muse

#extradirty

izzy's playlists!

Product Placement
Lint Roller? I Barely Know Her

roma★

tannertan36
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Claire Keane
wallacepolsom
NASA
No title available
$LAYYYTER
RMH

@theartofmadeline
sheepfilms
YOU ARE THE REASON
Fai_Ryy
Peter Solarz

❣ Chile in a Photography ❣

ellievsbear
seen from United States
seen from Malaysia

seen from Argentina

seen from United States
seen from Mexico
seen from United States

seen from Switzerland
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Germany
seen from Malaysia
seen from United States
@lunahue901
muse
Dahilan
Pilit mong tinatanong ang dahilan,
mga dahilan sa di ko naman mapaliwanag, Ngunit ito iyung sagot.
Bukod sa ang daming ideya ang bigla na lang magsusulputan
sa ating mga usapan at mga pinagkikwentuhan,
mas marami ang nagkakaroon sa tuwing may ikaw.
Totoo nga ang musa.
Patawad kasi ikaw ang nakita netong mata.
Sa tuwing gusto kong magsaboy ang kulay
at maguumapaw ang rikit sa gitna ng lumbay.
Pagmamasdan ko lang
ang ikaw.
Hindi ka gamot,
isa kang dahilan.
Kaya wala namang sanang pilitan
na sagutin ang mga tanong mong bakit.
Basta ikaw ang dahilan.
May pagtanging
huwag sanang sasabog
isang pag-iwas,
Animo'y taglagas
madalas sa tatak naiibsan yung kirot sa puso, kaya naman sa magkabilang dulo ng aking paa simbolo mo ang ipinalagay. Bagong simulain nga ba o pagpapaala na minsang nagmahal nang higit pa sa iba. Ngayong alam ko na, hindi kailan mang makakalimot pa. Kintal ng liwanag ka sinta
T
May mga araw na hindi ko na inaalala kung makakausap pa ba kita o hindi, dahil madalas mas marami ang mga araw na ikaw ang kausap ko sa isip ko.
Nasanay na akong gawin kang kausap sa mga panahong laging walang maka usap man lang. Imbes na kumustahin ka sa telepono, dinadaan ko na lang sa isip ko.
Kumusta ka mahal. Ang tagal na nang huli kitang makita, minsan ba sumasagi din ako sa isip mo? Gusto kong masanay na malayo ka. Dahil habang buhay akong mananabik sa mga ngiti mo.
Sana ay laging malusog at masayang nagbabasa, habang nag-aantay sa pagtatapos ng pandemya.
Skip
I was so stressed and having difficulty facing myself, and as I close my eyes I found myself drowning in thoughts of you.
I skip a bit, indeed you shine so bright that I can find my way back on my track.
Nais
Tanglaw: gusto ko syang yakaping mahigpit. Luna: Bakit di mo ginawa? Tanglaw: Ginawa ko naman ... bilang kaibigan.
to be lonely, is human
Ode
A Sonnet by luna amihan No Ligo Day you inspire me to write. How I love the way wind chill, pour and blow, Invading my mind day and through the night, Always day dreaming, what a show. Let me compare you to a pretender? You are more chilling, cold and scary. gray fogs hide the oceans of November, And typhoon Time has the filling eyrie. How I’m, confused of you? Let me count the ways. I love your smell, wind and rain. Thinking of your howling wind fills my days. How I embrace you, willing contain. Now I must away with a crazy heart, wary, worried with no words whilst we’re apart.
Mata
madalas kong maalala yung mata mo, yung kulay, yung lalim, kung paano kita titigan. Habang ika’y nagtataka bakit ako nakatitig. Sa totoo lang, hindi ko rin alam.
Minsan, gusto ko lang. Pero mas madalas walang dahilan.
Narito lang
madalas ako sa misyon, sa mga NGO na may hangarin bigyang liwanag ang mga pangarap ng mga bata. Mga organisasyon o samahan na may iisang layunin, ianggat ang kalagayan ng ating mga kababayan kahit mabagal ay isa pa rin naman paraan upang magkaroon ng pag galaw.
Ngunit minsan, isa sa mga NGO na sinamahan ko ay tinalikuran mismo ang taong nagsilbi at nag boluntaryo sa kanila ng mahabang taon. Hanggang sa kinailangan kong pumili ng sila ba o iyong sinukuan nila
Maraming beses na akong nagutom, nadapa at walang masilungan m. Noong makita ko iyong pag bitaw nila sa aming kaibigan, ninais kong maging yaung tao na gusto kong tumulong sa akin noong ako’y dapang-dapa sa lupa. Yaun hindi ka susukuan sa tuwing ika’y madadapa.
Mahirap Kaibigan, ang pakiramdam na akala mo wala kang malalapitan. Ngunit mas mahirap ang mawalang pag-asa.
Narito ako kaya’y kapit lamang
Abandoned
I been playing guitar back in my grade school, learning every single simple chords my little fingers can reach at age of 11. I grab every chance that I can to borrow guitar and songhits even for an hour. I continued that journey growing up, playing with friends during our free time at school, or during tambayan. I even enjoyed performing on stage with one of my best friends. Until, one day, of 2002, my soul abandoned that passion. I tried to relearn that love, as I moved forward. I decided to join a grunge band hoping that playing bass will help me recall. But I failed. 19 years have passed, a project in my current work force me to hold my guitar, once again, not to play passionately but to test the software application of top guitar brand. LOL, ang tandahan nga naman. I been practicing old songs, relearning guitar techniques until my hands hurst. To bestfriend, I pray that you’re happy singing and doing things you love most. I will try to start anew,to maybe relearn playing again, and hopefully learn to sing too.
naalimpungatang damdamin
sino ba naman ang mag-aakala na ako'y mangingibig sa wala. Wala nga ba? Ngunit damdamin ko'y naguumapaw na. Makailang ulit kong itinanong bakit ang tindi ng damdamin ko May pinagmulan ngunit walang patutunguhan. Ni walang pangalan.
Call me Luna
I wanted to tell what’s inside my head but I am afraid of judgement and misconception. So, I decided to just maybe have a pseudo name. A persona whom I don’t need explaining. Here I am, wearing a mask that nobody knows. Let me write about love, how I swoon on simple things, how soft this heart and oh how I love erotica. And how I fell in love to someone that is no ONE Welcome to my closet, full of bones, flowers and colors.