RMT na ako.
To God be the glory!

blake kathryn
No title available

No title available
The Stonewall Inn
Cosimo Galluzzi

★
wallacepolsom

ellievsbear
Today's Document
noise dept.
Claire Keane

gracie abrams

❣ Chile in a Photography ❣
TVSTRANGERTHINGS
Game of Thrones Daily
Stranger Things
almost home
NASA
he wasn't even looking at me and he found me

#extradirty
seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from Netherlands

seen from Germany

seen from Sweden

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Belarus
seen from Russia

seen from Türkiye

seen from Brazil

seen from New Zealand

seen from Russia

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Brazil

seen from France
@littlemiss-medtech
RMT na ako.
To God be the glory!
Uwing-uwi ka kasi excited kang makausap yung mahal mo kaso matutulog na naman siya.
Naiiyak na lang ako. Ang sakit sakit mamiss ka. 😔
Naranasan niyo na bang magselos to the point na namintig yung batok mo? :-)
Medyo tanggap ko pa yung mga nasabi pero nang makita ko... Nanlamig ako. Namintig yung batok ko nang dahan-dahan. Ni hindi ko nga naranasang ma-highblood at sumakit ang batok tapos nang dahil sa selos naramdaman ko yan? As much as possible nga iniiwasan kong magselos kasi alam ko sa sariling hirap akong maovercome yan.
It’s 2 fucking AM. Nasa duty ako. Ang payapa, ang tahimik. Nag-aaral ako nang matiwasay tapos nakita ko yun. Gusto kong magdabog at ilabas ang inis ko pero hello mahiya ka. Nawala ako bigla sa mood. Unti-unti akong naiiyak sa inis... Lumapit ang staff at yung kasama ko at sinabing pwede na kaming matulog. Kinondisyon ko yung sarili ko na sumagot; sabi ko lang sige po. Nawala na ko sa mood, nawalan na ko ng gana mag-aral. Buti na lang at tapos na ko sa topics na dapat aralin.
Tulog na yung kasama ko at yung staff. Gusto ko na ring matulog kaso hindi ko magawa. Pag naiisip ko, naiinis ako. Hirap akong makatulog pero buti nakatulog pa rin.
Pinapakitaan mo ba ako? Yung mga salitang yun... Alam ko hindi ganun ang gustong sabihin pero ganun ang context...
It’s been a looooooong while. Akala ko di ko na babalikan ‘tong tumblr na ‘to but here I am again. Pa-rant lang oh haha (kaso baka magmukhang twitter well anw)
Kaya mo yan. Pag nawawala na ang motivation mo sa pag-aaral, mag-unwind ka muna saglit, self-reflecting tas hanapin ulit ang motivation sa pag aaral. I know it's hard (been there, done that) but few months/years from now, magiging RMT kana. Claim na natin yan. God bless you. Pagpapray kita future RMT 😊
Halaaaaaaa. It’s been a while nung last akong nag-open ng tumblr at ngayon ko lang nakita ‘to. :( Super thank you po whoever you are. 😢💖💖 Kahit na nagsisibagsakan ang grades ko ngayong Sem 2, laban lang. Thank you po, God bless you!
On a scale of 1 to 10, gaano ka ka-sensitive? 9. Ang sensitive ko ngayon grabe. Simpleng bagay lang na di ko magawa, napapaiyak na ko. Naiinis na ko. Pipigilan ko muna sarili ko sa paggawa ng mga bagay na makakapagpatrigger ng pagkasensitive ko. Nakakaiyak b3h. Sinusubukan kong magpakalakas ngayon pero everyday life is testing me. Please stay strong muna. Pagpapahingahin rin kita. Promise, self. Wag papakain sa lungkot, pigilan.
Haha hi how to feel okay po. Smiling on the outside, feeling restless on the inside ang trip ng sarili ko ngayon. Nadadown ako kasi nawawalan na ko ng gana mag-aral tapos may sakit pa ko ngayon. Feel ko ang weak weak ko na. Hirap na hirap na kong i-motivate yung sarili ko. Hindi ko na kayang magpakastrong na naman. Kala ko okay na ko eh, hindi pa rin pala. Meron pang fighting spirit pero naghihingalo na.
