The Old Times
Nakakamiss mag-fangirl sa Chicser. Really. Maybe may iba sa inyo na hater nila. Ako? 2 years na nila akong fan. Marahil sasabihin niyo bakit ako naging fan nila e hindi naman sila magaling o di naman kaya bakla sila kuno. Now I'm telling you, hindi sila ganun. They are not gay or what. Hindi ko na kayo pipilitin na gustuhin sila. I just wanna share kung paano ako naging fangirl nila. Hahaha.
I was incoming 3rd year high school that time nang makilala ko sila. I was busy tweeting and then I saw someone tweeted one of their members. And then I started to stalk that person. His name is Ranz. First impression? Gwapo. Hahaha. I kept on stalking them and one time they had their livestream. That was the first time na nang-flood ako para lang talaga mag-greet nila. Fangirl. Hanggang sa after nun, tuloy-tuloy na yung pagfa-fangirl ko sa kanila. I keep myself updated to them. Sa mga GTs nila, recent photos, recent videos at kung anu-ano pa. Wala akong pinapalagpas na livestream nila noon. Kahit na gabi pa yan, basta ang sa akin lang e makita ko sila kahit sa screen man lang. To tell you the truth, 2 years man na nila akong fan, isang beses ko pa lang sila nakikita. Kasi hindi naman ako allowed lumuwas to attend their GTs. So nung nagkaroon ng chance na mag-GT sila dito sa Subic last year, I didn't ignore that chance. Buti na lang yung araw ng GT nila na yun e kahit na may pasok kami nun, at least tumapat yung oras ng GT ng uwian namin. Naalala ko pa nun, talagang nagdala pa ako ng civilian ko para after uwian namin, deretso mall na agad kung saan yung GT nila. Tapos bumili pa ako ng stuff toy na worth P300 para lang malapitan ko silang mapanood. Yun nga lang, hindi ako nakapagpicture sa kanila. Hindi ko kasi dala yung album nila e. :( Pero sobrang saya at memorable pa rin yung araw na yun para sa akin. Bakit? Kasi nahawakan ko yung kamay nilang anim. :"> alam niyo ba yung feeling na isang taon na kayong fan nila, tas ni minsan hindi mo pa sila nakikita. Then, boom! Dumating yung araw na nakita mo sila at nakamayan mo pa. Shit. Sooooobrang saya. Haaay. Buhay fangirl nga naman. Buwis-buhay, pero pag nakamit mo na yung pangarap mo, at yun ay ang makita ang idol mo, grabe. Sobrang ugh yung feeling. Hahahaha. Basta ganun. Lol.
Kahit minsan, sinasabi ko na na hindi na nila ako fan. Pero ewan ko ba. Bigla ko na lang nakikita sarili ko na nanonood ng videos nila, naglalike ng posts nila, nagffavorite and retweet ng mga tweet nila at iniistalk mga profiles nila. Bakit ganun? Kasi mahal ko sila. Hindi man nila ako madalas mapansin, dahil naman sa kanila ay may mga natutunan din ako. May mga taong nakilala at naging mga kaibigan ko through internet dahil din sa kanila. Nagsilbi silang isa sa mga inspirasyon ko noon at ngayon. Hindi na sila mawawal sa puso ko. Parte na sila ng buhay ko. :)
Kaya sa mga fangirl diyan, patience lang! Darating din yung time na pinakahihintay mo. You just need to have a patience and faith. Okay lang naman maging fangirl e, ang saya kaya. Hahaha. Basta dapat hindi pa rin natin nakakalimutan yung studies natin. Na may buhay pa rin tayong sarili na dapat intindihin. Alam niyo naman ang ibig kong sabihin. :)
To all the fangirls/fanboys out there, saludo ako sa inyo! Sa lahat ng efforts na binigay niyo sa idols niyo. Grabe. Priceless. Keep it up guys! Hindi man kayo kilala ng mga idols niyo, mahal nila kayo. Trust me. They can see and feel all the efforts you made for them. And I know they're very thankful for that. :)













