An AFK Adventure with Idol VaLoR
Yan ang una niyang sinabi sa akin, naghahanap kasi ako ng ka Ygg duo sa guild chat nung araw na un - naaalala kong desperado na ako sa Eden coins kaya ayokong masayang ang pagkakataon magawa ang instance na un.
Naisip ko pa, aba, may nagoyo akong sumama sa akin.
Low DP kasi ako, alam mo na, di trip kasama ng majority. Tipong walang papatol sa iyo pag nagahanap ka ng kaparty sa world chat. Who you ka, kapal feys!
Sabihin na natin napahiya ang bida niyo at di kami umabot ng level 30. Expected ko na di na ako papansinin pagkatapos pero aba nakipagkwentuhan.
Ewan ko ba, pihikan naman ako sa kausap pero magaan naman ang loob ko sa kanya kaya ayun, mag iisang buwan na kaming regular na magkakwentuhan sa gabi sa 23.
Friendship Monthsary?! Michael Jordan? LoL.
Bakit ko alam? Eh inadd ko sa FB nung araw na un at nag message, un kaya ang date.
Okay, oo, golden rule. Wag basta basta add ng add ng friends sa FB. Eh wala naman ako tinatago and well, mabuti malaman na niya ng maaga sino kausap niya, ipagtagpi-tagpi na lang niya ang mga makikita at basa niya, hahaha. I mean, di naman ako scammer o chixi at kung tatanungin niya ako balang araw kung open minded ako at magkape kami minsan, eh sorry, hindi ako mahilig lumabas ng bahay, yayain na lang niya ako mag PVP at katayin na lang niya ako ng attack speed niya ng paulit-ulit (someday idol, maiisahan din kita, hahaha).
Nakatulog siya nung isang gabi habang magkakwentuhan kami sa party chat. Naaliw ako at finorce follow ko siya na sundin ako sa buong mapa ng Rune Midgard. Ayun, nakapag MVP, TR, mini, at elite ang idol nating afk na si VaLoR. Kagabi naman, pinagbigyan niya ako at nag scripted afk siya.
non-verbatim: sige na, sa office na ako magwowork bukas ng gabi eh, 2 gabi ka rin makakatulog ng maagaa :P
(insert daming tawa here)
Siyempre, tuwang-tuwa lola niyo, kahit parang baliw na may nasunod na kapwa sniper (na malakas btw), G lang!
Adventure 1: Sinayawan Ko Siya
"Kinendeng mo kaso deadma" - koya, tip po, Jupe at ET run lang.
Bago siya natulog, ubos na raw comm tickets niya. Eh may 40 pa ako kaya ayan, ako na lang sumayaw...sinayawan ko si idol. Yes pwede ung 40 kahit afk kasama sa party, basta 2 kayo.
Adventure 2: Habol ng MVP at TR
Dharma best ghorl. AFK yarn.
Adventure 3: Ikot Ikot Lang
Habang cooldown mga MVP, ikutin ang Rune Midgard!
Ulitin ko, afk si idol VaLoR. Today, di siya mamatay sa GH kasi nakakaKafra na siya.
Adventure 4: Inabutan ng Maintenance sa Huling MVP of the Day
Nagising siya na hinihintay na lang umappear ang OL.
Akala mo katapusan na ng mundo at pa maintenance na ng 7am, hahaha. Daming bilin, hanash, at paulit-ulit na "ingat ka, kumain ka, mamaya, sa Sabado, etc" kaming nalaman.
Ending, nag close ung app ng 7am at nag usap pa kami saglit sa messenger, hahaha.
Btw, twinning kami, "partner" costumes. Pinagbigyan kami ni ROO na magkaroon kami ng costume galing sa same gacha, hahaha.
...at least di ung moo-moo costume, may do do ng cow eh.
Hanggang sa susunod, na trip, abangan, hahaha.