Coed po ba ang swimming pe ng ust?
Nope, separated po. :)
Stranger Things

★
sheepfilms

No title available

Kaledo Art
DEAR READER
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
noise dept.
h

Origami Around
KIROKAZE
Peter Solarz
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

❣ Chile in a Photography ❣

pixel skylines

oozey mess

if i look back, i am lost
Cosmic Funnies
NASA
Keni
seen from Brazil
seen from India

seen from Uzbekistan
seen from Brazil

seen from Brazil
seen from Tunisia

seen from Tunisia

seen from Albania
seen from United States

seen from Brazil
seen from Iraq
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Bangladesh

seen from United States
seen from United States
seen from United States
@myfreshies
Coed po ba ang swimming pe ng ust?
Nope, separated po. :)
Hello po. Saan po makikita yung accounting division ng ust na mag-aasikaso raw po ng refund of fees? Nalate po kasi ako ng pagsubmit ng credentials for scholarship and i didnt ask when can i refund my tuition fee. nabasa ko lang po sa reg form that refund of fees should be made during regulation period. Ito po ba yoong sa may 27 na enrolment po? o pwede po before na kunin. thank you so much po!
Hello~Yung accounting division, nasa 2nd floor ng Main Building. Ang alam ko pwede mong i-refund anytime. Pero just to be sure, tawag ka na lang sa OSA (Office for Students Affairs).Direct Line: 731-2985
A Tour to the University of Santo Tomas
Ang mga numero sa mapang ito ay walang legend sa sulating ito. Ang mapang iyan ay nakuha lamang sa Wikipedia para masabi lang na may nailagay na picture sa post na ito. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
Dahil wala akong magawa at napapansin ko sa aking tracked tag na UST dito sa Tumblr ay madaming posts ang mga incoming freshies about being excited for college (and entering UST) naisipan kong gumawa nito para makatulong namansa buhay buhay nila.
ESPAÑA SIDE (starting from Lacson)
Inside UST:
The new UST gym. Di ko alam kung tapos na ito pagpasok ng school year na to pero kung hindi pa. Syempre, napaka-alikabok dito. At amoy Cobra at Sting din, hahaha. Mga construction worker eh. Macho. Dati may maliit na field dyan at yung Engineering Covered Court na home ng mga nagp-PE ng badminton, korfball at softball. Dyan din ginaganap yung basketball goodwill games pero nilipat na sya pansamantala sa Seminary.
Quadri Walkway. Dati, dyan pinopost ang USTET results pero ngayon yung schedule na ng quadri events ang nakapost. So ayun. Tambayan yung mga bench na nandyan.
Fountains of Knowledge and Wisdom at Arch of the Centuries. Okay actually hanggang ngayon di ko pa din alam ang kung ano dun ang Fountain of Knowledge at Fountain of Wisdom, hahaha sorry na. Pero ayun. Masarap magnilay nilay dun sa napakalawak na plant box sa mga fountain. Mahusay din mag-practice for social dance at fitness dito dahil siksikan na sa Quadri Square at sa Lovers’ Lane. At syempre, Arch of the Centuries. Lahat pumapasok dyan sa Thomasian Welcome Walk pero hep-hep, wag na wag kang lalabas. Madedebar ka daw. Mapapansin mo kung sino ang hindi Thomasian na naglalakad sa lugar na yan. Kapag umiiwas sa Arch of the Centuries, Thomasian yun.
Magubat na parte ng UST field. Sorry di ko alam kung anong tawag dun or kung may tawag ba dun so let’s keep at that na lang, haha. Dyan yung may mga buha-buhangin na tinatalunan ng mga nagp-PE ng Track and Field at yung court ng mga nagse-Sepak. Wait. May Sepak pa ba na PE ngayon? Parang wala akong napansin ngayong taon pero anyway, ayun yun. Hahaha. Minsan makikita mo din dyan ang mga Yellow Jackets na nagpa-practice ng mga UST drum beats.
P.NOVAL SIDE (starting from España)
Beato (Beato Angelico Building). Ang building ng mga Arki at CFAD. As usual, ang stereotype ng mga tao dyan ay mga weird na tao. Medyo nga. Artists eh. Sa mga pav dyan, sasabog ang ulo mo sa mangha sa mga nagpa-painting atbp. Imba ang mga tao dyan. Walang mga tulog lagi kaya wag basta- basta inisin, hahaha. Yan ang building na dream building ng lahat. Ang ganda kasi. Yan din yung pinakabago. Tatlo pa ang elevator. Ganda din ng mga view sa mga rooms. Namangha din ako sa mga com lab ng mga taong to. O e di kayo na ang may Mac room! Kayo na ang may com lab na puro laptop ang laman! Meron din silang sariling caf sa gilid.
UST Publishing House. Nasa gilid sya ng Beato. Dyan ang bilihan ng mga textbooks sa english, lit, atbp.
Domus (Domus Mariae Residence). Ang nag-iisang student residence hall sa loob ng UST (yung iba kasi ata pang-pari na, sa loob ng seminary). Nako, presyong condo dito. Pero well, naka-UST WiFi ka naman at aircon na ang rooms so ayos na rin. Tsaka siguradong sigurado ang kaligtasan mo kasi sa loob ng UST lang ang buhay mo. Balita ko di ito bukas this acad year kasi under renovation.
UST Gym. Ang gym na ito daw ang pinakamodernong gym…. nung panahon nya. So, dyan nagp-PE ang mga fitness, folk dance, social dance, table tennis, swimming, adapted PE. Dun sa mismong gym naman nagpa-practice ang mga varsity. So, parteh parteh sa mga hot na guys. Somewhere din sa gym na yan ang office ng Salinggawi. Kalinya nung faculty room ay yung sa mga judo varsity naman. Masarap yung mga sandwich at burgers dun sa tindahan sa gilid nito. Try nyo yung cheeseburger. Heaven, promise.
