Me: You know what, you’re highly immunogenic.
Him: Why?
Me: Because you have caused such a reaction in me.
Hey, it’s me Faye, 24, and has the talent to scare away people with my awesome pickup lines 😂

seen from Malaysia
seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from Canada

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Canada
seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from Argentina
seen from Hong Kong SAR China
seen from United States
seen from China
seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from China

seen from Malaysia

seen from China
Me: You know what, you’re highly immunogenic.
Him: Why?
Me: Because you have caused such a reaction in me.
Hey, it’s me Faye, 24, and has the talent to scare away people with my awesome pickup lines 😂
Life update:
Antagal ko nang di nakapag-update dito kasi sobrang busy. Di ko maharap magkwento ng mahaba haha. Pero wala namang masyadong ganap sa life except sa pumapag-ibig na naman (la) at frustrations at hinaing ko sa pag-aaral. Fren, nakakapagod. Nakakapagod mag-aral. Sobrang dami kong frustrations since nagstart yung sem na 'to at ngayon pa lang ako medyo namomotivate. Nakakaya ko pa namang mag-aral, mag-effort pero kulang talaga sa motivation. Hinahanap ko yung dating lakas ko nung 1st sem na hindi ko mahanap ngayon. Wala kong ginawa ngayon kundi ang pagkkwestyon ko sa kakayahan ko. Lagi kong tinatanong, "Bakit hindi na ko efficient?", "Asan yung sipag ko dati?", "Bakit hindi ko na makayang makakuha ng mataas na score?", "Bakit hirap akong makapagfocus?". Araw-araw ganyan. Nag-aaral na lang for the sake na makapasa at makakuha ng mataas na score, hindi na para matuto. Ayoko ng ganyan pero kinapitan ko na lang kasi kailangan. Pinilit kong magpaka-""positive"" pero hindi na siya umeepekto. Sinubukan ko ring magpaka-strong pero wala rin. Alam mo yung bawat quiz sasabihin mong, "babawian kita sa susunod", "mag-aaral ako ng advance" pero hindi mo nagagawa. Nasanay kasi yung mga tao sa'kin na mataas nakukuha kong ga resulta. Mataas yung expectations nila sa'kin/sa'min. Hindi dahil sa hindi ko mapantayan yung expectations ng ibang tao kaya ko nalulungkot (siguro may part na rin dun) pero dahil sa kinukumpara ko yung sarili ko nung 1st sem sa ngayon. Alam kong mas masipag/mas effective ako noon kaysa ngayon. Kaya sobrang pinupush ko yung sarili ko na maging ganun ulit pero hindi maganda kinalabasan. "Done but at what cost". Ayoko na, pagod na ko. Kailangan ko nang magpahinga. Gustuhin ko mang magpahinga pero walang oras. Hindi pwede kasi maraming tambak na gawain. Gusto kong pabayaan na lang pero alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa yun. Hindi ko na kayang magpakastrong. Alam kong pagod na ko. Bibigay na lang ako sa pagod.. At dumating na nga ko dun sa point na, "Magpahinga ka muna. Hindi mo na kaya." Nappressure ako sa sarili ko lalo na sa isa naming subject na hirap na talaga ko. Sinasabi pa lang ng prof namin yung mga susunod na gagawin hanggang finals, napanghinaan na agad ako ng loob. At ayun na nga, bumuhos na ko. Buti na lang may taong kaya akong intindihin at kayang palakasin yung loob ko. Kailangan ko lang pala umiyak. Kailangan ko lang pala ilabas lahat ng pagod, stress, frustrations at hinanakit na matagal ko nang dinadala. Sobrang naipon na kasi. Hindi rin pala maganda na lagi kang malakas, nagpapaka-positive. Wag mong ipilit kung hindi mo na kaya. Ikaw rin ang mahihirapan. Wala ka ring mapapala. Minsan kailangan din nating bumigay sa pagod na nararamdaman natin. Mahirap man pero kailangan. Kahit kaunting panahon lang, pagbigyan mo rin yung sarili mo na makapagpahinga at wag i-stress/i-pressure ang sarili. Huminga ka muna. Take a step back and re-evaluate. :) Kaya ito ngayon, onti-onti na kong nakakarecover. Katatapos lang ng midterm exams (yung iba) at satisfied naman ako. Thankful ako sa naranasan kong 'to kasi narealize ko na hindi sa lahat ng oras kaya ko. Magpahinga din pag may time. Laban lang. Susuka pero hindi susuko. 😂☺
