Masaya bang magpakatanga sa isang tao
Naiinis ako sa sarili ko kasi paulit ulit na lang akong umaasa... iniisip ko na kahit hindi muna ngayon basta in the near future baka may chance. Tuwing magkikita kasi kami sa learning center, ewan ko ba pero feeling ko may binibigay siyang signs sa akin na he cares for me. I'm not sure kung as a sister/ friend lang yun or there's something more.
Eh kasi may girlfriend na siya eh... although hindi ako sigurado kung serious ba yun dahil highschool studes pa lang kami. Pero di ba pag girlfriend/ boyfriend mo yung isang tao that means na mahal mo siya?
Ok na ako eh, 100% ngang nakapagmove on na ako sa pagkakacrush sa kanya (lumagpas na sa crush pero hindi pa umaabot sa love kasi it's too early to say that) pero wala eh... nung mga nakaraang araw nagkakasalubong na naman kami sa learning center at bumabalik uli eh. From 100% back to zero. At heto, nagpakatanga na naman ako...and you know what's worse?
Kailangan ko pang maumpog sa pader para lang magising sa katotohanang may iba siyang mahal...