UST Grandstand and field. Sa grandstand ata ang office ng mga guard at mga ROTC. Yung mga CR dyan, along with the CRs sa simbahan, ay ang mga natatanging CR na pwedeng puntahan ng kaibigan mong hindi taga-UST. Pretty handy na tandaan para sa Paskuhan, haha. Yung field naman, dyan nagp-PE ang bayan. Hahaha. Soccer, korfball, volleyball, track and field, softball.
Central Seminary, P. Noval Covered Court at UST Chapel. Seminary, ang bahay ng Ecclesiastical Faculties. Yung seminary gym, dyan nage-enroll so mahalagang matandaan to. Though di nyo naman talaga kailangang pumila na dahil may online enrollment naman (mag-BPI na kase!). Pero kung may aberya lang sa enrollment tsaka super kailangan lang gawin to. Aircon naman ang gym na to so medyo chill lang (literally) ang enrollment. Yung pila sa labas lang ang deadz tayo dyan. Pero usually kapag higher year ka na, chill chill na lang ang pila. Puro mga irreg na kasi kaya kapag regular ka pa rin, chill lang pila mo, hahaha. P. Noval Covered Court, dito na yung mga nagp-PE ng basketball at di ko na alam kung ano pa. UST Chapel, yep. Ayan ang simbahan sa UST. Hindi yung malaking building na may cross sa taas. Medyo nagmukha na syang simbahan talaga sa labas ngayon kasi may carillon na sa labas. XD
Botanical Garden. Balita ko nagka-klase dyan ang mga med-related courses. Nagdidissect sila ng palaka dyan. As in sa mga bench dyan. Hahaha.
UST Graduate School at UST (Pay) High School (Benavides Building). Di pa ako nakakapasok sa building na to so no idea talaga kung anong meron sa loob. Pero ayun nga, dyan ang grad school at yung pay high school. Bakit Pay High? Yes, may Pay Low. Hahaha joke. Dalawa kasi ang high school sa UST ano. Yung isa Pay High yung isa Educ High. Sa huling tingin ko sa fees, 75k ata sa Pay High at mga 20+k lang sa Educ High. Ayun ang main difference, hahaha. Maya na natin pag-usapan ang Educ High.
TARC (Thomas Aquinas Research Complex). Ang tagong- tagong- tagong- tagong building after ng UST High School. May grad school din ata dyan at kung anu- ano pa. Research complex daw so ayun, serious business. Dyan madalas ginaganap ang mga conferences. Mahusay din mag-practice sa mga lugar banda dito.
FMO (Facilities Management Office). Ito ang lugar na dapat tandaan mo lalo na kung balak mong maging active sa isang org. Dito humihiram ng mga table, panel boards, red carpet, torch at kung anu ano pang kailangan ng org nyo para sa isang in-campus org activity.
DAPITAN SIDE (from P. Noval)
TYK (Tan Yan Kee Student Center). Pwedeng i-pronounce as TAYK. Dito ang OFAD so isa din ito sa unang mapupuntahan sa UST. Ito ang tambayan ng bayan para sa libreng aircon + pwedeng mag-ingay hangga’t gusto mo, hahaha. Sa lobby nito nakasalampak ang mga tambay na taong nakikipagkwentuhan, kumakain (oops, bawal ang styro dito!), gumagawa ng project. Yung iba naman nanonood ng TV na nasa lobby na powered by TOMCAT. Kung wala kang org, di mo masyadong ma-aappreciate ang building na to kasi hanggang salampak ka lang sa lobby. Kung may org ka, party party ka sa org room kasi pwede mo nang gawin lahat. May Internet connection kasi sa lahat ng org room so magdala ka lang ng LAN cord, go na. Yun lang, UST ISP pa rin yan so may mga blocked pa rin na websites. May mga table din at may aircon pa na mamamatay ka talaga sa sobrang lamig. Inuulit ko. Bawal magdala ng styro sa lugar na to. Kung nakapagdala ka sa org room, lagot kayo sa OSA.
AB (St. Raymund Peñafort Building). Building ng AB at Commerce. Ang una mong mapapansin dito ay napakadaming..chicks. Haha. Syempre sa uniform ba naman ng AB at Commerce di ba, pormang porma eh. To be honest medyo culture shock ako sa mga AB kasi napaka-outspoken nila at kung anu-anong words ang kanilang alam. Yung mga commerce, mga rich kids at parang andami ding party activities akong nakikita sa college na yan.
Lib (Miguel de Benavides Library/ UST Central Library). Ang dakilang tambayan ng mga taong gustong mag-aral… at matulog. Kung gusto mo ng matiwasay at tahimik na buhay, wag kang sa Sci Tech or Soc Sci section mag-stay. Tambayan kasi ng mga eng yan. Madalas na maingay dyan, haha.
Med (St. Martin De Porres Building). Dito ang building ng Med, CRS at Nursing. Madalas ding puntahan ng bayan ang building na to dahil sa Med Audi, ang audi ng bayan. Wag magpagabi sa building na to. Nakakatakot. Eh lagi pa namang umaabot ng gabi yung mga events dyan. Good luck na lang. Pagkalabas na pagkalabas mo sa entrance/exit sa likod, tatambad sayo ang museum ng mga preserved na body parts at yung lab na puno ng cadaver. Ma-high ka nawa sa Formalin.
LACSON SIDE (starting from Dapitan)
UST Charity Hospital. Basically murang version ng UST Hospital.