Sister: Diet ako, saging nalang kinakain ko.
Me: Alam mo ba na kapag napasobra ka ng saging pwede kang mag hyperkalemia? Which will affect your heart and muscle movement.
Sister: Hala naka-tatlo na pa naman ako ngayon.
Me: Ay, don’t worry, matsing ka naman.
Heh.
Specimen: exudate (tissue) Organism: Serratia marcescens (top half of the plate) Pseudomonas aeruginosa (bottom half) The red pigment is produced by S. marcescens which is called "prodigiosin". Meanwhile, P. aeruginosa exhibits a fruity or grape-like odor.
Nag summary ng lesson➡️ binullet form➡️ Binasa yung summary➡️ nag highlight ➡️ binasa ulit➡️ nag circle2, nag check2➡️Nag mnemonics ➡️ nag lista ng pwde lumabas as enumeration➡️ natapos ➡️ parang walang na absorb ➡️ gg natulog nalang 😂
1 week pa lang ako sa pagiging 3rd year but yung struggles it feels like 1 year na akong nakikipagsapalaran.
LAB MANAGER
mula nang makapasa si Mam Iris sa ASCPi, then IELTS lagi na ako tinutukso sa lab na ako na papalit sa kanya.
wow naman this. yung lagi pinapagalitan sa mga kapalpakan sa lab pa ano.
haha. de. kahit paano naman ramdam ko na gain ko na naman ang tiwala nila, ksi mabait ako. chos. at masipag. at masunurin. hahaha. oo. yan naman talaga maipag mamalaki ko kung di man ako ganun ‘kagaling’ tulad ng iba.
fast forward sa earlier part ng May.
confirmed na yung pagtuloytuloy ng application ni Mam I papuntang US kaya nabuksan nanaman yung topic at tinanong na niya ako.
Sa totoo lang, masarap isipin yun. wow naman. Lab Manager eh, kumbaga naglevel up na sa career tapos dagdag sahod yun guys,
pero nung napagusapan nga, kita naman nila na alangan ako.
isa sa reasons yung gradschool ko. di ko kakayanin pagsabayin ang studies at dagdag na responsibilities sa lab.
tsaka yun nga, kaya nga ako nag ggradschool eh. kasi iba na yung path na gusto ko tahakin. hindi na sa medical lab.
mahal ko ang pagiging medtech ko, kasi kung hindi dati ko pa yan sinukuan or worst, napatalsik na ako sa trabaho,
ang kaso, di ko talaga dito nakikita yung fulfillment na gusto ko maramdaman.
edi this week nga, duty partner ko si Mam Iris. Sinabi niya sa akin na nagpahanap na siya sa owner ng lab (sir Regg) ng papalit sa knya. kasi ayaw niya din ako mahirapan dahil alam niya na nag aaral ako.
eh pati nga pag aaral sa lab ko ginagawa dba. edi pag ako naging manager di ko na yun magagawa. hahaha. :p
so yun. di ko naman pag sisihan na somehow nagdecline ako sa better offer.
yes, better offer siya sa ngayon. pero di eto yung daan ko papunta sa dream ko. ilang taon na din nasasayang sa akin na di ko nagagwa yung gusto ko. kaya kung sa career nalang talaga ako magiging succesful, di na din ako liliko pa.
nasabi ko na din naman dito, na kung dumating yung time na kailangan ko mamili between sa mas mataas na sahod at dream job ko, pipiliin ko pa din yung dream job.
Alam ko sa ngayon, malayo pa yun, matagal pa pero EYES ON THE GOAL lang. hahaha.
ang arte ko parang walang INC sa subjects. lol.
***
Posting this here because why not hahaha. Specimen: semen from a 19 y.o Motility: 80% Reaction: alkaline Viscosity: normal