Life update:
Antagal ko nang di nakapag-update dito kasi sobrang busy. Di ko maharap magkwento ng mahaba haha. Pero wala namang masyadong ganap sa life except sa pumapag-ibig na naman (la) at frustrations at hinaing ko sa pag-aaral. Fren, nakakapagod. Nakakapagod mag-aral. Sobrang dami kong frustrations since nagstart yung sem na 'to at ngayon pa lang ako medyo namomotivate. Nakakaya ko pa namang mag-aral, mag-effort pero kulang talaga sa motivation. Hinahanap ko yung dating lakas ko nung 1st sem na hindi ko mahanap ngayon. Wala kong ginawa ngayon kundi ang pagkkwestyon ko sa kakayahan ko. Lagi kong tinatanong, "Bakit hindi na ko efficient?", "Asan yung sipag ko dati?", "Bakit hindi ko na makayang makakuha ng mataas na score?", "Bakit hirap akong makapagfocus?". Araw-araw ganyan. Nag-aaral na lang for the sake na makapasa at makakuha ng mataas na score, hindi na para matuto. Ayoko ng ganyan pero kinapitan ko na lang kasi kailangan. Pinilit kong magpaka-""positive"" pero hindi na siya umeepekto. Sinubukan ko ring magpaka-strong pero wala rin. Alam mo yung bawat quiz sasabihin mong, "babawian kita sa susunod", "mag-aaral ako ng advance" pero hindi mo nagagawa. Nasanay kasi yung mga tao sa'kin na mataas nakukuha kong ga resulta. Mataas yung expectations nila sa'kin/sa'min. Hindi dahil sa hindi ko mapantayan yung expectations ng ibang tao kaya ko nalulungkot (siguro may part na rin dun) pero dahil sa kinukumpara ko yung sarili ko nung 1st sem sa ngayon. Alam kong mas masipag/mas effective ako noon kaysa ngayon. Kaya sobrang pinupush ko yung sarili ko na maging ganun ulit pero hindi maganda kinalabasan. "Done but at what cost". Ayoko na, pagod na ko. Kailangan ko nang magpahinga. Gustuhin ko mang magpahinga pero walang oras. Hindi pwede kasi maraming tambak na gawain. Gusto kong pabayaan na lang pero alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa yun. Hindi ko na kayang magpakastrong. Alam kong pagod na ko. Bibigay na lang ako sa pagod.. At dumating na nga ko dun sa point na, "Magpahinga ka muna. Hindi mo na kaya." Nappressure ako sa sarili ko lalo na sa isa naming subject na hirap na talaga ko. Sinasabi pa lang ng prof namin yung mga susunod na gagawin hanggang finals, napanghinaan na agad ako ng loob. At ayun na nga, bumuhos na ko. Buti na lang may taong kaya akong intindihin at kayang palakasin yung loob ko. Kailangan ko lang pala umiyak. Kailangan ko lang pala ilabas lahat ng pagod, stress, frustrations at hinanakit na matagal ko nang dinadala. Sobrang naipon na kasi. Hindi rin pala maganda na lagi kang malakas, nagpapaka-positive. Wag mong ipilit kung hindi mo na kaya. Ikaw rin ang mahihirapan. Wala ka ring mapapala. Minsan kailangan din nating bumigay sa pagod na nararamdaman natin. Mahirap man pero kailangan. Kahit kaunting panahon lang, pagbigyan mo rin yung sarili mo na makapagpahinga at wag i-stress/i-pressure ang sarili. Huminga ka muna. Take a step back and re-evaluate. :) Kaya ito ngayon, onti-onti na kong nakakarecover. Katatapos lang ng midterm exams (yung iba) at satisfied naman ako. Thankful ako sa naranasan kong 'to kasi narealize ko na hindi sa lahat ng oras kaya ko. Magpahinga din pag may time. Laban lang. Susuka pero hindi susuko. 😂☺
Ayun na. Umamin na.
"Ang ibig sabihin nyan mas importante ka kesa sa ego ko"
Deserve ko po ba 'tong taong 'to...
"Kaya mong mawala yung pinagsamahan natin dahil lang sa ugali mong yan?" 😔 Matanda na ko pero bakit ganito pa rin ako... 😔
Passengers