Educ (Albertus Magnus Building). Ewan, ito ata ang pinakamalaking building? Kung hindi, basta nalalakihan ako sa building na ito. Maganda kasi yung design nya kasi andaming maluluwag na at open spaces. Dito ang educ, music, CTHM, grade school at educ high. So ayun nga, educ high. Ito yung lab school ng educ. Mas mura dito ang tuition pero mas mahirap ata ang admission.
Eng (Fr. Roque Ruano O.P. Building). Ang tahanan ng mga engineering at ICS. Ito ang building na mawiwindang ka kasi laging madaming tao sa labas at kahit saan sa loob nito. Paano ba naman, mga walong libong (ata) mga estudyante ang gumagamit ng building na to. Ilang programs ba naman ang ino-offer dito eh. NAPAKAINGAY dito grabe. Kapag gabi lang ata at umaga tahimik dito. Pero kapag 10am-6pm na, waley, siksikan sa gate, buzzbuzzbuzz everywhere. Pagpasensyahan nyo na, nagrerelease lang ng stress. XD Bawal nga pala ang styro sa building na to. Actually pati tarp eh, pero for some reason wala na yung rule na yun.
MGA NASA LOOB- LOOB (Mga walang associated na side kasi nasa gitna sila, starting from Espana side, going to Dapitan)
Lovers’ Lane. Pagpasok mo ng Arch, ito ang sasalubong sayo. Ang lane ng mga lovers, lol. Nakalimutan ko yung totoong pangalan ng park na ito pero basta yun na yun. Magubat to dati pero inayos na ngayon so may mga upuan na. Maganda ditong mag-moment…at mag-practice for social dance/ fitness/ folk dance. XD
Carpark/ AMV- COA. Ang carpark. Parking area para sa mga walang UST sticker or may mga UST sticker na naubusan na ng parking space sa grounds. Madaming kainan dito para sa mga nagmamadali or tinatamad lumabas ng UST para kumain. Medyo may kamahalan nga lang ang mga pagkain dito. Pinaka-favorite dito ang McDo, Pasta Boy, Potatojos, Campus Toppings, Happy Fanshu, scramble, Quickly, Hongkong Style Noodles at Siomai House. Sa pinakatuktok ng building na to ay ang Alfredo M. Velayo- College of Accountancy. Party party kapag AMV ka, taas ng aakyatin mo. XD Pero napakaganda naman ng loob ng AMV. Parang mga school lang sa Japan eh.
Main Building. NOTE: Hindi po ito ang simbahan. So dito nagkumpol kumpol ang lahat ng mga mahahalagang bahay sa UST. Ito ang super admin building+ Faculty of Pharmacy+ Faculty of Civil Law+ College of Science. Medyo nakakaloka ang building na to kasi nakakatakot sa gabi at nakakaloka ang mga staircase at mezzanine floors.
Health Service at UST Hospital. Ayun. Puntahan ng mga delikado ang buhay or kailangan magpa-physical exam.
Tinoko Park. Dati daw, before TYK, dito ang tambayan ng mga org. Ngayon tambayan ng bayan na lang especially ng mga AB at Commerce. XD
Quadri Square. Ang lugar kung saan nagpa-practice ang sambayanan. Unahan na lang sa saksakan mga kaibigan. Masarap tumambay dito kasi may mga sumasayaw minsan na imba talaga. Mahangin din sa lugar na to. May free talsik pa ng fountain.
Dahil wala akong magawa at napapansin ko sa aking tracked tag na UST dito sa Tumblr ay madaming posts ang mga incoming freshies about being excited for college (and entering UST) naisipan kong gumawa nito para makatulong namansa buhay buhay nila.
ESPAÑA SIDE (starting from Lacson)
Inside UST:
The new UST gym. Di ko alam kung tapos na ito pagpasok ng school year na to pero kung hindi pa. Syempre, napaka-alikabok dito. At amoy Cobra at Sting din, hahaha. Mga construction worker eh. Macho. Dati may maliit na field dyan at yung Engineering Covered Court na home ng mga nagp-PE ng badminton, korfball at softball. Dyan din ginaganap yung basketball goodwill games pero nilipat na sya pansamantala sa Seminary.
Quadri Walkway. Dati, dyan pinopost ang USTET results pero ngayon yung schedule na ng quadri events ang nakapost. So ayun. Tambayan yung mga bench na nandyan.
Fountains of Knowledge and Wisdom at Arch of the Centuries. Okay actually hanggang ngayon di ko pa din alam ang kung ano dun ang Fountain of Knowledge at Fountain of Wisdom, hahaha sorry na. Pero ayun. Masarap magnilay nilay dun sa napakalawak na plant box sa mga fountain. Mahusay din mag-practice for social dance at fitness dito dahil siksikan na sa Quadri Square at sa Lovers’ Lane. At syempre, Arch of the Centuries. Lahat pumapasok dyan sa Thomasian Welcome Walk pero hep-hep, wag na wag kang lalabas. Madedebar ka daw. Mapapansin mo kung sino ang hindi Thomasian na naglalakad sa lugar na yan. Kapag umiiwas sa Arch of the Centuries, Thomasian yun.
Magubat na parte ng UST field. Sorry di ko alam kung anong tawag dun or kung may tawag ba dun so let’s keep at that na lang, haha. Dyan yung may mga buha-buhangin na tinatalunan ng mga nagp-PE ng Track and Field at yung court ng mga nagse-Sepak. Wait. May Sepak pa ba na PE ngayon? Parang wala akong napansin ngayong taon pero anyway, ayun yun. Hahaha. Minsan makikita mo din dyan ang mga Yellow Jackets na nagpa-practice ng mga UST drum beats.
