Natagpuan noong 1848 sa hilagang dapit ng islang Mindanao. Isang parte ng coastal community na nakaharap sa Gulf na dumadaloy sa Pacific Ocean, isa sa pinakamalaking siyudad sa mundo na pinangalanan galing sa salitang “Daba-Daba"—Region of Flames. Walang iba kundi ang nag iisang Davao City! O’ mas kilalang The Land of Promise. Maraming gustong dumalaw didto sapagkat mayaman ito sa magagandang tanawin, masasarap na pagkain at higit sa lahat ng dahil sa mamamayan dito. Maraming kayang ipagmalaki ang Davao. Unang-una ay ang Mamayanan dito, ang mga Dabawenyo at Dabawenya ay hanep na matapat, mababait at respetado. Kaya nga kahit sinong pumunta dito ay damang-dama ang kaaya-ayang pag salubong at pag arunga ng mga Dabawenyo. Maipagmamalaki din ang davao sa usapang pagkain sapagkat malusog ito sa mga pagkainan at mayaman ito sa prutas. Sa katunayan nga ito ay kilala bilang “The Durian Capital of the Philippines.” Nasa davao ang pinaka malaki at malawak na taniman ng durian at klase-klaseng durian ang nandito. May sari-saring kainan din dito sa Davao. Kung presyo lang ang pag-uusapan ay walang palya na marami kang pagpipilian. Isa rin sa rason bakit pinupuntahan ang Davao ay ika-pito ito sa pinaka ligtas na siyudad sa buong mundo. Walang gagalaw sayo kahit anong oras ka man ng gabi lumabas sapagkat ligtas ang Davao! Ito ay dahil sa pinaka mamahal naming Mayor na tinatawagan buong pilipinas na tumakbo ngayong darating na eleksyon. Sa pagpatuloy na pag unlad ng Pilipinas at ibang-ibang lungsod nito, hindi din nagpapahuli ang Davao. Unang-una ay ang daanan, malayang makapag lakbay sapagkat sementado ang daanan at may sapat na Traffic lights, Street lights at pang publikong serbisyo tulad ng convenience stores na bukas 24 oras, gasolinahan at kainan na bukas din 24 oras ngunit hindi parin naiiwasan ang trapiko lalo na kapag umuulan o kapag araw ng trabaho. Nandito din sa Davao ang pinaka malapit na daanan papunta sa pinagmamalaking Island Garden City of Samal. Isang islang binubuo ng iba’t-ibang resorts. Talagang umuunlad na ang Davao City. Nandito ang Crocodile Park, kung saan dito ginaganap kapag my International Parties, ang Eden Garden na nasa tuktok at may panoramic view ng siyudad, nandito lahat ng klaseng gulay at prutas, nandito din ang Philippine Eagle at marami pang iba! May mga bagong kapansin-pansin ding istraktura, tulad ng Bangkerohan Bridge, Tall tower kaharap ng City Hall, parami na paraming Malls at bagong mga libangan. Hindi lang ito ang mga rason kung bakit karapat-dapat puntahan ang Davao. Kukulangin ang isang linggo para mailahad kung gaano ka perpekto ang Davao. Kaya ano pang hinihintay niyo? Saksihan ang lahat ng ito!