Nakadepende sa sarili mo kung hanggang kailan mo patatagalin ang nararamdaman mo.
Pero sadyang may mga damdamin na mahirap kalimutan.
Well, hello there old post. Para kang isang pahiwatig.
Stranger Things

❣ Chile in a Photography ❣

blake kathryn
TVSTRANGERTHINGS
todays bird
Monterey Bay Aquarium
trying on a metaphor
Alisa U Zemlji Chuda
Cosmic Funnies

@theartofmadeline
No title available

ellievsbear
No title available
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
ojovivo
h

shark vs the universe
Sade Olutola
Game of Thrones Daily
I'd rather be in outer space 🛸
seen from Slovakia

seen from Brazil
seen from Argentina

seen from Türkiye

seen from Togo

seen from United States

seen from Poland
seen from Iraq

seen from Germany
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Argentina
@pauii018
Nakadepende sa sarili mo kung hanggang kailan mo patatagalin ang nararamdaman mo.
Pero sadyang may mga damdamin na mahirap kalimutan.
Well, hello there old post. Para kang isang pahiwatig.
...
Nanghihina kong ibinaba ang cellphone ko. I wish it was a prank call or just someone who dialed a wrong number pero hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko dahil mismong nanay niya ang tumawag sa akin.
“Huy Mia, anyare sa'yo ‘te?”
ibinuka ko amg bibig ko para sana magsalita kaso walang boses na lumalabas
“Shit! Mia! What the hell is wrong with you” agad niya akong dinaluhan dahil sa bumagsak na ang katawan ko sa sahig ng classroom namen, pinupunasan niya ang mga luhang isa-isang bumabagsak mula sa mga mata ko. Pinilit kong mag salita pero tanging pangalan lang niya ang nasabi ko.
“Marco” at lalo pa akong humagulgol sa pag-iyak.
“Mia…what happen?”
“Bakit ganun, Rochella? He saved me but…. Why could’t I save him? Why did he just gave up everything ng ganung kadali? Why?”
Why did he have to take away his life when he just gave mine back?
Uhm... Hi?!
True friendship isn't always about all the good times neither the bad one, it's also when one knows how to tell the other when they are wrong. And help them to make it right.
Hello there?
I know tapos na deadline mo pero, here goes another one, Colleen 😉
Prompt: I had convinced myself that I was in love with someone else.
Silence.
It’s the one thing Cyrus is afraid and at the same time what he enjoys with Barbs.
Silence.
‘Yon ang namamagitan sa kanila, kung tutuusin nga para ang buong paligid nila ay naka-freeze.
Walang nagsasalita, tanging ang hangin at ang kanilang paghinga lang ang nararamdaman ng isa’t isa. Hindi malaman ni Cyrus kung paano nga ba sila napunta ni Barbara sa Sunken Garden na may isang dipa ang namamagitan sa kanila. Heck, he doesn’t even know how they got in that situation in the first place.
Actually, alam naman niya. Ayaw niya lang i-admit sa sarili niya na dahil sa kalokohan niya, nasa ganoong sitwasyon sila.
He was just having his lunch sa isang karenderia by himself then low and behold, Barbara Ramirez came in there too. Ilang buwan nga ba niyang hindi nakita sa malapitan si Barbara? lima? Anima? Halos kalahating taon narin pala. Ganoong kahaba ng panahon ng huli niyang makita ng malapitan ito at sa pagkakatanda pa niya, masasakit na salita ang binitawan nito sa kaniya (which he thinks he deserve, kasi nga gago siya).
Marame masyado ang tao na naroroon, habang ang napwestuhan naman niya ay kasiya pa ang isa. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya, dahil matapos umorder ni Barbara kumaway siya rito, at sa hindi niya rin maipliwanag na rason tumango ito at pumunta sa puwesto niya.
Tahimik lang silang kumain. Sabay din sila natapos at kahit pa mas marame ang pagkain na nasa harapan ni Barbara kaysa sa kaniya. Hindi niya kasi mapigilan na hindi titigan ang dalaga, kung hindi nga lang siya nito tinitignan ng masama malamang hindi na siya natapos sa pagkain niya. Hindi niya nga alam kung paano siya natapos eh, hindi niya kasi maiwasan ang magtaka kung bakit at papaanong nasa iisa silang lugar, sabay na kumakain pero hindi nag-uusap.
She changed. A lot. Ibang iba ang Barbara na nasa harapan niya ngayon sa huli niyang nakita. Hindi niya mapinpoint kung ano ang pinagbago ng dalaga pero meron talaga.
Sabay silang naglakad palabas ng karenderia, tumigil siya sa kalagitnaan ng paglalakad para tignan kung saan sana ang daan ni Barbara pero tumigil rin ito na ikinagulat niya.
“Walk with me?”
Hindi siya tumanggi pero hindi rin siya sumangayon. Pero para bang may sariling utak ang kaniyang mga paa at sinundan si Barbara.