P.NOVAL SIDE (starting from España)
Beato (Beato Angelico Building). Ang building ng mga Arki at CFAD. As usual, ang stereotype ng mga tao dyan ay mga weird na tao. Medyo nga. Artists eh. Sa mga pav dyan, sasabog ang ulo mo sa mangha sa mga nagpa-painting atbp. Imba ang mga tao dyan. Walang mga tulog lagi kaya wag basta- basta inisin, hahaha. Yan ang building na dream building ng lahat. Ang ganda kasi. Yan din yung pinakabago. Tatlo pa ang elevator. Ganda din ng mga view sa mga rooms. Namangha din ako sa mga com lab ng mga taong to. O e di kayo na ang may Mac room! Kayo na ang may com lab na puro laptop ang laman! Meron din silang sariling caf sa gilid.
UST Publishing House. Nasa gilid sya ng Beato. Dyan ang bilihan ng mga textbooks sa english, lit, atbp.
Domus (Domus Mariae Residence). Ang nag-iisang student residence hall sa loob ng UST (yung iba kasi ata pang-pari na, sa loob ng seminary). Nako, presyong condo dito. Pero well, naka-UST WiFi ka naman at aircon na ang rooms so ayos na rin. Tsaka siguradong sigurado ang kaligtasan mo kasi sa loob ng UST lang ang buhay mo. Balita ko di ito bukas this acad year kasi under renovation.
UST Gym. Ang gym na ito daw ang pinakamodernong gym…. nung panahon nya. So, dyan nagp-PE ang mga fitness, folk dance, social dance, table tennis, swimming, adapted PE. Dun sa mismong gym naman nagpa-practice ang mga varsity. So, parteh parteh sa mga hot na guys. Somewhere din sa gym na yan ang office ng Salinggawi. Kalinya nung faculty room ay yung sa mga judo varsity naman. Masarap yung mga sandwich at burgers dun sa tindahan sa gilid nito. Try nyo yung cheeseburger. Heaven, promise.
UST Grandstand and field. Sa grandstand ata ang office ng mga guard at mga ROTC. Yung mga CR dyan, along with the CRs sa simbahan, ay ang mga natatanging CR na pwedeng puntahan ng kaibigan mong hindi taga-UST. Pretty handy na tandaan para sa Paskuhan, haha. Yung field naman, dyan nagp-PE ang bayan. Hahaha. Soccer, korfball, volleyball, track and field, softball.
Central Seminary, P. Noval Covered Court at UST Chapel. Seminary, ang bahay ng Ecclesiastical Faculties. Yung seminary gym, dyan nage-enroll so mahalagang matandaan to. Though di nyo naman talaga kailangang pumila na dahil may online enrollment naman (mag-BPI na kase!). Pero kung may aberya lang sa enrollment tsaka super kailangan lang gawin to. Aircon naman ang gym na to so medyo chill lang (literally) ang enrollment. Yung pila sa labas lang ang deadz tayo dyan. Pero usually kapag higher year ka na, chill chill na lang ang pila. Puro mga irreg na kasi kaya kapag regular ka pa rin, chill lang pila mo, hahaha. P. Noval Covered Court, dito na yung mga nagp-PE ng basketball at di ko na alam kung ano pa. UST Chapel, yep. Ayan ang simbahan sa UST. Hindi yung malaking building na may cross sa taas. Medyo nagmukha na syang simbahan talaga sa labas ngayon kasi may carillon na sa labas. XD
Botanical Garden. Balita ko nagka-klase dyan ang mga med-related courses. Nagdidissect sila ng palaka dyan. As in sa mga bench dyan. Hahaha.
UST Graduate School at UST (Pay) High School (Benavides Building). Di pa ako nakakapasok sa building na to so no idea talaga kung anong meron sa loob. Pero ayun nga, dyan ang grad school at yung pay high school. Bakit Pay High? Yes, may Pay Low. Hahaha joke. Dalawa kasi ang high school sa UST ano. Yung isa Pay High yung isa Educ High. Sa huling tingin ko sa fees, 75k ata sa Pay High at mga 20+k lang sa Educ High. Ayun ang main difference, hahaha. Maya na natin pag-usapan ang Educ High.
TARC (Thomas Aquinas Research Complex). Ang tagong- tagong- tagong- tagong building after ng UST High School. May grad school din ata dyan at kung anu- ano pa. Research complex daw so ayun, serious business. Dyan madalas ginaganap ang mga conferences. Mahusay din mag-practice sa mga lugar banda dito.
FMO (Facilities Management Office). Ito ang lugar na dapat tandaan mo lalo na kung balak mong maging active sa isang org. Dito humihiram ng mga table, panel boards, red carpet, torch at kung anu ano pang kailangan ng org nyo para sa isang in-campus org activity.
DAPITAN SIDE (from P. Noval)
TYK (Tan Yan Kee Student Center). Pwedeng i-pronounce as TAYK. Dito ang OFAD so isa din ito sa unang mapupuntahan sa UST. Ito ang tambayan ng bayan para sa libreng aircon + pwedeng mag-ingay hangga’t gusto mo, hahaha. Sa lobby nito nakasalampak ang mga tambay na taong nakikipagkwentuhan, kumakain (oops, bawal ang styro dito!), gumagawa ng project. Yung iba naman nanonood ng TV na nasa lobby na powered by TOMCAT. Kung wala kang org, di mo masyadong ma-aappreciate ang building na to kasi hanggang salampak ka lang sa lobby. Kung may org ka, party party ka sa org room kasi pwede mo nang gawin lahat. May Internet connection kasi sa lahat ng org room so magdala ka lang ng LAN cord, go na. Yun lang, UST ISP pa rin yan so may mga blocked pa rin na websites. May mga table din at may aircon pa na mamamatay ka talaga sa sobrang lamig. Inuulit ko. Bawal magdala ng styro sa lugar na to. Kung nakapagdala ka sa org room, lagot kayo sa OSA.
