawag na “Grade School” at mayroon ring apat na taon sa Junior High School, at dalawang taon para naman sa Senior High School.
Ang kurikulum ng paaralan ng Don Bosco ay nakapagbibigay ng dalawang mahahalagang potensyal na palatuntunin sa mga magaaral nito. Bukod sa mga academics, binibigyan ng paaralan ang kahalagahan nila sa pagtuturo ng relihiyon, ang pagiging mabubuting kristyano, at ang pagtuturo ng mga teknikal na kurso sa mga estudyante. Kilala ang Don Bosco bilang isang tanyag na paaralang dalubhasa sa pagtuturo ng mga teknikal na asignatura, ang potensyal na nailalabas nito sa kabataan ay nakapagbibigay ng kahandaan sa kanilang hinaharap na mga propesyon.
Nakasaad sa Don Bosco Makati SHS page na ang kanilang layunin ay sisiguraduhin na ang mga estudyante ng Don Bosco Makati ay makakaranas ng mga aktibidad at mga proyekto na karagdagang magbibigay. Kung may iba pang katanungan maaring bisitahin ang opisyal na website ng paaralan, https://www.donboscomakati.edu.ph/index.php/courses/shs