Nanood kami ng movie kanina. Sa Gateway. Fren di ako prepared. Ang nasa isip ko lang talaga eh sa SM para mura lang tas malapit. Eh dun daw, edi sige. Roadtrip/adventure na naman hahaha. Tinignan muna namin yung sched tas bumili ng ticket. Buti na lang maaga, 1:20. Kumain muna kami sa Army Navy. Si Mr. Burger eh haha. Dapat BK, yun naman talaga yung deal kaso walang sariling stall/space, nasa foodcourt lang eh ayoko so nauwi kami dun. Syempre inorder ko Chipotle kasi sobrang nagustuhan ko yung lasa ng burger na yun 💖 Di siya nasatisfy sa burger niya. Failed haha. Mas trip niya yung lasa nung Chipotle. Umakyat na kami sa sinehan. Inaantok ako gusto ko sanang tulugan pero sayang. Maganda yung movie!! Trip ko kasi yung mga technology keme, ang gaganda, sana ganun talaga in the future. Hindi naman kami na-inform na love story pala hahaha. Namatay sila in the end. Aba malamang after 80 years di ka pa patay non? Haha. Dumaan muna kaming National bago umuwi. Anlaki-laking National wala mang HBW :( Hahaha. Nakakapagod, umulan pa pero enjoy naman. Thanks!
Half-day lang, 10:30 dismissed na pero 6:30 na nakauwi. 😏😅 Sakit ng legs ko huhu. Ang alam ko kasi sa Recto lang kami pupunta para maghanap ng libro eh. Biglang napunta ng Quiapo tapos MOA??? Hello?? Hahaha. Pero masayang magbaybay ng lugar. First time kong makapunta ng Morayta, Recto haha. First time kong makita FEU nang harap-harapan and nakakaamaze. Lagi ko lang kasing nakikita yung likod nun kapag dadaan sa Quiapo 😂 Andami palang libro sa Recto pero di ko sure kung yun na lahat yun at feeling ko hindi pa. Bukod pala sa mga books sa school meron ding mga fictional pero hindi second hand. (Meron kayang tindahan na nagbebenta ng 2nd hand fictional books sa Recto? Pls suggest kung meron hehe thanks) After naming "maghanap", naghanap na kami ng kakainan. Wala. So sabi ni fren mag-Quiapo daw kami kasi may mga kainan daw dun. Edi naglakad kami papuntang Quiapo. Andaming tao lalo na sa gilid ng Quiapo tas wala kaming napala kundi pagod hahaha. Wala na palang mga kainan dun. So nagdecide na silang mag-MOA. Wow naman MOA. Talaga no? Ang sabi ko lang kasi Recto eh. Nag-LRT tas jeep kami papunta dun. Hassle pala sumakay ng LRT ng kahit ganong oras?? Mga 2 ata yun. Akala ko patay na oras yun para sa mga tao, hindi pala. Buti na lang dalawang lalaki kasama ko kundi naipit-ipit na ko hahaha. Pagdating sa MOA, sa may dagat kami dumiretso. Fren, ang tirik tirik ng araw nasa may dagat talaga tayo no? Pero mahangin naman and masarap sana tumambasy kaso yun nga tirik ang araw. Dun din kami dumiretso kasi "sa gilid daw ng MOA tayo kumain" pero wala din. Literal na naglakad lang kami dun. Alam niyo kung san kami kumain? Subway. Pucha bagsak din namin Subway edi sana nag-SMNE na lang tayo hahaha. Pero okay lang, masaya kasi nakapasyal naman HAHA. Balak pa nilang manood ng sine, gusto ko rin kasi kailangan ko nang umuwi. Gusto rin namin sanang manood ng sunset pero next time na lang sana matuloy. 4:30 umuwi na kami. Jeep ulit pero this time MRT naman. Mabilis lang yung biyahe. Ata. Kumpara naman kung magjjeep or bus. Pero may naalala pala kong katangahan ko... Di ako marunong ng ticket sa LRT/MRT. Matagal na kasi akong di nakapagtren at ang alam ko pa na paggamit sa ticket eh yung ipapasok mo dun sa slot tas kukunin after. Eh hindi na pala ganon. Literal na beep na pala lahat except sa pag-exit. Nakakahiya kasi di ko alam, nastuck ako at nagpanic kasi di ako makadaan HAHAHA. Anywaaaay, pagbalik kong QC pauwi, napa-"Hay back to reality na naman.." Ang sarap na lang magliwaliw but acads, responsibilities haha. More spontaneous lakads to comeee ☺
"Thank you sa gift may value sakin yon ahahaha" cute haha ☺️