#boholPH

Love Begins
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

#extradirty
Doug Jones
Noah Kahan
occasionally subtle
tumblr dot com
Lint Roller? I Barely Know Her
NASA
almost home
★
todays bird
macklin celebrini has autism
No title available
EXPECTATIONS
Claire Keane
🪼

bliss lane
Fieri Frames
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Singapore
seen from Brazil
seen from Brazil
seen from Tunisia
seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from Bangladesh
seen from United States

seen from United States
seen from South Africa
seen from United States

seen from Brazil
seen from Philippines

seen from United States
@navigatio8p-blog
#boholPH
Trip to Bohol💖
By: Jan Philip Lisondra ating ipag malaki ang sariling atin. samahan niyo po akung mag lakbay at tuklasin ang tinatagong likas na yaman sa bohol. Tanyag ang lalawigan na ito dahil sa magagandang dalampasigan at resorts. Dito rin natin matatagpuan ang pinakadinarayung tanawin sa bohol na ang tinatawag nilang tsokolateng burol o "chocolate hills". ang bohol ay tanyag sa lugar pansisid kaya itoy magandang pasiyalan nang buong pamilya. sagana ito sa mga magagandang tanawin tulad nang resorts na aming napuntahan maraming masasayang bagay ang mararanasan niyo duon tulad nang pag lalangoy sa malinis na tubig, paglalakad sa maputing buhangin at pag kain nang mga sariwang isda na galing duon. hindi don matatapos ang kasiyahan nang iyong pamilya dahil pwedeng pwede kayung pumasyal sa chocolate hills at pag masdan ang magandang kapaligiran at dito din ninyo makikita niyo pinakamalit na unggoy sa buong daigdig. marami pang bagay at lugar ang matutuklasan sa bohol sapagkat ito po muna ang maibabahagi ko sa inyo. talagang hindi ko po malilimutan ang bakasyon na iyon dahil natuklasan ko ang isa sa pinakamagandang nilikha nang puong may kapal.
-Lost Horizon of the South-
Ma. Klenessa Lim
Ayon sa mga alamat, noong dumating ang mga Espanyol dito sa Cebu, una silang napadpad sa isang isla. Nang magtanong sila kung anong pangalan ng isla, sinagot sila ng mga katutubong magsasaka ng “camote” ibig-sabihin nito ay ang kamote na kanilang inaani. Doon nanggaling ang pangalang Camotes Island.
Ang Camotes ay isang pangkat ng mga isla na binubuo ng apat na bayan ng Cebu (Poro, Tudela, Pilar at San Francisco), sa heograpiya na matatagpuan silangan ng lalawigan ng probinsya, sa pagitan ng mga isla ng Cebu at Leyte sa gitnang Pilipinas, dalawang oras ang layo ng bangka mula sa Danao , hilaga ng Cebu City.
Isa ito sa mga pinakasikat na tourist spot dito sa Cebu lalo na tuwing bakasyon. Ang preskong hangin, malinis na paligid, ang malinaw na tubig-dagat at ang maputi at pinong buhangin sa baybayin. Hindi talaga mataltalan na isa ito sa pinakamaganda na isla sa buong Pilipinas. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa likas na kagandahan ng kalikasan.
Paano mo masiyahan ang pagpunta mo dito sa Camotes Island? Siyempre, yun ay kasama mo ang iyong buong pamilya. Tulad ko, kapag pumupunta kami dito, kompleto kami lahat, dahil ang buong angkan namin ay taga rito! Masaya mamasyal kasama ang mga pinsan mong matagal mo ng hindi nakausap ng matagal na panahon. Sa panahon na kayo ay nagsasama sa isang magandang baybayin, maaalala mo lahat ng mga pinagdaanan niyo noon. Lalo na sa lugar kung saan kayo sabay na lumaki. Ang mga tampok na lugar kung saan kayo naglalaro at nagbabad ng araw. Para ka na ring bumalik sa pagka bata.
Dito na tayo sa San Remegio
Jesstony Madrid
Ang nakita sa larawan ay ang lugar kung saan ay aking napuntahan . Yan ang lugar na kung saan mo matagpuan ang gusto mong maka pag relax at mag enjoy matayagpuan mo yan sa norte ito ay kilala bilang small boracay dahil sa mapuputi at mapipinong buhangin na makikita mo dito itong lugar na ito ay kilala sa tawag na Maravillosa beach na matatagpuan San Remegio Cebu .
