SALAMAT SA ISANG SEMESTRE SIR! SORRY PO TAHIMIK KAMI MASYADO GANON DIN PO KAMI SA IBANG SUBJECT! SEE YOU PO SA PUP ^_^
No title available
Cosimo Galluzzi
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
Monterey Bay Aquarium

JBB: An Artblog!

Product Placement
🪼

Kiana Khansmith
NASA
he wasn't even looking at me and he found me
todays bird
Keni
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
tumblr dot com
RMH
Xuebing Du

Andulka

izzy's playlists!

ellievsbear

pixel skylines

seen from Latvia

seen from Germany
seen from Finland

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from Malaysia

seen from Germany

seen from Maldives
seen from Malaysia
seen from Japan
seen from Italy
seen from Türkiye

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from Italy

seen from United Kingdom

seen from United States
@sinagtala1999
SALAMAT SA ISANG SEMESTRE SIR! SORRY PO TAHIMIK KAMI MASYADO GANON DIN PO KAMI SA IBANG SUBJECT! SEE YOU PO SA PUP ^_^
Reflection Paper
Tapos na ang unang semestre sa ikatlong taon ko sa kolehiyo, ang bilis ng limang buwan. Limang buwan rin ako nangamote sa subject na ito. Ang isang semestre ko sa subject na ito ay binuo ng mga sumusunod na tanong, Paano ko ba to sisimulan? Ano bang style maganda? Hala ang dami ko ng itinype kulang pa rin? Tama ba tong pagkakaintindi ko? Anong ending ba gagawin ko? Ramdam ko ang epekto ng pandemya tuwing may tanong ako habang nagsusulat, mabuti sana kung physical class matatanong ko si Sir tuwing klase. Naging isang magulong proseso ang proseso ng pagkatuto ko. Magsisimula sa pakikinig sa lecture ni Sir,pagbabasa ng readings, pagsesearch sa google ng karagdagang impormasyon, pagtatanong sa mga kaklase,pag iisip ng konsepto kung paano isusulat ang gawain, pagsulat na aabutin ng ilang araw, pagtatanong ulit sa kaklase, babasahin ulit ang gawa at maiisip na pangit ang gawa, magbabasa ulit ng readings, magdadasal na saniban ako nawa ng espiritu ni Renato Constantino, paghahanap ulit ng karagdagan impormasyon, saka ko palang matatapos ang pagsusulat. Lubha akong nahirapan sa pagsusulat dahil hindi ganoon ka lawak ang bokabularyo ko. Pinagdusahan ko nang lubos ang pagbabasa ko ng mga nobelang ingles noong lockdown. Kaya habang nagsusulat sinubukan ko magbasa nang magbasa. Ang aming finals ang pinaka nagpakaba sa akin, kahit nagklase naman si Sir at nagbigay ng tips sa pagsulat. Una dahil hindi ako effective pagdating sa pangkatang gawain. Pangalawa noong nagbibigayan na kami ng ideya ay sobrang magkakalayo kami ng gusto isulat. Pangatlo nahihiya ako gumawa dahil baka ma-edit out lang.
Ang pagkatuto ko sa subject na ito ay hindi limitado sa pagsulat. Sa mga pagbabasa ng mga readings na binigay ni Sir nakatulong ito para maintindihan ko pa lalo ang iba’t ibang ideolohiya na mayroon at kung saan ito sumisibol. Naging inspirasyon din sa akin ang ilang akda tulad na lang ng Impeng Negro, Kamalayang Feminismo at Kubeta. Nadagdagan din ng konting kapal ang mukha ko pagdating sa pangkatang gawain, natuto ako magpahayag ng suhestyon ko sa grupo.
Malikhaing Akda
Sa pagtatapos ng isang kuwento, dapat ka bang malungkot dahil tapos na ito o dapat ba na maging masaya dahil nakabuo ka ng isang obra?
Ayon kay Chris na isang karakter sa Kasal na isinulat ni Eli Guieb III, Iisa lamang ang batas ng relasyon at ito ay pagmamahal. Ngunit paano kung ang batas na ito ay nabuo sa maling paraan? Sapat ba na pagmamahal lang ang maging primerang pamantayan sa isang relasyon?
Tama nga ang Propesor sa Forced by habit, baka nga ang tamang paraan ng pagmamahal ang problema ng Pilipinas. Eh paano ka naman matututo nang tama, kung ang mabenta sa takilya at laman ng mga teleserya ay tungkol sa bawal na pagmamahalan at maling paraan ng pagpaparamdam nang pagmamahal. Maging sa mga kanta at libro ay talamak ang ganitong istorya. Masyadong niroromantisa ang sa una palang ay mali ng ugnayan.
