Pagkatapos ng mahigit tatlong taong pakikipaglaban sa kunsensya, sa demonyong nagpahirap sa aking moral at ngayon sa paninindigang hinding hindi magpapaloko sa mga taong walang inisip kundi ang pansariling kapakanan, masasabi kong malaya na nga ako sa traumang pinagdaanan ko.
Kinakaya ko nang balikan ang mga bagay na pinadirihan at kinatatakutan kong balikan. Ito'y matapos kong sunugin ang huling poste ng ugnayan ko sa tinuring kong mga kaibigan. Ngayon dineklara ko na silang KAAWAY at ni minsan hinding hindi ko sila naging kaibigan. Mulat sa pul masama at maitim ang intensyon nila. Period.
Dahil sa matinding trauma nagdesisyon ako maging maingat na sa lahat ng mga nakakasalamuha. Lahat ng kaibigan nila kaaway ko. Kaya halos lahat ng mga pipitsugung kasamahan ko sa trabaho ngayon ay kaaway ko.
Wala naman akong ginagawa. Di ko lang sila pinapansin na para bang wala sila roon. Alam kong pinagkakaisahan nila ako pero nakamasid lang ako. Kapag nanakit na lumalaban ako.
Mahirap din ang sitwasyon pero mas mabuti na yun kesa makianib ako sa mga tulad nila.
#traumasurvivor