Sa pag punta ko dito na lugar ay kasama ko ang aking pamilya at barkada . Maraming maganda at masasayang memory na hindi ko malimutan sa pagpunta namin doon. Ang aming pagpunta namn sa lugar na ito ay hindi talaga planado kasi bibisita lang sana kami sa lolo namin na nasa probinsya at hanggang napag isip-isipan namin magkakapatid na pumunta doon at mag overnight kaya pumunta kami at doon namin na saksihan ang totoong kagandahan ng likas na yaman ng Cebu.
123 Tambuli
Rhea Rose Labrador
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba't-ibang lugar na may iba't-ibang tanawin. Nais kong pagmasdan kung gaano kaganda ang atibg mundo. Nais kong libutin ang iba't-ibang lugar, hindi dahil gusto kung magbakasyon o magmuni-muni, kundi para may matuklasan ako sa sarili ko sa nga bagay-bagay na akala ko hindi ko kayang gawin pero kaya ko pala. At higit sa lahat para makalimot o mahimasmasan ang lungkot at problema na dinadala.
Masayang gawin ito kapag may kasama kang pamilya o mga kaibigan. Dahil ang pamilya ay isa sa mahalaga at magandang regalo mula sa panginoong, at ang kaibigan ay maituturing din pangalawang pamilya dahil gaya nang pamilya sila ay laging nandiyan na naka-agapay sa anomang oras na kailangan mo ng masasandalan. At higit sa lahat sila ang mag dadaggdag sa kagandahan nang tanawin at magdadagdag nang kasiyahan.
Sisimulan kong maglibot sa malapitan o sabihin na nating unahin nating libutin ang magagandang lugar at tanawin dito sa cebu, sa bandang norte. Sa Tambuli Beach Resort sa lapu-lapu ay ang unang lugar na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko. Unang lugar at unang pagkakataon na kasama ko ang mga kaibigan ko na nagbabakasyon. Ang tambuli ay dinadayu tuwing SUMMER sa mga dayuhan at mga pinoy. Dahil may maganda silang pasilidad at mga trabahador na mababait. Malinis din ang kanilang kapaligiran at ligtas ang mga bata sa pagliligo sa swimmingpool dahil may mga life guard na naka abang parati.
Sa pangyayaring ito o sa paglalakbay namin may napagtantohan at may natotonan ako na ang pamilya o mga kaibigan ay hindi dapat kalimutan dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang kahaharapin mo sa buhay. Na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkauunawaan o magkasakitan man kayo ay hindi ka parin nila pababayaan at hindi ka kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat magpasalamat sa panginoon sa lahat nang biyayang binigay niya sa atin. Sa lahat ng oras na lagi siyang nandiyan laging nakaagapay sa lahat.
SEAS THE DAY
Jennebeth Villorejo
Tabango, Leyte
Mayo 26,2015 pumunta kami sa Boho Beach.Ito ay naganap matapos ang pesta sa aming baryo.Marami kasing natirang pagkain kaya naisipan naming pumunta sa Boho at para narin e celebrate ang birthday ni ate.Ang Boho Beach ay matatagpuan sa Tabango,Leyte.Kung ikaw ay Tabango pwede mong lakarin o di kaya sumakay sa "habal-habal" sa halagang 15 pesos. Magandang pumunta doon kung low tide palang.Makakakita ka ng iba't-ibang uri ng mga shells.Maganda ang simoy ng hangin at nakakarelax.
Maputi ang buhangin at malinis ang paligid.Ang nagustuhan ko sa mga tao doon ay kung paano nila tratuhin ang mga "guest".Sila ay palangiti at palakaibigan. Sobrang saya ko nong araw na ito kasi kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko.Naenjoy namin ang pagpunta namin dito. Lalung-lalo na ako dahil nadagdagan ang aking mga kaibigan
Ang trip ko sa Ilo-ilo, Philippines ( Ilo-ilo to Concepcion)
“Iloilo was given the title of “Queen City of the South” for being the Philippine’s second city, after Manila.” - “http://www.iloilo.gov.ph/about-iloilo“
Hunyo 11, 2017, Ang unang araw na nakaapak sa lapain ng Ilo-Ilo. Kasama ko yung mga kapatid, “relatives”, ang “auntie” at ang lola namin. Halo-halo ang mga emosyon naman nung nakapunta kami sa Ilo-Ilo, may nasasayahan, may nalulungkot kasi hindi niya kasama ang “boyfriend” niya :P .