AB (St. Raymund Penafort Building). Building ng AB at Commerce. Ang una mong mapapansin dito ay napakadaming..chicks. Haha. Syempre sa uniform ba naman ng AB at Commerce di ba, pormang porma eh. To be honest medyo culture shock ako sa mga AB kasi napaka-outspoken nila at kung anu-anong words ang kanilang alam. Yung mga commerce, mga rich kids at parang andami ding party activities akong nakikita sa college na yan.
Lib (Miguel de Benavides Library/ UST Central Library). Ang dakilang tambayan ng mga taong gustong mag-aral… at matulog. Kung gusto mo ng matiwasay at tahimik na buhay, wag kang sa Sci Tech or Soc Sci section mag-stay. Tambayan kasi ng mga eng yan. Madalas na maingay dyan, haha.
Med. Dito ang building ng Med, CRS at Nursing. Madalas ding puntahan ng bayan ang building na to dahil sa Med Audi, ang audi ng bayan. Wag magpagabi sa building na to. Nakakatakot. Eh lagi pa namang umaabot ng gabi yung mga events dyan. Good luck na lang. Pagkalabas na pagkalabas mo sa entrance/exit sa likod, tatambad sayo ang museum ng mga preserved na body parts at yung lab na puno ng cadaver. Ma-high ka nawa sa Formalin.
LACSON SIDE (starting from Dapitan)
UST Charity Hospital. Basically murang version ng UST Hospital.
Educ (Albertus Magnus Building). Ewan, ito ata ang pinakamalaking building? Kung hindi, basta nalalakihan ako sa building na ito. Maganda kasi yung design nya kasi andaming maluluwag na at open spaces. Dito ang educ, music, CTHM, grade school at educ high. So ayun nga, educ high. Ito yung lab school ng educ. Mas mura dito ang tuition pero mas mahirap ata ang admission.
Eng (Fr. Roque Ruano O.P. Building). Ang tahanan ng mga engineering at ICS. Ito ang building na mawiwindang ka kasi laging madaming tao sa labas at kahit saan sa loob nito. Paano ba naman, mga walong libong (ata) mga estudyante ang gumagamit ng building na to. Ilang programs ba naman ang ino-offer dito eh. NAPAKAINGAY dito grabe. Kapag gabi lang ata at umaga tahimik dito. Pero kapag 10am-6pm na, waley, siksikan sa gate, buzzbuzzbuzz everywhere. Pagpasensyahan nyo na, nagrerelease lang ng stress. XD Bawal nga pala ang styro sa building na to. Actually pati tarp eh, pero for some reason wala na yung rule na yun.
MGA NASA LOOB- LOOB (Mga walang associated na side kasi nasa gitna sila, starting from España side, going to Dapitan)
Lovers’ Lane. Pagpasok mo ng Arch, ito ang sasalubong sayo. Ang lane ng mga lovers, lol. Nakalimutan ko yung totoong pangalan ng park na ito pero basta yun na yun. Magubat to dati pero inayos na ngayon so may mga upuan na. Maganda ditong mag-moment…at mag-practice for social dance/ fitness/ folk dance. XD
Carpark/ AMV- COA. Ang carpark. Parking area para sa mga walang UST sticker or may mga UST sticker na naubusan na ng parking space sa grounds. Madaming kainan dito para sa mga nagmamadali or tinatamad lumabas ng UST para kumain. Medyo may kamahalan nga lang ang mga pagkain dito. Pinaka-favorite dito ang McDo, Pasta Boy, Potatojos, Campus Toppings, Happy Fanshu, scramble, Quickly, Hongkong Style Noodles at Siomai House. Sa pinakatuktok ng building na to ay ang Alfredo M. Velayo- College of Accountancy. Party party kapag AMV ka, taas ng aakyatin mo. XD Pero napakaganda naman ng loob ng AMV. Parang mga school lang sa Japan eh.
Main Building. NOTE: Hindi po ito ang simbahan. So dito nagkumpol kumpol ang lahat ng mga mahahalagang bahay sa UST. Ito ang super admin building+ Faculty of Pharmacy+ Faculty of Civil Law+ College of Science. Medyo nakakaloka ang building na to kasi nakakatakot sa gabi at nakakaloka ang mga staircase at mezzanine floors.
Health Service at UST Hospital. Ayun. Puntahan ng mga delikado ang buhay or kailangan magpa-physical exam.
Tinoko Park. Dati daw, before TYK, dito ang tambayan ng mga org. Ngayon tambayan ng bayan na lang especially ng mga AB at Commerce. XD
Quadri Square. Ang lugar kung saan nagpa-practice ang sambayanan. Unahan na lang sa saksakan mga kaibigan. Masarap tumambay dito kasi may mga sumasayaw minsan na imba talaga. Mahangin din sa lugar na to. May free talsik pa ng fountain.
Okay yan lang. Next time sa labas naman.
Tumatanggap po ba ng transferee ang ust? Specifically the college of engineering? tnx po! Really want to study in ust.
Hello~
Kung naiisipan mo mag-shift this school year, mukhang di yan mangyayari, lalo't na maraming incoming freshmen. Paunahan rin sa slot, yung mga iba, start palang ng first sem, nagaayos na ng records and stuff kung gusto talaga lumipat.
