04.05.13
So kahapon, chinat ko sya.
Nalaman ko lang na sa UPLINK sya. At nakakatuwa syang kausap.
I mean, wala yung thrill, pero wala din yung takot. Kasi bangag sya e.Galing sa byahe, pagbigyaaaaaaaan.
So, dahil tanga-tangahan sya kahapon, ang gaan nung feeling. Walang intimidation. Malupet lang.
Pero hindi tungkol jan yung post ko. May isa pa.
Kuhaan ng card namin kanina. At nagkita-kita kami. Sayang nga lang, wala si Christine.
Wala kaming picture nang magkakasama, bakit? Kasi pawis kami. Alangang picturan ko sila ng ganung itsura, at ayaw din naman nila nun.
Magkakaresectioning daw. Panget na balitang narinig ko.
So, si Julia, 91 ang average. Delikado ang gaga.
At nagpunta nalang kami ng 7-11, para icelebrate ang tendency ng pagiging Platinum nya. Hindi namin sya pinapaalis. Mahal talaga namin sya e. HAHAHA.
Naglakad kami pataas. Sa initan. Bonding daw e. Habang naglalakad, nakapulot si Joanna ng pink na gumamela. Joke, pinitas pala nya yun. :))
So, natripan namin ang Slurpee. May art pa daw dapat. Pero si Angelie ang nakagawa ng pinakamaganda, sa Slurpee ko.
Wag kumontra, maganda na yan.
So, tumambay kami dun. At pinag-usapan namin ang iba-ibang bagay na hindi ko na naalala.
Naubos na yung Slurpee. Kaya naman, bumili si Anna ng Pepsi Blue.
Si Julia pa yung nagbukas, 'te, di makapagpigil? Anyway, pinagpasa-pasahan namin yung Pepsi na Blue, kasi ngayon lang kami nakatikim nun, maliban kay Anna, na nahuli pang uminom ng binili NYA.
So, eto naman yung picture nung Pepsi na Blue, at nung gumamela ni Joanna.














