09.14.19 // Thesis Days.
Late post.
Puro kape na laman ng katawan ko. Nagloloko pa yung laptop ko at sobrang depressed at disappointed ako sa sarili ko dahil hindi ako naka-graduate on-time ng dahil bumagsak ako sa thesis defense. Sa Architecture kasi individual ang thesis (depende sa school tho). Own ideas, own solutions, efforts pati gastos. Ang good thing lang is hindi ka ma-stress sa mga kagrupo dahil wala ka non. Hahaha pero one thing na narealized ko nung nagkaroon ako ng 2nd chance para bumawi sa Thesis ko ay yung “lahat ng bagay may dahilan.” Hindi ibigsabihin na bumagsak ka sa isang subject or ‘di ka nakagraduate on-time ay isa ka ng failure. Wrong. Walang masama mag-fail. pero never stop trying.
Kasi noon bago ako bumagsak ramdam ko na hindi pa ako ready to graduate. Ayoko umalis sa university ng alam ko sa sarili ko na hindi ako handa sa real world. Sobrang thankful ako sa nangyari kasi nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan na kasama ko sa hirap at lungkot during the darkness months ng buhay ko. And mas nag-grow ako to became a better designer and I learn how to defend myself sa mga jury nung 2nd time ko nagdefense and that time atleast alam ko sa sarili na ginawa ko na yung best ko at ready ako sa output ko.
Sobrang proud ako sa sarili ko. Walang masama maging late sa college kasi lahat tayo mayroong sariling timeline. After graduation natanggap ako agad sa isang firm sa Makati since maayos na yung Porfolio ko that time. Medyo confident na rin ako than before.












