Grabe talaga. Lumabas kami ng school 7:30. Tapos nagantay kami ng bus siguro mga 20 mins din yun. Then napagdesisyonan na namin na lakarin hanggang Centris sa Q. Ave then yung mga taga Monumento hanggang SM North nilakad nila.
Pero before makadating ng Centris, ang dami pa munang nangyari
Si Agatha, nadulas sa Qmart! Fudge! Laughtrip talaga yun. Hahaha. Buti nalang ako si Mike at Alfredo lang nakakita.
Si Alfredo naman yung muntik ng madulas.
Muntik ulit madulas si Agatha.
Umaakyat si Jed dun sa bakal na harang ng EDSA at side walks, nung pababa na siya. Nahulog ulit siya.
And lastly! Nalubog sa tubig yung paa ni Agatha, may kasama pang putik. Hahaha.
Then pagdating sa Centris habang nagaabang ng jeep, paksheet punuan din. So nagUP ikot kami. Pagdating namin ng Philcoa, ang dami ding tao juice ko! Nabangga pa yung jeep na sinasakyan namin muntik ng tumagilid yung jeep tas nasa loob pa si Agatha nun.
Edi nagpahinga na muna kami sa may Red Ribbon, naupo sa bangketa. Hahaha. Kawawang mga bata. Then after 123456789 years, nakasakay din kami ng bus kahit pa siniksik lang talaga namin yung sarili namin sa may pinto. Huhu.
Next naman sabi ng Mama ni Agatha, sunduin namin mga kapatid niya sa school kasi galing field trip. Edi pagdating ng Don Fabian bumaba na kami, saktong pagbaba namin nagtext si Tita andun na daw yung mga kapatid ni Agatha. Huehue~
Grabe yun. I swear, worst ever. Ang dami naming kamalasan. Huhu.












