‘WAG MAGING MARUPOK DURING QUARANTINE, IT’S A TRAP!
Malapit na magsimula ang Season 4 ng extension ng lockdown sa Pilipinas, umaasa ka pa rin na makakakuha ka ng ayuda mula sa gobyerno. Nagtatanong sa sarili kung ano pa ang ibang luto ng sardinas bukod sa paggisa nito kasama ang bawang, sibuyas at kamatis.
Parang series lang sa netflix na hiniram mo pa ang account sa kaibigan mo at kabado ka kasi hindi mo pa napapanuod ang final episode ng Crash Landing on You dahil baka mag-expire na ang subscription niya.
Daig din ang excitement mo tuwing kinsenas at katapusan sa tuwing ibabalita ito sa TV kung mae-extend pa ba ito o may sweldo ka pa bang dapat asahan.
At hindi mo rin sigurado kung makakalaya ka na sa kama mong walang ibang ginawa kundi yayain ka para humiga pagkatapos kumain at gigisingin ka naman para kumain ulit. Tumataba ka na friend!
During these quarantine days, lumalabas na naman ang inner energy mo na makipag-socialize kahit may social distancing tayong dapat sundin. Landian na wala namang mapupuntahan at hanggang lockdown season lang.
Sa sobrang bored mo, ginawa mo rin ang Dalgona Coffee na nakita mo sa stories niya kahit na alam mong hindi ka naman coffee lover pero pinagbuhusan mo ng panahon ang paghalo ng 2 teaspoons of sugar, coffee at hot water for about 10 - 15 minutes hanggang maachieve mo ang foamy texture na hinahanap mo. At ime-message mo siya ng,
“Huy. Gumawa rin ako ng Dalgona Coffee nakita ko kasi sa stories mo. Tara coffee tayo after lockdown? ;)” *SHOOKT*
Hindi mo rin pinalampas ang pag-aaccept mo ng mga friend requests kahit wala naman kayong mutual friends sa bawat isa. Basta gwapo o maganda, accepted na yan. Dagdag din sa pagview ng my day stories mo.
Sa sobra mong mahiyain, magrereact ka ng sad reaction sa post niya sa facebook kahit na todo ngiti siya doon at wala namang dapat ikalungkot. Ikaw lang itong papansin para i-chat ka niya ng,
“Huy bakit sad react? Hehe.”
“Ah, wala napindot lang. Kumain ka na?”
*SHOOKT part 2*
Hindi mo rin naman masisisi ang sarili mo kung paborito mo ang cotton candy na kapag nadilaan lang, malulusaw agad. Walang perfect timing sa pagiging marupok ngayon. ‘Wag kang magpapadala sa mga tiktok videos niya na paulit-ulit mong pinapanuod at dinownload mo pa sa cellphone mong kahit full-charged na, naka-charge pa rin.
‘Wag ka rin maamaze masyado sa winning streak niya sa mobile legends habang pine-flex niya ang mga bagong skins niya. Pero kung willing siyang mag-adjust at magtank sa laban niyo para protektahan ka, ‘wag ka na mag-inarte. Grab it na! Para naman tumaas na ang rank mo na halos isang buwan na, hindi ka pa rin makaalis-alis sa Legend III.
Tama na rin ang kakapuyat para lang sabihin sa kanya na namimiss mo na magsamgyupsal at mag milktea kahit hindi naman niya tinatanong. At sa sobrang pilit mo na malaman kung ano ang namimiss niya,
“Namiss ko na jowa ko. Tara sleep na tayo?”
FINAL *SHOOKT* for this long essay kasi sa sobrang tagal niyong nag-usap, nalaman mong taken pala siya.
Pero ang totoo talaga, wala namang masama makipag-usap ngayong quarantine days. ‘Wag mo lang masyadong galingan mag-invest ng feelings dahil it’s a trap! Tandaan mo na kapag sa oras na na-flatten na ang curve ng COVID-19 cases sa Pilipinas — senyales na matatapos na ang lockdown — at mawawala na rin siya bigla sayo dahil siya ang tunay na virus. Joke!
Stay home at always wash your hands para iwas sa virus! 😉














