EDSA at 40 bukas ang magpapanting sa tenga at diwa ko. Bukas, sasama ako sa ilang daang kabataan at mamamayan na magtutungo sa EDSA shrine para magpakita ng lakas ng taumbayan at magpaalala sa mga nakaupo na sila ay maaari at talaga nang sisingilin ng nagkakaisang taumbayan. Maraming magsasalita at magpapahiwatig ng galit at paniningil kay Marcos at Duterte sa kanilang pagsentro sa entablado at paghawak ng mikropono habang nagpapaalala sa diwa ng EDSA ng pagkakaisa ng mga Pilipino para makapagpatalsik ng sukab na presidente at ng kaniyang pamilyang masama rin, nang hindi gumamit ng dahas at rosaryo at mga rebulto ng Diyos at santo lamang ang dala. Maraming mga kasama ang hahawak ng mga plakards na may panawagan ng lahat ng api at pagpapanday ng mas mabuting bukas. Lahat na dadalo sa pagkilos bukas ay nag-aasam ng pagbabagong wagas para sa lahat ngunit higit lalo sa mga nasa laylayan.
Hindi ko alam kung bakit ako sasama. Ang dami kong problema. Si papa ay nasa ospital. Hindi na ako nakakapagbasa ng readings dahil sa kung ano-anong distractions. Masama ang loob ko sa mga pamilya. Hindi ko alam paano magsimula maghanap ng trabaho. Napakarami. Ayaw ko sa katawan ko. Iniisip ko pa lang ang mga magaganap, nagagalit at napapagod na ako. At sa usapin ng mga abstraktiko, hindi ako siguro kung masyado ko lang bang pinapalawig o pinalalapit ang pagkakaugnay ng buhay ko sa mga kaganapang politikal at pambansa. Kung paano ba ako maapektuhan ng pagdiriwang ng pesteng EDSA na yan. E wala naman na yang halaga. Ferdinand Marcos na ulit ang pangalan ng presidente. Si Sara Duterte na ulit ang magdedemonyo sa Pilipinas sa nalalapit na hinaharap. Si Rodrigo Duterte ay pinagluluksaan na ng mga satanista niyang tagasuporta. Wala nang halaga na ipagdiwang pa ang EDSA dahil hindi na karapatdapat ang mayorya ng mga Pilipino na paglingkuran. Mas mainam pang ibuhos ang lakas sa mga mas malalapit na komunidad. Wala nang pag-asa ang buong Pilipinas. Iniisip ko lang lagi. Paano kaya kinakaya ng mga aktibista at organisador na araw-araw bakahin ang impyernong bansang ito. Malamang ay makakasalamuha nila ang mga abang pesante, magsasaka, manggagawa, atb. Kaya siguro nila ipinipilit na baguhin ang lipunan. Pero iniisip ko lang, kung karapatdapat bang paggugulan ng pansin at pagod ang Bayang ayaw naman matuto at turuan at tulungan. Bayang isinusuka ang mga itelektwal. Hindi ko gustong sayangin ang buhay ko sa pagbabago ng lipunang ayaw naman sa akin. Bilang isang baklang mahirap na mula sa probinsya. Bilang isang mag-aaral sa isang mahusay na pamantasan. May mga pribilehiyo ako na nais ko sanang namnamin at sarilinin. Alam kong mali ito. Mali lahat ng ito.
Ngunit

