Itong araw na ito ay “special” sa amin kasi kasama namin ang aming “auntie” na malapit na kaarawan niya. Pagdating namin sa pier, Agad kami pumunta sa Garinfarm Pilgrimage na matatagpuan sa San Joaquin, Iloilo, Philippines. Maraming mga aktibidad na nandoon sa Ilo-Ilo kasama na yung “ A Journey from creation to Ascension” na kung saan pinapakita nila ang simula ng “Genesis” hanggang sa “Revelation” na nakasaad sa bibliya. Ang mga tao sa Ilo-Ilo ay magalang, mabait, "responsible” at masunurin sa mga turista at sa mga tao nakapaligid nila. Ang mga pagkain nila ay masarap at masustansya (y) . Pagkatapos namin kumain malapit sa Garinfarm Pilgrimage, ay pumunta kami sa Molo Church. Ayun sa karamihan na taga doon, ay gawa ito sa white-coral at may “ 16 statues of female saints” pinangalanan na silang St. Apollonia ,St. Clara,St. Cecilia,St. Felicia,Sta. Genoveva,St. Isabel,St. Ines,St. Juliana,St. Lucia,St. Magdalena,St. Marcela,St. Margarita,St. Marta,St. Monica,St. Rosa de Lima at St. Teresa .
2nd day namin sa Ilo-Ilo ay pumunta kasi sa Concepcion, Ilo-ilo. Kahit mainit ay ninu-push namin na bumabad sa mga sandbar at mga isla ng Concepcion. Yung nasa ika-apat na litrato, may “geographers” na kumukuha ng mga litrato para sa dokumentaryo na ginagawa nila ( Credits to the Owner of the Photo ). Maraming tao na umaabang sa mga sasakyan pangdagat para makapunta doon at “promise”, mahirap talaga magbabad sa sandbar kapag walang sunscreen lotion.
Kahit anong hirap na mararanasan natin sa ano mang paglalakbay, ay may naghihintay na magaganda na mga isla. “So, choose Philippines and notice its beautiful wonders.”
VOYAGE à BOHOL
Way back year 2015, napagdesisyunan namin na pumunta ng Bohol, isa sa rason ay upang bisitahin ang aming Tita at Tito na nakatira roon at isa rin sa rason ay Fiesta sa boung lalawigan ng Bohol.
I was 15 way back, noong sumama ako sa Bohol. Hindi nga sana ako papayagan ng Tita ko kasi wala daw akong kasama kasi immediate family ko ang mga kasama ko roon (cousins, tita’s at tito’s) kaso pinilit ko talaga siya na makakaya ko at tsaka di rin naman ako papabayaan ng mga Tito’t Tita ko. Hindi kasi sila makakasama kasi si Tita may work at si Mama naman may mga responsibiledad sa bahay na kinakailangang maisagawa katulad nalang ng pag-aalaga sa babae kong kapatid na nasa limang taong gulang pa lamang ng mga panahong iyon (5 years old).
Ito ay isa sa pinaka napaka masayang Travel sa boung buhay ko kasi dito ko natuklasan kung ano pala ang pag t-travel of course kinakailangan mo talaga ng pera para ikaw ay makapag lakbay and Thanks God, may batas sa Pilipinas na lahat ng mga mag-aaral at Senior Citizen ay may bawas sa pamasahe at iba pa at iyan ay tinatawag na (SP) o Student’s Privileged. Yung pamasahe sa bus mula sa probinsya namin sa Dumanjug imbis na 90 pesos, yung nabayaran ko lang ay 70 pesos dahil nagamit ko yung SP. Sa jeep naman papuntang Pier kung saan kami sasakay ng barko papuntang Tubigon Bohol, imbis na 7 pesos ang babayaran eh 6 pesos lang yung nabayaran ko. Tapos naman pagkuha namin ng ticket sa Fast Craft, naka discount rin ako ng medyo malaki imbis na nasa around 300 pesos yung babayaran eh yung nabayaran ko lang ay 200+.
My point here is that while we are young, maglakbay na tayo sa iba’t ibang lugar kasi may mga discounts pa na makaka avail tayo at tayo’y makaka tipid ng malaking pera.
Bago ko simulan ang pag s-share ng mga napuntahan ko sa Bohol, one of the things I noticed from the place is that wala silang Tricylce, Jeep o “Sikad” na mag t-transport sa iyo papuntang palengke (merkado). There was one time, we decided to eat Ice cream, eh napakalyo naman ng palengke eh iyon nilakad nalang namin mula sa bahay nila Tita hanggang sa Palengke. Malayo din kasi sa lugar nila ang mall. Pero masaya rin naman ang paglalakad lalo na kung cousins mo yung mga kasama mo.