Sa kuwentong Kasal at Forced by habit, ang naiipit sa komplikadong relasyon ay hindi si Michael at Joanne o si Fred at Ced kundi si ____(pangalan ng asawa ni Joanne) at ang nobya ni Ced. Sa huli masira man ang unang relasyon, hindi sila madadaganan nang tambak na tanong kung saan sila nagkulang o nagkamali. Di katulad ni (Pangalan ng asawa ni Joanne) at ang nobya na parang flying saucer ni Nancy Gabriel papunta sa bakanteng lote. Hawig sa nangyari kay Marissa Dela Cruz sa kuwentong Dangal ni Norman Wilwayco. Siya naman ay biktima ng maling pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal na sa huli ay pagsisisihan ni Chris.
Totoo nga na sa bawat sitwasyon iba’t iba ang magiging pagtugon ng bawat inibidwal. Makikita ito sa kuwentong Dangal, Kubeta, Impeng Negro at Armor. Parehas man dumaan sa hirap ng buhay magkaiba naman sila ng naging tugon. Sa panig ni Nancy Gabriel nakita niya ang kubeta bilang isang maliit na bagay ngunit malaking simbolo ng kahirapan sa kanilang lugar at naging inspirasyon nya ito upang lumahok sa mga kilusan. Habang si Chris naman ay nabulag sa impluwensya na dala ng pagiging mapera. Si Marissa na piniling umalis at manahimik na lamang sa ginawa ni Chris na pagtapak sa dangal at dignidad nya laban kay Impen na lumaban upang muling mabawi ang kanyang dignidad. Si Impen na piniling maging agwador at si Biboy na isang runner.
Kahirapan pa rin ng buhay ang naging dahilan nang paghihirap ni Impen at pagkamatay ni Biboy. Si Impen ay biktima ng diskriminasyon dahil sa kanyang kulay at uri ng pamilya. Si Ogor ang umaapi kay Impen, bilang siga at malaki ang katawan walang gustong sumalungat sa kanya. Walang iniwan sa labanan ng ruling class at uring anak pawis. Matapang ang mga naghaharing uri dahil malaki ang impluwensya nito. Ngunit
sa dulo si Impen na napuno nang poot mula sa pang-aapi ay lalaban upang itaas muli ang kanyang dignidad na inapakan ni Ogor.
Sa eskinita kung saan muling nabawi ang dignidad ni Impen ay siya ring lugar kung saan babawian ng buhay si Biboy.
Kritikal na sanaysay
May mga akda na binuo hindi upang patuloy na aliwin ang madla kundi para gisingin ito at imulat sa katotohanan na ang lipunan ay tumatakbo sa sistemang bulok at di patas. Ayon kay Nadine Gordimer, “ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos.” Mabili man ang ilang manunulat upang sumulat ng mga akda na nakapagpapahimbing ng pusong naghihimagsik. May matitira pa rin na susulat upang hindi lubusang malunod sa kawalan ang kasaysayan at kasalukuyang hirap ng sambayanan.
Ang Literatura ng uring anak pawis ang unang halimbawa. Sa akdang ito tinampok ang iba’t ibang manunulat at akda na lumaban sa ilang dekadang panunupil ng naghaharing uri. Ang mga akda ay naglalaman ng masisidhing damdamin ukol sa kahirapan, bulok na pagpatatakbo ng gobyerno, inhustisya at pang-aapi ng mga negosyanteng dayuhan. Ayon kay Dr. Bienvenido Lumbera, “Sapagkat ang mga bagong manunulat ay kasapi sa mga kilusang bayan, kaya ang pinapaksa ng kanilang mga akda ay ukol sa karapatan at kapakanan ng uring anak pawis.”
Di masyadong nakapagtataka na ilang dekada na ang lumipas ay parehas pa rin ang hinihiyaw ng masa. “Kulang sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala.” Ang pangungusap na ito ay hango sa akdang “Kulas” ni Chit Balmaceda Gutierrez. Sa kuwentong ito ipinakita kung paano napwersa si Kulas na isang ordinaryong tao na gumawa nang masama. Si Kulas ay nagrerepresenta sa libo-libong Pilipino na kung hindi man sa kulungan ang bagsak dahil sa pagtugon sa kalam ng sikmura ay sa tabi na lamang at wala ng buhay. Isa lamang itong kapiranggot na parte ng bunga ng bulok na sistema ng gobyerno.