Wala masyadong tao sa Sunken Garden, marahil ang kalimitan sa mga estudyante ay nasa klase.
Isang nakakabinging katahimikan naman ang nag hari sa kanila simula ng marating nila ito.
“Wala kang klase?” putol niya sa katahimikan na nangibabaw sa kanila. Hindi rin kasi niya malaman kung sino ba ang dapat na magsalita, at kung ano ang dapat sasabihin.
“Wala”
Tahimik.
Namagitan ulet ang katahimikan sa kanila. Ah, eto ‘yon, isa sa mga pagbabago kay Barbara. She’s not that loud anymore. Napangiti siya sa naisip niya, nakakamiss rin kasi ang kaingayan ni Barbara. Aminado siya na minsan he finds comfort with the silence he and Barbs have, pero iba parin kapag maingay ang dalaga.
“Ang tagal na pala, no?”
Hindi niya tinignan si Barbs, pero ramdamn niya ang mapait na pagngiti nito. Tinitiis niya ang nararamdaman niya, gustong gusto niyang tignan si Barbara, gustong gusto niyang titigan ito. gusto niya sana hawakan ang mga kamay nito o di kaya ay ang kahit magdikit lang sila, pero alam niyang hindi puwede.
Tahimik.
Hindi niya alam kung dapat na ba siyang magsalita. Sasabihin ba niya kung gaano siya nalungkot noong sa pangalawang pagkakataon, mas pinili ni Barbara na lumayo at huwag siyang pakinggan. Or if he will tell her how his love for her just grows over the months they spent apart.
Posible pala 'yon, ang mas mahalin mo ang isang tao kahit na hindi mo ito nakikita o nakakasama. posible pa palang mas mahulog ka pa. posible palang mas mahalin pa niya si Barbara.
“The first year, I spent on asking why’s, then I kept on thinking of those what if’s. Tapos, napagod ako. Napagod ako sa kakatanong ng mga bagay na posibleng mangyare, napagod ako na kuwestyunin ang mga bagay na nangyare, napagod ako na tanungin ang sarili ko sa mga bagay pa na maaaring mangyare. Nakakapagod pala.”
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dalaga pero ramdamn niya ang bigat sa bawat salitang binitawan nito. For the past years he had been also dreaming of what if’s, wishing for another chance, and hoping for a different ending.
“Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Seth, o 'yung mga panahon na magkasama kame. Hindi sumagi sa isip ko na nagsayang ako ng panahon sa kaniya noon. Kasi, madame akong bagay na natutunan sa kaniya. Kung tutuusin nga, Seth is the kind of guy I really wanted. He taught me a thing or two about love and the best part of it, is he made me realize that I am capable of loving myself, still.”
Parang may sumuntok kay Cyrus ng marinig niya ang mga salitang binitawan ni Barbara. He was able to make Barbara realize her worth, while he broke her.
“I’m suppose to be in love with him, if not maybe with someone else” tinignan ni Barbs si Cyrus at hindi na siya nagulat ng makitang nakatingin ito sa kaniya. kitang kita sa mga mata ni Barbara ang mga luha na nagbabadyang pumatak.
“I had convinced myself that I was in love with someone else. Because i’m afraid of admitting that I am in love with you, Cyrus.“
His name sounded so glorious coming out of her mouth. Unti-unti, nakita ni Cyrus ang mga luha na pumapatak sa mga mata ni Barbara.
Si Barbs, umiiyak.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita, at hindi niya alam kung bakit pero nasasaktan siyang makita ang dalaga na umiiyak. Hindi. Mali. Alam niya kung bakit nasasaktan siya na makita ang dalaga sa ganoong kalagayan. It’s because he loves her. He always have. Dahan-dahan, inilapat niya ang magkabilang kamay sa pisngi ni Barbs, maingat niyang pinunasan ang bawat luha na pumapatak sa mga mata nito.
“Pagod narin ako. Pagod na akong paniwalain ang sarili ko na kaya ko, na tanggap ko na. Pagod na ako Barbs, pagod na akong magkunwari na ayos lang na kahit kanino ka mapunta. Pagod na rin akong paniwalain ang sarili ko na kaya kitang kalimutan. I’m tired of being lonely too, Barbara” with all his feelings he kiss her forehead and she hug him tight.
*****
Tinitigang mabuti ni Cyrus si Barbara. God knows how much he missed her. How many times he dreamt of being with her, cradling her in his arms or just being with her.
“It’s time to go, Cyrus”
“1 minute, Barbs. Please” she chuckles and he felt her hands touching his cheeks, they were cold but it sends warmth to his entire body.
“Kailangan ko ng umalis. I can’t stay that long, alam mo 'yan” he could feel the the familiar burning sensation in his throat, he don’t want to say good bye to her. Not again.
“Barbara” ng imulat niya ang mga mata niya, wala na siyang Barbara na nakita. Napangiti siya ng mapait.
