Cong at Clang, magbestfriends 2013.
Yan ang una naming reaksyon nung malaman naming nakakapag-usap na si Anna at si Marco.
Oo, masaya kami. At kinikilig. Pano ba naman kasi, matapos ang isang taong paghanga mula sa malayo, ay eto na, naglalandian na sila. Joke. Magbestfriends na daw sila.
So, ako at si Tin, hindi convinced dito. Si Julia, ewan ko. Go with the flow yun sa issue na 'to e.
Hindi kami naniniwala na friends lang kayo.
Narinig ko na yan e. Una, kay Tintin, nung second year, Harper days. Pag nagchachat sila, pag nakikita nya, nasabi na nya yan.
Sunod kay Joanna. Tuwing nagtetext si Mata, sinabi nya din sa kin yan.
"O, ba't ka tumatawa jan?"
"Wala, masayahin lang ako."
Hindi sa ginegeneralize ko, but honestly, I've never seen you smile like that because of a simple text message. Hindi lang ako ang nakakakita nun, ask the ever pretty and honest Georgette. :)
Normal sa magbestfriend ang magtawagan. Kahit anong oras, kahit anong araw. Rain or shine. Magbestfriend e. Pero hindi yung aabutin ng alas-dos ng madaling araw. Sweet yan, pwedeng gawin ng magbestfriend, pero hindi gawain ng bestfriend na problemahin pa ang pantawag ni bespren.
Tumatawid ng building, sinusuong ang init, makasama ka lang.
Hahaha, benta 'to sakin e. Kasi, nangyari 'to kay bebe tsaka kay Carina diba? Tas sabi namin, baka friends lang. Ang sabi mo, "Hindi e. Tatawid ba ng building kung friends lang?"
Hindi e. Tatawid ba ng building kung friends lang?
Pag nagtinginan kayo, iba 'dre. Iba ka tumingin kay Jason. Sabihin nating di pa kasi kayo ganun kaclose, pero iba ka tumingin kay Cendrick, o kaya naman kay Justin at Jorrel. Sama na natin si Louis, kawawa naman. Sige, si Cyril na din :)
Hindi naman namin ipinipilit na may gusto ka pa sa kanya.
Oo, friends lang ang gusto mo. E sya, friends lang ba?
Oo, wala kaming assurance na may iba pa syang gusto. Pero ikaw din, wala.
Parang AP lang yan e, lahat ng nasa past, may issue.