Lastly, this was so creepy. So we stayed there for almost 5 days so nong araw na namin upang umuwi pabalik ng Cebu, nag picture taking muna kami para raw remembrance. So yun nga, pose dito, pose doon. Pagkatapos non, we are about to go when my Tita noticed something scary. Kasi nawala bigla lahat ng pictures namin from Day 1 at napalitan ng mga litrato ng mga bata na Amerikano eh kabago-bago pa nung DSLR niya. Sabi naman ng isa kong tita, tinatakot lang daw kami ng mga nakatira sa bahay na iyon upang hindi kami aalis pero kahit nakakatakot man iyong narinig namin, nagpasalamat pa rin kami kasi sa limang araw na bakasyon, napaka sulit ang napaka saya.
(c) Lost Dumpling Wanderer
La isla Boracay🏝
Paradise Found🌞🏝
isinulat ni: Krista Marie J. Bayron
8P-Benevolence
Ang Isla ng Boracay ay iisa lamang sa mga pinakasikat na baybayin dito sa Pilipinas. Ang Boracay ang sinasabing pangunahing destinasyon ng mga turista sa bansa. Sa taglay na kagandahan ng Boracay ay makailang ulit na itong nabigyan ng pagkilala at parangal ng mga bigating Travel Magazines at Websites sa internet. Napasama na ito sa listahan ng CNN bilang isa sa pinakamagandang beach sa mundo at ng Tripadvisor bilang pinakamagandang beach sa Asya.
Natalo ng Boracay ang iba pang sikat na mga isla sa buong mundo. Kabilang dito ang Bali sa Indonesia, Great Barrier Reef Islands ng Australia, Big Island ng Hawaii at ang Sicily ng Italy. Pinalitan ng Boracay sa No. 1 spot ang lider noong nakaraang taon na Santorini, isang sikat na volcanic island sa timog-silangang Greece at matatagpuan sa Aegean Sea. Sa ganda ng Boracay ay inilalarawan pa ito ng ilan bilang mala-palaraisong isla. Pino at puting buhangin ang pangunahing atraksyon ng mga beach resort sa Boracay.
Ang White Beach sa Boracay na may habang 3.5 kilomentro ay hinati sa tatlong (3) istasyon. Makikita dito ang mga sikat na mga hotels na pwede niyong pagpipilian. May mga 5 star-hotels, at mayroon din namang mga pension house na pasok sa budget. Mayroon ding mga sikat na kainan, clubs at bars na dinudumog ng mga dayuhang turista o kahit mga pinoy. Ano nga ba ang pagkakaiba ng mga istasyon na ito sa isla? Sa Station 1 mo makikita ang mga mamahalin na resort at hotels. Mas tahimik dito kumpara sa Station 2. Sa Station 2 mas madaming tao ang dumadalo dahil doon makikita ang D’Mall kung saan sari-saring mga tindahan at kainan ang makikita. Mga dayuhan ang madalas mong makikita dito. Sa Station 3 naman makikita ang mga murang resort at pension houses. Inirekomenda din ito ng mga tao dahil hindi gaano marami ang mga tao na pumapasyal.
Masuwerte ako dahil isa ako sa mga nakapunta na sa paraiso na ito. Kasama ko ang pamilya ko sa pagbabad sa ilalim ng sikat ng araw at sa pagbabad ng malinaw at malinis na dagat sa boracay. May mga ilang pinsan akong bago lang nakilala dahil sila ay nanggaling pa sa Luzon, kaya’t minsan lang kami magsama-sama. Napakasaya ng aming bakasyon dahil nilibot namin ang buong isla ng Boracay. Sumubok din kami ng parasailing at flying fish. Ito ay iilan lamang sa gawain na sikat at sinusubukan ng mga dayuhang turista. Masaya itong gawin kasama ang iyong pamilya dahil ito ay napaka-thrilling gawin. Masasabik ka sa mga pwede mong gawin sa isla.
Sa pagbisita ko sa Boracay, dito ko nasubukang magsuot ng bikini. Dito ko unang nasuot ang hindi ko karaniwang sinusuot sa ibang lugar. Ako din ay palaging nagsasalita ng tagalog at ako ay nabagohan dahil hindi ko sinasanay ang sarili ko na magsalita ng wikang ito. Kinakausap ko ang mga tao doon ng bisaya kaya hindi nila ako naiintindihan masyado at minsan ay natatawa na lang sila.
Nakita ko din sa isla ang pagbabawal ng pagkuha ng buhangin o aumang lamang dagat na galing sa isla. Ito ay ang pamamaraan ng gobyerno sa pagpapanatili sa kagandahan ng isla. Maraming turista ang dumadayo sa paraiso na ito dahil sa taglay nitong kagandahan na bigay ng kalikasan. Ito ay parang isang hiyas na nakatago at dapat ingatan upang mapanatili ang ganda.