ang pagdadrama: kabanata Uno
Ngayong gabi aalalahanin ko
Lahat ng mga sinabi mo
Tatlong taon mula ng gabing iyon
Salitang babago sa daloy ng panahon
Oo, naaalala ko pa
Kung paano mo ipanag walang bahala
Sa pagaantay ako’y pinaasa
Sa pagaantay ako umasa.
Isang araw mula sa kasalukuyan
Makakasama ka sa walang hanggan
Ako lang, at ikaw lang sa bawat araw
Ngunit ngayon wala nang linaw
Mahal kita, mahal mo ako
Pero bakit naging ganito?
Minsan hindi na sapat ang mahal
Para tayo ay tuluyang magtagal
Napapagod din sa pag aantay
Napapagod din at nasasanay
Sa wala ka, wala siya, wala na ata.
Hanggang sa unti unting tanggap na.
Ito ang gabing iyon na aalalahanin ko.
Na minsan nangakong magmamahal sayo
Pero hindi na kaya, hindi na ata dapat.
Pagmamahal ko’y di na sasapat.
Paalam sa masayang tayo.
Paalam sa ikaw at ako.
Paalam sa sakit ng kahapon.
Paalam mahal ko, mahal, hanggang ngayon.










