Meron kaming classmate sa summer class na taga ibang section. Gwapo sya kaso medyo chubby at weird. Well noong una nga akala namin bakla sya or Bi dahil sa way ng pananalita nya. E nagpagupit sya. Shoot. Pogi.
Kanina, habang may pictorial kami sa hallway, dumaan sya. Tapos inaya na naming sumali sa kakornihan namin. Tapos habang bino-browse nya phone nya bigla naming nakita pictures nya with CHICSERS me gadh ibang klase, close family friend nya si Oliver. (Actually di ko yun kilala since di naman ako fan ng Chicsers) Hindi lang dun kay Oliver pero sa lahat ng chicser. Yung tipong katabi nya talaga nagwa-wacky and everything.
so Admin daw sya ng chicser at may VIP pass sya para sa event/ concert sa may 19. Ok.
Alam mo yun, nakakaproud lang kasi kahit di kami fan, yung close sya sa isang grupo na kinahuhumalingan ng mga kabataang filipino ngayon? (hindi lahat). At may balak daw syang mag artista and everything.
Mahangin si Kuya pero may ipagmamalaki naman kasi sya, matalino, mayaman,umaattend ng workshops, maraming connection, gwapo, sya na. Kaso nga lang medyo weird. Sabi ko nga eh : "Alam mo natutuwa ako sa taas ng confidence mo." it wasn't an insult. And he did understand. May iba syang pananaw sa haters. O baka dahil marami narin talaga syang haters. :)
Haha Goodluck kung sisikat sya. Sabi nga nya: "With great power comes a great responsibility."