Yow guys add me on Bondee 🥲
Misplaced Lens Cap
AnasAbdin
No title available
dirt enthusiast

tannertan36

No title available
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Kaledo Art
wallacepolsom
hello vonnie

ellievsbear

titsay

#extradirty
Claire Keane
Today's Document
Peter Solarz
Keni

blake kathryn

No title available

Love Begins
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Saudi Arabia
seen from Venezuela

seen from Russia
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@reiinamo
Yow guys add me on Bondee 🥲
Bipolar na nga siguro meron ako. Taena. Di ko ma-take tong gantong mood swings ko. Hindi lang to simpleng pagtotoyo ng babae ha. I just had myself reassessed din. O dahil ba to sa pera? Kaso parang hindi rin pero sige ibigay natin yung point na yun dyan.
Basta nahihirapan ako.
Ask lang kung sa fb ba may page yung mga house/apartment locator? May nakita na ako isa sa Pasig eh.. wala lang.. ang satisfying lang lately panoorin yung video nya na mala-vlog mag-promote nung mga bahay na ineendorse nya sa naghahanap.
It's my 7 year anniversary on Tumblr 🥳
Eyy happy anniversary pala sa akin dito? Actually may dati na akong tumblr account dinelete ko lang tas parang ito yung version 2.0 haha
I'll just leave it here..
—
Tanga! Miss na kita! Sa lahat ng taong nakilala ko ata sayo ko lang naramdaman tong pagkasabik ko makasama ka ulit kahit bading ka! AAAHHHHH STAHP!! Gusto kita makayakap ulit ng mahigpit. This kind of love.. di ko alam kung anong klaseng pagmamahal to. Baka infatuated nanaman ako kahit bading ka!!!
Sa ngayon.. i'm trying to distract myself.. i'm trying to divert it to another person at itong person ko na nakasundo ko sa so-called no-string-attachment relationship.. i know risky pero gusto kong gawin to para di na ako makaramdam ng ganto kasi baka kung ano magawa ko sa sarili ko at kung ano pa mangyari sakin.
Medyo ang cute lang.. well siguro some noticed what i'm posting about my status sa family and again.. it's complicated to the point na gusto ko na nga bumukod but I can't because i'm incapable financially.
So.. as I was saying medyo ang cute kasi kahapon na rest day ko sabi ko sa mama ko gisingin ako pag tapos na yung nilalabhan nya kasi ako naman maglalaba pero hugas kamay muna ako bago ko ilagay sa washing machine for banlaw and dryer kasi gusto ko i-take advantage yung lamig ng panahon kaso problema ko lang sobrang ginawin ko pag nadampian na ako ng malamig na tubig pag nag-handwash ako ng laba. Sabi nya mag-alarm nalang daw ako tsaka hayaan nya ako kung gigising ba ako o hindi kasi ipahinga ko nalang daw. Ayun.. late nga ako nagising tas ngayon lang din akong araw na to nagising para kumilos kasi nga gusto ko i-take advantage yung lamig para magsipag.
Idk what to feel pero miss ko na agad yung gay friend ko 🥹 pero gusto ko magbreakdown 🥹
I have this pet peeve sa isang choir ko kasi na-off ako sa pagiging mayabang nya. Like pwede naman tayong lahat maging mayabang pero hindi yung sobra na kala mo napaka perpekto mong tao.
Tapos ni-reclassify nung maestro namin boses namin hahaha di sya bilib sa Alto skills ko kaya nilipat nanaman akong Soprano(yawa). Pero at some point for me supalpal ko kay ate girl yun kasi nagyayabang sya na dati raw syang Soprano and she CAN be Soprano raw edi ayun nung sya na ni-reclassify ginawa syang Alto parin tas Alto2 pa while me Soprano2 hahaha tangina nya kasi!
Tas nakakairita rin kasi sya sa part na di naman sya instructed to do Soprano tas parati ko sya maririnig "ay marami tayong Alto so aangat muna ako to Soprano?" Like hello girl? Sa quality palang ng boses mo halata na pang-Alto ka lang. While me I'm fcking flexible pero di ko na pinagyayabang kasi I just want a chill moment sa pinaggagagawa ko. Then, bahala na kayo o sila maka-discover gaano ako kagaling sa mata at pandinig nyo/nila.
Anyway.. medyo badtrip ako na nilipat ako kasi hooked ako to explore Alto at naaral ko na mga piyesa for the upcoming concert as Alto tas uulitin ko nanaman basahin lahat ng piyesa na more than 10 songs like wtf??!
Pero ayun.. just a little ganti of mine na masupalpal sya na ginawa akong Soprano.
Kaloka yung call ko kanina. Gusto ko na sana mapikon at the start of the call sa kausap ko kasi tangina tinetakedown nya pa talaga information ko hahaha tas ending biglang eme sya na saan daw sya tumatawag san diego, CA pa ba raw tas nireveal ko nalang na third party contractor lang ako from philippines like wth? Di ba talaga halata accent ko pag nag-eenglish? Kasi alam ko di naman ako tunog kano. tas kinamusta nya weather dito. Ako naman si eme eme lang na ineenjoy yung lamig dito pero pucha susumpain ko na sa lumalabas na sakit sa mga katawan ko dahil sa lamig punyeta hahaha!
Amats mama ko. Nagluto ako mac and cheese kasi ewan ko ba dehydrated ako tsaka feeling ko need ng katawan ko ng maalat. Tas reklamo nya gusto nya raw malabnaw dapat. Gusto kong sagutin na magluto nalang sya ng sopas nya 🤣 eh ako kasi gusto ko yung basta creamy tas nagsstretch hinalo kong mozzarella e.
Anonymously or not, ask me something you’ve always wondered.
Kairita yung mga tao sa epbi na nagbibilang ng araw na naka-attend sila ng simbang gabi e.
Tigil nyo yan! Mga demonyo parin naman kayo kahit mag-new year's resolution kayo na magbago.
Lol! Di ko akalain.. ang alam ko beks yung choir director namin tas nagulat nalang ako when I woke up kanina na kinasal sya sa ea. I mean it's still normal sa mata ng simbahan hahaha pero di ko akalain na maeencounter ko sya sa kilala ko.
Ayun.. new learning(siguro) o awareness unlocked. Tsaka naririnig ko na yung ganyang klaseng kwento sa iba. Ang naririnig ko lang sa mga shibambam and straight eka is binubuntis pa nila yung shibambam na gusto nila para maging sila which is for me kinda violent sa pov naming mga ea.
Note: Please libre bash sa akin ngayon sa comment section sa post ko na to. If ever you feel offended sa mga statement ko here.
Ang lala! Nakainom ako plus nakabomba ako. Well.. buti walang nangyari sakin tsaka naalala ko pa lahat ng pangyayari 🥺
I remember the time nung tinrangkaso ako nung October or itong November ata.. yung mga kapatid ko tinatanong nila about lovelife ko eh napansin kasi nila puro failed relationship ako tas ako pa mostly gumagastos sa mga naging boyfriend ko HAHAHA
They thought di ako nagseseryoso and they are asking me na mag-seryoso na magka jowa para mag-asawa na ako 🫠 gurrrll paano ako makakahanap ng matinong lalake? Yung kayang ibigay yung same energy ko especially financially?
Gusto ko lang naman mag-me time sa mall dahil kakasahod lang tas nung kakain na ako sa Jollibee.. shutaaa! Ano pa nga bang bago? Di ko naisip na sobrang crowded sa kainan na yun. Nakaka ansha e haha!