Di ko alam bat giyang na giyang akong bumili ng dream collection ng aquaflask. Sumugod pa ko kahapon kahit kainitan at malayo kami sa mall. Pagdating ko ubos na yung 40oz.
Di ako mahilig sa softdrinks at malamig.
Hindi rin ako nagkakape.
Meron din naman akong flask na nabili sa ikea.
Pero sure na sure ako na malakas ako sa tubig kaya kahit papano alam ko magagamit ko to.
Mahirap na humanap ng dream edition na aquaflask kasi limited. Mukhang di talaga siya para sa akin. Baka thermoflask na lang bilhin ko.