Hindi nga lang namin alam kung ano patakaran sa Eng'g. Hm, maybe you should call them or you can visit and talk to the Dean nalang for further information.
Telephone: 632) 406-1611 Loc. 8275; (632) 731-4041
On a related note: http://buhayuste.tumblr.com/post/5767777023/hello-ask-ko-lang-kung-pwede-bang-mag-shift-ng-course
:)
FOOD TRIP AROUND UST.
We all know that there are food in Carpark but UST is also surrounded by food stalls, carinderias and restaurants around it's perimeter. Mas mura and masarap pa, you just have to know where to eat. These are our picks:
DAPITAN.
Chili wrapped in lumpia wrapper. We never tried this pa but it's really mabili and others love it. I think 10 pesos isang piece.
Milk tea sa D Cream. Around 40-60 yung price pero depende na rin sa kung ano bibilhin mo. We assure you, masarap ang milk tea nila. Try Assam or Golden Sun. Marami rin naman bilihan ng Milk Tea around Dapitan like Simple Line, Moonleaf, I love Milk Tea, Cha Dao, Chill Out.
Botsicake. You can find stalls everywhere. Madami silang 'branches eh'. Masarap ang Fried Oreos nila, or kaya yung Mallows yung nasa loob. Meron rin namang plain lang, yung cheese yung loob. Around 6-15 pesos yung price ng isa.
Dimsum Treats. They offer different kinds of siomai for just a low price, with rice pa! 40 pesos per meal. We recommend Japanese and Quail Egg.
Piyaya. Parang na-flat na hopia. Tatlong flavor ang pagpipilian, Chocolate, ube and caramel. Masarap siya. Only for 10 pesos each.
SEx. Sisig Express. Famous kainan. Masarap yung sisig express nila. Mayroon rin silang Beef Tapa and Fried Chicken. Around 45 pesos.
There are also various restaurants in Dapitan, like, Jollibee, Mang Inasal, Wendy's, KFC, Mcdonald's [ medyo nasa Lacson na siya. ].
If you're quite tight on budget, there are carinderias naman along Asturias.
CARPARK.
Musubi. Spam, rice, egg, nori. Have it any way you want. Sobrang sarap niya and nakakabusog. Price starts at 30 pesos. 50 pesos yung double spam with egg na pang-lunch talaga. Available 'to sa D2B.
Katsudon. 70 pesos. Masarap and sulit talaga. Available rin sa tindahan ng Musubi, Oishi Obento.
Cantonese. Masarap yung mga dimsums nila dito. Especially yung Shrimp Puffs and Sharksfin. Affordable rin. 70 pesos yung Shrimp Puffs with rice. Located sa kaloob-looban ng D2B.
Bon Chon. The craze is not yet over. Masarap talaga dito kaso medyo maypagka-ginto ang presyo. Sulit naman, okay lang yan.
Samkak. We never tried it yet pero marami na nagsasabi na masarap daw. 50 pesos ata isa. Kita mo na agad yung stall pag-akyat mo.
Golden Chopsticks. Bilihan ng Milk Tea sa second floor D2B. May sabi sabi na medyo magkalasa sila ng sa D Cream. Pero okay lang yan, masarap naman.
Crepe. Sa may D2B rin 'to, alam ko masarap yung crepes nila pero hindi pa namin na-try kasi either sarado or madaming nakapila. Pero try niyo rin. Illusion lang siguro na madaming tao kasi maliit sa D2B.
Syempre, nandyan rin ang famous at favorite food chains niyo sa Carpark. Explore niyo nalang, pati ang second floor.
P. NOVAL.
Chicken Popcorn! Our favorite syempre. Murang mura for only 49 pesos per meal. Pwede ka rin magupgrade. 65 pesos pag gutom na gutom ka talaga. May bilihan rin ng melon and pandan juice and buko shake sa tabi niya.
Moiralyn's Canteen. Silog silog tinda nila. Masarap ang mura rin. 45 pesos start. May tinda rin silang shake dito na na mura na masarap talaga. 25 pesos. Pwede ka rin magpaload.
Kantunan. Sabi nga nila, if may SEx sa Dapitan, may Kantunan sa P. Noval. Okay. Mga silog rin tinda nila, around 45 pesos rin.
Naughtea Boy. Masarap ang Milk Tea nila. Price starts at 60 pesos pero sulit naman. They have dimsum meals rin, around 45 pesos. Try niyo ang nasa Rock, Salt, and Cheese nila and yung Grapefruit Yakult and Hazelnut Milk tea.
D' Sons Dimsum. Affordable dimsum treats. Katabi rin Chicken Popcorn.
Piyaya. Oo, may branch rin sila dito.
Kwek-kwek, Calamares and Isaw. Marami rin silang branch. Masarap for only 10 pesos per stick. 5 pesos sa Isaw.
Botsicake. Isa pang may malawakang branch.
Coffee Indulgence. iba't ibang klaseng milkshake ang tinda nila. Around 45 pesos isa.
John Allen's. Kainan rin and mura rin. Lagi ko nakikita blockmates ko na eto breakfast nila sa classroom. May tindahan rin ng shake sa tabi nito.
Timbale. Sa tabi ng Beato 'to. Maraming pagpipilian ng pagkain, kaso medyo may presyo. 70 per meal. Pero okay lang, 40 pesos yung pastas nila na nakakabusog talaga. Dito ka nalang kumain pag wala kang time and/or tinatamad maglakad.
Family Tree. Okay rin naman pagkain nila dito. Masarap yung Lasagna nila.
Lopez Canteen. Affordable and masarap pagkain dito. Mabait rin sila. Try niyo yung Sushi nila, 50 pesos lang.
