JUNE 3, 2012, 9:51PM, LINGGO.. ito ang petsa, oras at araw na tinatype ko ito. magaya nga si zuckerberg na habang nagbablog, umiinom. 'De joke lang. hahaha. ok tuloy natin ang kwento.
ang araw bukas ay LUNES, JUNE 4, 2012.. ano ngayon? hello! simula na kaya ng pasukan bukas. siguro sa mga college, merong nagsimula na at merong hindi pa, pwera rin sa mga pribadong eskwelahan, na baka sa isang linggo pa ang pasukan o nauna, hindi ko alam.. basta dun tayo saa mga elementary at high school, at mga piling unibersidad hahaha. naghahanda na ba kayo? siguro kung oo, malamang ilang araw pa, bago mabasa niyo ito.
Tapos na talaga ang maliligayang araw niyo, buti at may baon at nagbibigay pa ng ngiti sa inyong mga mukha. Siguro excited na mga elementary, ang saya-saya nila kasi papasok na ulit sila.. yun nga rin ba sa mga high school, mga 99% siguro ng mga high school, gustong pumasok dahil hindi sila maag-aaral ulit, kundi makikita na naman nila ang mga mukha ng kaklasse nila, may kakwentuhan na naman, kakiskisang braso, kaakbayan habang naglalakad, at siyempre, mawawala ba diyan ang gala at libre? hahaha.
Siguro yung iba diyan, hindi na makatiis hawak-hawakan ang kanilang mga BAGONG-BAGONG mga gamit, yung ba, malungkot kasi yung dati na lang, o yung pinagluman ni ate o kuya. Pero ang sigurado lang ko diyaan, sa dulo ng klase, wasak rin ang mga yan, pwera na laang kung masinop ka.
Meron na diyang hindi makatulog, kaya paggising kinabukasan pahirapan, pero di pa siguro mangyayari yun, kasi unang araw nga ng klase eh, mga excited ang lahat, siyempre pati magulang niyo excited din, kasi mananahimik na mundo nila sa bahay, at lalong lilinis ang bahay niyo.
Meron na diyang kinakabahan kasi unang araw bilang isang high school, bilang isang mg-aaral ng mababang paaralan ng kung ano man. Siyempre, walang tatalo sa kaba ng mga magkacollege.
Meron na diyang nag-iisip kung saan kakain kinabukasan. Ano ang gagawing paghahanda bukas. Sino ang mga kakausapin.
Syempre, dun tayo sa uso.. alam na,, PEE-BEE-TEENs? hahaha. yung mg eksayted diyan, kasi makikita na naman si crush... Makikita si karelasyon na hindi rin naman magtatagal.. hhaha ambully eh noh?
Nandiyan rin ang mga BULLY na kinatatakutan ng mga mahihinang estudyante, hindi pala mahina, edukado lang talaga, na hindi binaba ang kanilang lebel para lang pumatol sa isang walang kwentang tao, o talagang lampa lang.
Nandiyan na rin ang mga cute na froshies sa high school dahil di mo aasahang ganun ka na pala kalaki. hahaha.. kung ikukumpa ra sa donut, smidgets o kaya munchkins.. kagutom tuloy. hahaha
Siyempre hindi papatalo diyan ang mga kapre na nabubuhay sa umaga, yung mga estudyanteng hitit dito, hitit doon, grabe, kabata-bata, NANINIGARILYO? maaawa kayo sa mga baga niyo at siyempre saa magulang niyo.
Nandiyan din ang mga emo emohan, may dugo sa braso, may dugo sa kuko, may dugo sa daliri, may dugo! sana, nagdonate na lang kayo, nakatulong pa kayo, nagawa niyo pang paduguin ang katawan niyo.
Nandiyan rin na ang buhay ay umikot na sa libro at talino. alam naming nageenjoy kayo, try niyo kayang maglibot at maglibang sa ibang bagay, baka mabaliw kayo ah. hinay hinay lang.
Papatalo ba ang mga di maubusang laway? Daldal rito, daldal doon, kulang na lang maikwento na ang buong talambuhaay at ibigay kay ate Charo.
Marami pang iba't-ibang uri ng estudyante at marami pang pwedeng maging uri ng estudyante. Pero isa lang masasabi ko, masaya rin namang mag-aral kahit papaano, dahil may natutunan kang bago, hindi lang yung galing sa libro, kundi natutunan mo ring matutunang buuin ang sarili mo.. Kaya bukas, ito ang simula. Ang Simula na paghihirap, at syempre ang dagdag istorya sa buhay estudyante ng buhay. yoon lamang, at ito si #AngBitteeeeer na nagsasabing hindi nila kasinggaling, nakakasabay rin. :) Good Luck at GOD Bless sa mga papasok bukas. INGAT! JUNE 3, 2012, 10:35PM.