Two years na nga talagang wala siya. Dalawang taon na wala na si Barbara at dalawang taon narin simula nang mangyare ang lahat ng iyon.
That was the last conversation he had with her because the day after that, they told him she was gone. For good.
And the most painful thing is he haven’t had the chance to tell her “I love you, Barbara. So damn much.”
You know, Zellie, there are enough broken things in the world. You shouldn’t go around breaking things just for the fun of it.
My Heart and Other Black Holes by Jasmine Wanga (via justanotherbookthought)
Sometimes I wonder if gravity is the problem. It keep us all grounded, give us this false sense of stability when really we’re all just bodies in motion. Gravity keep us from floating up into space, it keeps us from involuntarily crashing into one another. It saves the human race from being a big hot mess.
My Heart and Other Bkack Holes by Jasmine Warga (via justanotherbookthought)
My edges have always been too sharp, my grooves too deep.
(via justanotherbookthought)
Liking things is dangerous.
My Heart and Other Balck Holes (via justanotherbookthought)
A friend asked me, what do I want for my coming birth day. Sobra akong napaisip, ano ba ang kailangan ko at gusto ko, sabi ko sa kaniya pag-iisipan ko muna. Kaninal habang bumabyahe ako papasok, naisip ko kung ano ang gusto ko. It's to patch things up with a friend. Kahit 'yon lang siguro, ayos na ako sa birthday ko, after all i'm not getting any younger.
MORE QUOTES HERE | INSTAGRAM | FACEBOOK
RELATE MORE HERE
RELATE MORE HERE
Ito na ang huli, huling beses kitang tititigan, huling beses kang pakikinggan. Ito na ang huli, huling beses na yayakapin, at huling beses na hahalikan. Ito na ang huling beses, huling beses na mamamahalin at huling beses na lilingunin. Sapagkat ang susunod ay ang mga hakbang kong palayo. Palayo sa mga alalaalang ating ginawa. Palayo sa lahat ng masasakit na nasabi't nagawa. Palayo sa dating tayo, palayo sa dating ikaw at ako, palayo sa'yo.
Para sa isang kaibigan
Hindi ko alam kung paano uumpisahan ito. Ilang araw, linggo at buwan na nga ang lumipas pero ang akala ko na magbabago (mabuting pagbabago) naging malala lang. Hindi ako madalas mag tampo, ako kasi yung tipo ng tao na ginagawan ko ng excuse lahat ng mahahalaga sa akin sa sarili ko. ‘Yung tipong hanggang kaya ko, sige lang. Okay lang. Pero syempre dumarating din ang pisi ng pasensya ko sa pag-intindi sa dulo nito.
Naiinis ako, nasasaktan at nagtatampo. Gusto kong itanong kung ano pa ba kame sa kaniya. 'Yung, “hey, ano na? Kaibigan mo pa ba kame?”
Naiinis ako kase, hindi niya na pinapahalagahan yung ibang tao sa paligid niya, wala namang kasi sa akin ang hindi niya kame kitain o harapin o kausapin ng matagal pero 'yung makita ko na paikutin niya ang mundo niya sa iisang tao ay hindi ko mapigilan na hindi mainis. Gusto kong sabihin na, akala ko ba madame kang pangarap? Gusto mo maging maayos ang pamilya mo? Ang sarili mo? Na magkaroon ka ng buhay na maayos, pero anong ginagawa mo?
Kaso alam ko naman na din ang isasagot niya. Alam ko na din ang mga ibibigay niyang dahilan. Hindi ko siya hinuhusgahan at hindi ko sinasabi na mali ang bawat desisyon na ginawa niya kaso bilang kaibigan na alam kong may ilang opurtonidad siyang sinayang naiinis ako, kase kaibigan ko siya. Kase hiling ko na maging maayos ang buhay niya, kaso alam ko naman na hindi siya makikinig ngayon. Nabulag kase siya masyado sa isang bagay na wala pa siyang kasiguraduhan. Nabulag siya sa kaisipan na pansarili lamang.
Nasasaktan ako, kase masyado niya ng ikinulong ang sarili niya at kakayahan niya. Hindi ko alam kung naiisip pa ba niya ang mga pangarap niya noon. Hindi ko alam kung kontento na siya sa isang pansamantalang bagay at nasasaktan ako doon.
Nagtatampo ako, kase parang hindi niya na kame kilala. Ni ang mangamusta man lang ay hindi niya na magawa. Mag tetext lang kung may pakikisuyo siya, hindi ko nga alam kung last choice na ba ako eh kaya siya nag text. Hindi naman siguro masama ang magtampo, kase nung nangangailangan siya ng kaibigan (at kahit hindi pa) nandun na kame. Siguro nagtatampo ako kase para wala na lang. Na option na naman kame.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa kaniya, sa amin, sa kanila. Pero hinihiling ko lang na kung ano pa man ay sana maging maayos siya. 'Yun lang naman ang magagawa namen di ba?
To pray and hope for the best in his life. and for us to not lose hope and get tired.