Santorini. Kung maka-K-pop ka, magugustuhan mo ang interior nila. Anyway, Korean and Japanese food yung mga meals nila na medyo may presyo. Haha. Pero we assure you na masarap and sulit, minsan sobra pa kasi nakakabusog talaga. Try niyo yung Katsudon nila, 160 pesos pero sobrang sarap. Saka yung Ramen for 100 pesos. Kung gusto niyo ng mas mura pero parehas pa rin halos ung menu, try nito sa Hanayo. Mas mura Korean ice cream dun.
Marami pang tindahan rin ng milk tea, mga kainan sa P. Noval. Explore lang. May KFC and Mcdonald's rin pala pag nidiretso niyo yung Espana side.
So, ayan. Try niyo guys, worth it. Options pag sawa na kayo sa fast food or kaya mahaba or madaming pila sa kakainan niyo.
tips po para sa mga taga CRS ? :D
Hello!
Well, depende sa major if specific tips. :)
But here are general tips:
Kailangan sanay na kayo magbasa for three to five hours. Because you’ll do that eventually sa text books niyo [ Zoology, Biology, Psych ] either during class hours or kaya free time niyo.
Try to get many friends. Kayo-kayo lang rin magtutulungan.
Know your professors. As much as possible, maganda dapat yung first impression nila sa inyo.
Get the habit of taking notes. You’ll need it. Even if you guys memorize a lot, siyempre may makakalimutan kayo. And para hindi rin kayo mahirapan, especially walang kayong remedials.
So, ayan. BTW, these tips are from our friend Angelo. He’s also from CRS, you can also ask him about specific stuff. :) :D
Freshies lang po ba allowed mag-civilian on the first day?
Hello.
Pwede naman yung higher years kaso depende sa prof kung magk-klase siya sa first day. So, mas safe ka at ang magiging impression mo sa prof in case na magklase siya.
http://myfreshies.tumblr.com/ask
How many weeks po usually ang sembreak? Tuloy tuloy po ba Ito or may pasok sa ibang araw?
Hi!
3 Weeks ang sembreak last year. Mejo nakadepende rin ata ito sa mga suspension ng classes. Pag maraming suspension, malamang mag extend ang first semester. Merong day na papasok ka for medical check up. No worries, one day lang naman. :)
hello po! alam kong sa 2nd year pa yung photog class pero ano pong marerecommend niyong camera para dun sa photog? or anong kadalasang ginagamit na brand or what?
Hello~
Canon and Nikon can't be helped but be compared to each other when it comes to choosing your first dlsr. It would be best to choose an entry-level muna if you're not familiar with all those camera technicalities. Pero choosing an entry-level doesn't mean na pangit na magiging results ng cam.
Let's start off with Canon. I recommend EOS 550D, EOS 600D, EOS 650D, EOS 700D. Anong pinagkaiba nila? 600D and 650D both have an LCD screen which can be rotated. Plus, yung 650D, touch screen and may HDR mode. Yung specs ng 700D, it's almost the same with 600D though there are minor improvements you need not to be worried about. It's the latest model of Canon so medyo pricey pa. Why I included 550D? Same lang performance niya with the other two, specially sa 600D and then there's the fact na mas mura na siya unlike the other two. If you're thinking of getting Canon, I assure you'll be delighted. My camera's performance never failed me.
Medyo biased ako sa Canon since I'm a Canon-user, well, yung isang admin rin here. But anyway, with Nikon, D3100, D3200, D5100, D5200 are the best entry-level. D5100 and D5200 have an LCD that can be rotated. With D5200, photographs will have low noise kahit mataas yung ISO. As for D3100 and D3200, I believe they are quite the same lang and yung D3200 yung common na nakikita sa market. Mura na lang siya, I think. So, yeah, can't explain more for Nikon since I don't have much knowledge about it.
All of the models I mentioned above have video mode. So, no worries.
If you want to learn more about cameras, taking photographs and stuff, be sure to join Fotomasino on your first year! They conduct seminars and talks and you'll be able to meet ambassadors and more. People there will surely help you in your photography journey.
Actually yung schedule of events ng first day. 7 am po ba yung pasok? Tapos ano po yung time ng mass? Salamat ulit!
Hi!Sa schedule of events, parang wala pang nakapost. If may nakita ako, I'll post here na lang. :) Yung Mass last year is 9AM. Bali-balita na punong puno ang UST Chapel tuwing opening ng Academic Year.
Ano po yung schedule ng first day? (June 3) Salamat!
Hi!Hmm anong ibig sabihin mong schedule? :) Kung class chedule tignan mo yung Reg Form mo. Malaki yung chance na hindi kayo i-meet ng porofs niyo. Punta ka na lang sa room niyo and meet your block. Have fun!Okay hindi ko ata nasagot yung tanong mo sorry. =))
P.E. Experiences
You'll get to have two Physical Education courses for your first year. And here's our experience for the two courses our block got. Yes, for your first year, you and your blockmates will have the same course just like your other courses. You'll get to choose your own PE course when you're in second year. You better be early in the enrollment so you'll be able to have a slot in your desired PE course.
Fitness.
You may or may not have read about the complaints of having Fitness as their PE during their first year. When we were freshies, like you guys, we somewhat doubted Fitness kasi diba, it's just like high school all over again [ if your school don't have other sports or what ]. PEROOOO, Fitness is fun! Yes, you've heard it right. It is fun. Especially kung prof mo si Sir Juan Paolo Tejuco. He hates late students pero mabait siya and you won't feel pressured and forced while exercising kasi he makes jokes and he always bring a speaker para may music yung class. Kahit naka bukas yung aircon sa room and malamig, you'll sweat a lot from exercising and from laughing as well. Fitness is not the boring course as you've thought it be.
