January 2022
So, January 2022 na. Kumusta naman ako?
Well, I think okay naman ako, kinda. Yung iba kong problems noon are solved naman na, especially yung fucking board exam na yan. Yes, engineer na ako fina-fucking-lly. Pero 'di ko ramdan yung monumental feeling niya na "Wow, engineer na ako. I deserve the 'Engr.' before my name now." Parang hindi totoo na nangyari yung pag speedrun ko ng board exam review, like, I've been sulking in my apartment since the pandemic started, almost 2 years akong ganun, and then now Engineer na ako. Medyo di pa rin nagsi-sink in sa akin lahat ng mga nangyari.
As of writing, 2 months have passed since exams. Parang hindi totoo talaga.
Nung nakita ko yung results, hindi lang ako parang nabunutan ng tinik sa lalamunan, pero natanggalan ng nakapulupot na barbed wire sa leeg. At bukod doon, 'yung feeling na "it's about time you passed" ganun.
Parang hindi ko rin kaya na i-risk yung exams this year tapos maghihintay pa ako ng isa pang taon. Buti tinake ko na lang rin? Pero alam mo yun, isa sa mga naging motivation ko kasi kaya nagtake ako noon dahil ayaw kong makausap nanay ko about it. I have been pestered by my mother for thoooose months na walang balita about exams, lalo na nung 2020. Hahahha mental health ko naman nagsuffer for that.
Ewan, ngayon na tina-type ko yung mga experience ko parang ayaw ko na siya pag-usapan. Tapos na eh. Hahahha pero okay lang rin, for documentation na lang rin siguro. Wala naman masama tsaka wala naman pumipigil sa akin.
Anyway, now that we got rid of that board exam problem, I'm an unemployed fuck now. HAHAHAHHA Ewan ko ba parang pinapangcover-up ko lang talaga yung freelance job ko ngayon, I really don't feel like a freelancer hahahaha. Ang pangit lang kasi sa resume na tengga ka since graduate mo wala kang ginagawa. Tangina no, yan talaga pinakanagte-take ng space sa utak ko hahahha I hope soon talaga mag pay-off na yung kakahada ko ng seminar at trainings.
Sana talaga makuha ako sa PhilSA. Aerospace systems talaga trip ko all this time kaya sana magrespond sila sa akin hahahuhuhu kung hindi gege oks lang naman sino ba naman ako eme hahahaha!! Pero hopefully, magpay-off rin ang pagsesend ko ng mga applications. Literally kahit saan talaga ako mapunta sana. Basta related sa engineering at aircrafts/aviation/aerospace okay na ako.
Anyway, sa ibang post na lang ulit yung other rants ko sa buhay. Ito muna for now!