“Bawat karanasan ay naiimpok na hibla sa dibdib.” Tama si Fidel Rillo sa sinabi nya dahil lahat ng nakita, naramdaman at naranasan ko simula noong musmos pa lang ako ay taban taban ko pa rin hanggang ngayon. Magmula sa mga prinsesang laging nililigtas ng prinsipe, sa nanay ko na inaapi ng tatay ko hanggang sa mga research at isyung panlipunan ukol sa Feminismo. Ang opresyon sa kababaihan at ang dulot nito ay nakatatak na sa kukote ko.
Unang taon ko sa PUP, sa aming asignaturang kasaysayan naging paksa namin ito. Egalitaryo ang sistemang pangkasarian na umiiral bago dumating ang mga tinapay. Di tulad ng ibang bansa sa Pilipinas noong panahon na iyon ay mahalaga at mataas ang pagtingin sa babae. Sa kababaihan nakareserba ang kapangyarihan ng relihiyon at kasaysayan dahil ang mga babaeng babaylan ang gumagawa nito. Malayo sa kasalukuyang panahon.
Mahirap umangat at magtamo ng pagkilala sa panahon ngayon lalo na kung babae ka. Talamak ang diskrimanasyon at represyon sa lahat ng lugar at antas ng pamumuhay. Masasalamin ito sa akda ni Babeth Lolarga na “ Ang himas ni Ricardo.” Sa kuwentong
ito binigyang diin ang sexual politics, ang pagwaksi ng kumbensyunal na pagtingin sa pagpapamilya at isteryutipo ng babae bilang sunud-sunuran sa lalaki.
Hindi naman nga kasi parausan ang kababaihan. Lalong hindi inutil ang babae kung wala syang anak. At mas lalong hindi kami anino o sunod-sunuran ng kalalakihan.
Mabuti na lang at noong dekada ’90 ay isinilang ang isang akdang may feministang paninindigan at nagkaroon ng mga pagkilos ukol dito dahil kung wala baka iniisip ko ngayon na mali ang aking mga paniniwala. Nakakalungkot lamang na ang mga institusyon na dapat magtuturo na iwaksi ang sistemang patriyarkal ay siya pa ang nagtuturo nito.
Panitikan
Alam nating lahat na ang panitikan ay kolektibo ng sining sa isang bansa. Sigurado na malaking porsyento ng populasyon ang makakasagot sa akin kung magtatanong ako ukol sa teknikal na kahulugan nito ngunit iilan lang ang may kamalayan sa kung ano ba talaga ang panitikan. Ang panitikan ay parang isang sikolohista, magbibigay ng ilang pahinang reseta na babasahin na maaaring magpa basa ng mata o makapag pa tuyo ng ngala-ngala. Pwede rin namang kaibigan na mahilig magkuwento ng karanasan nya sa buhay. Isang Time machine na kakaladkarin ka sa iba’t ibang panahon. Isang baul ng mga binaong ala- ala. Isang antipara na tutulungan kang makakakita ng mas malinaw. Ang panitikan ay hinihikayat din tayo na magkaroon ng iba pang pananaw tungkol sa mundo. Ito ay higit pa sa libangan na dinadalaw lang natin sa oras ng lumbay, dahil sa iba ito ang kanilang buhay. Ngunit bakit ba namin at natin ito pinag aaralan? Dahil sinasalamin nito ang lipunan. Dito nagkakaroon ng tagpuan ang iba’t ibang pananaw at sa pamamagitan ng pagtingin sa iba’t ibang perspektiba mas madaling nauunawaan ang mindset at nararamdaman ng isang tao. Dito rin sinisiyasat kung paano natin ibinabahagi ang mga ideya at kung bakit. Dahil ito ang pag aaral ng Human Communication. Isa rin itong paraan para balikan, intindihin at pumulot ng kaalaman sa mga nangyari sa nakaraan. Sa panitikan din natin maiintindihan ang pagkakaugnay ng wika, kultura at lipunan at ang kahalagahan nito sa paglutas ng pangsarili at panglipunang sigalot. Ito ay pinag aaralan dahil kinikwestyon din ng panitikan ang unibersal na katotohanan miski ang ideya ng katotohanan. Sa pag aaral ng panitikan dapat nating buksan ang daan tungo sa pag unawa ng komunidad o lipunan. Dahil kumplikado ang panitikan dapat natin ito ma-decode ngunit sa pagtungtong ng ika-19 na siglo nagsimula nang mag eksperemento nang bagong pamamaraan ang mga manunulat sa pagtingin sa mga salita.