Sepak Takraw.
Hitting the ball with your inner foot is so hard from the beginning. Hitting it with your knee will make your skin red and you can even obtain bruises. But no worries! Sepak Takraw is just as fun as described in Fitness. The prof we got for this course is Sir Ismael Ona. And he's very generous with grades and giving you and your team time to practice. I think it took us four or five meetings to quite master the art of hitting the ball and making it to the other side of the net. You'll get to learn faster than you think if you really focus and even play and practice during breaks. Our block really did play and practice during breaks, sometimes, we are in a circle, sometimes, the usual face to face. Just be careful of where you'll aim your kick. [ Because the ball made it to the roofs of gazebos in front of Beato when the kick was by me. ] Don't worry of sun whenever you guys play during your class. Sure, the sun can burn your skin, especially your legs, but you can wear thigh-high or knee high socks. It would help you protect your skin whenever you made a knee kick. BTW, Sir Ona gives incentives to those who are helpful to their blockmates.
So, yeah. Enjoy your PE courses.
Pwede po ba yung fitted black pants para sa uniform? Sabi daw kasi pwede bumili sa labas ng pants...
Hmmm pwede siguro basta slacks. :D Kung jeans yan mejo alanganin haha. Depende rin kasi kay Kuya guard kung papapasukin ka or hindi.
BTW, Nagbabago-bago yung guards every now and then. :)
Tip Box for CFAD Freshies (•‿•)
Hi There Thomasian Freshie. Welcome to the College of the Cool Kids, College of Fine Arts and Design (CFAD)! Here are some tips based on my experiences.
◘ You may or may not wear your uniform until the first week of classes.
◘ Maghunting ng ka-block. Jk.. :) Use tags on tumblr indicating your section .It's better to know someone beforehand and para hindi na rin kayo awkward sa first day. Hoho. And also, try to check kung may groups na kayo on FB. :D
◘ Kung Art Materials, mas mura sa Joyce's. :-bd Pero try niyo pa rin i-check yung Jomar's and the ever popular Joli's. Makakatawad ka kasi sa Joyce's. :)
◘ Drawing Pencils-- Buy Staedtler. Load yourselves with 2B, 4B and 6B pencils. F pencil might be required on your TECH subject. It is not really advised for you to buy pencils of consecutive numbers. IDK maybe it's just because you might not actually see the difference between them. It's either you buy the evens or the odds (Usually the evens are required). :-) H pencils might also come in handy especially in drafting.
◘ Minor subjects lang nagmi-meet during first week. (Well ganun ang nagyari sa amin) But it's still important to go to your class. Who knows, baka i-surprise kayo ng profs niyo. :>
◘ Own a pencil case. Srsly. Kung marami kang pencils, may mawawala at mawawala rin jan by the end of the sem.
◘ Maraming kainan sa P.Noval. May 30 to 60 peso meals ang Moira-Lyn at Kantunan. 55-ish something sa Cow-Wow and go 100++ sa Santorini. You can also try Chicken Coop's Chicken Popcorn for 49 pesos and explore the stalls at Coffee Indulgence. Meron ding KFC at Mcdo sa P.Campa.
◘ Kung may pinapabili ang profs niyong materials, tanungin niyo muna kung kailangan na agad. Meron kasing mga profs na magbibigay ng super daming materials tapos hindi rin naman pala magagamit. Our friend http://imegara.tumblr.com/ sells T-squares and other ruling devices sa murang halaga. Inbox her or Add her on facebook!
◘ BTW Ang t-squares ay hindi mo naman masyadong magagamit ng matagal. Well except kung Interior Design ang course mo.
◘ Bring Jackets. Gaya nga ng sabi sa ibang tips, malamig sa beato. Especially sa room 604. Pero may mga rooms din na mainit.
◘ Ang Rooms 300 at 301 ay nasa Domus Mariae. Wala yun sa Beato. Yun yung building sa tabi ng pool. May isang room dun na may mga nakakairitang pillars kaya maghanap ng magandang upuan lalo na kung GC ka at mahilig makinig sa prof. ;) Basta pag may DM yung room number niyo, yun na yun.
◘ Nasa 5th floor ang org rooms at 7th floor ang Guidance and SC room.
◘ BTW Ang t-squares ay hindi mo naman masyadong magagamit ng matagal
◘ Kung naiiyak kang umulit para sa MDRPERS plate mo, chill lang. Merong eraser na pwedeng magbura ng blots from your tech pens. Bili ka ng hard eraser. And speaking of MDRPERS, Isa ito sa mga subject na kailangang palaging malinis ang gawa mo. :)
◘ Sometimes mas magandang gumamit ng mas mahal na board kesa sa ordinary na illustration board.
◘Pag nilait ng prof mo ang gawa mo, smile lang, pwede mo pa yang lambingin jkkkk.
◘ Kahit 5 hours yung ibang subjects mo, okay lang yan kasi yung ibang profs magdidiscuss lang ng konti, tapos dismiss agad. Pero may mga profs din na sinasagad ang 5 hours. Kahit wala kayong ginagawa.
◘ Don't forget your umbrellas.
Okay wala na akong madagdag. At mejo magulo din ako mag explain. Haha. Enjoy your stay!~ Ask us kung may mga Q's pa. :D
maguuniform ba sa first day? o.o
Hindi naman required. :) Pwede kang hindi mag uniform ng first week. :)
Hurrah! You are now an official student of the Pontifical and Royal University of Santo Tomas. Here, you’ll spend the given years your college requires to study and to build up yourself.
However, what good is it if you’ll just have to study alone? The university provides events and activities to...