Paano ba nakakatulong ang internet sa mga mag-aaral?
  Minsan naiisip ba natin kung paano ba nakakatulong ang internet sa mga kabataan na nag-aaral ngayon? Siguro kung ito'y pagiisipan ng mabuti, maaaring masabi natin na ito ay isa lamang istorbo. Isang bagay na hindi naman talaga importante sa buhay. Maaring sabihin ng mga nakakatanda  na noong panahon nila ay hindi nila kinailangan ang internet at social media upang makapasa sa kanilang pag-aaral. Maraming mga kumento at suhestyon ang mga tao pag dating sa paggamit ng internet, ngunit isa lang talaga ang masasabi nating mga estudyante. Ito ay, "lubusang nakatulong sa pag-aaral namin ang internet."
   Sa panahon kung saan nauuso ang mga moderno at high-tech na mga gadyet, hinding-hindi mawawalan ng kaalaman ang mga pilipino tungkol sa kung ano ang trend dahil nais nating sumunod sa mga ito. Nagkaroon man tayo ng kolonyal na mentalidad pag dating sa mga ganitong bagay, kailangan natin tanggapin na ni isa sa atin ay walang maaaring gawin upang itigil ang patuloy na pagbabago sa ganitong pag-iisip ng mga pilipino. Ngunit ang pagbabago na ito ay hindi naman tuluyang masama. Tulad nga ng naunang nabanggit, malaki ang tulong na naidulot ng internet sa mga kabataang nag-aaral. Ang internet ay ginawa para pakinabangan ng mga tao. Ito ay isang kahanga-hangang pagbabago at imbensyon sapagkat isa itong imbensyon na nagdadagdag sa aming mga kaalaman, nagpapadali ng aming mga gawain sa eskwelahan at binibigyan ng internet ang mga estudyante ng mga alternatibong paraan upang matapos ang mga gawain.
     Ayon kay Johaia Raymund Guerrero Camalig, may tatlong pangunahing dahilan kung bakit ko nasasabing malaking tulong ang internet sa aming mga estudyante:
1.) Ang internet ay nagbibigay sa amin ng isang mas mahusay na komunikasyon sa anumang mundo. Ito ay isang mahusay na paraan ng komunikasyon at transaksyon sa anumang negosyo o anumang personal na bagay.
 2.) Ito ay isang malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan ng internet, maaari mong madaling gawin ang ilang mga pananaliksik sa kahit anong oras mo gusto. Ito ay makakatulong sa iyo na bumuo ng iba't-ibang ideya at maari mo din itong kunan ng iba't-ibang impormasyon para sa iyong kurso.
 3.)  Ang Internet ay isang paraan para sa isang mas mahusay na bukas dahil maaari kang maghanap para sa isang mas mahusay na mga pamamaraan at alituntunin para saiyo na magkaroon ng isang mas mahusay na hinaharap.
     Ayon naman kay Eslin Hanael U. Cabato, "Halos lahat ng estudyante ay gumagamit ng iba't ibang mga teknolohiya upang kanilang matapos ang kanilang mga gawain. Sigurado namang lubos na limitado ang mga impormasyon na ating makikita sa isang libro. Marami naman kasi sa mga konteksto nito ay 'straight to the point'. Ang teknolohiya ay isang napaka-laking tulong sa mga estudyante. Gamit lamang ng laptop/kompyuter at internet ay napakaraming impormasyon nang nakukuha ang isang estudyante. Ang dapat lamang ay matututo silang gamitin ito nang may mga limitasyon. Nararapat ay nalalaman nila kung ano ang mga wasto at di tama. Hindi lahat ng makikita sa internet ay wasto sa lahat. Dapat rin ay matututo tayong balansehin ang ating paggamit ng kompyuter at pag-aaral. Marami naman kasi ay nagiging pabaya na sa sobrang oras na kanilang ibinabahagi sa pag kokompyuter."
    Tunay nga na masasabi nating malaking tulong ang binigay ng teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hahayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya at social media. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. Limitahin natin ang paggamit nito at laging tandaan na hindi lahat ng gawain ay dapat iasa sa internet. Magsikap parin tayo at mag-aral ng mabuti. Yun lang ang tunay na paraan upang ating malagpasan ang mga hamon sa atin ng mga gawain sa eskwelahan.









