Finally! A photo op with crushie. <3
Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang makapag-papicture ako sa crush ko. Yung sinasabi ko na ka-p.e ko. Si number 8 :) Lemme tell you the story kung paano ako nakapag-papicture sa kanya.
Last meeting na kasi ng p.e nun, March 6, 2013. Written exam namin. Dahil champion yung grupo namin, di na kami nag-written exam. Pinauwi na kami nun ni sir Cajefe. Dahil may written exam sila Jess at Deen, I have no choice but to wait for them outside. Ayun, bago ako lumabas, sinabi ni Deen na kakausapin niya daw si crushie para makapag-papicture ako.
Habang nasa labas kami ni Danice, pinag-iisipan ko kung magpapa-picture ba ako kay crushie kasi sobrang nahihiya ako nun. Andiyan pa yung binigyan ako ni Dan ng oil control chorva (sorry, di ko alam tawag dun sa manipis na papel na pampahid ng oil sa mukha. hahaha) para daw di oily yung mukha ko pag nag-picture kaming dalawa. Sobrang nag-dadalawang isip ako nun.
After ng exams, nagsiuwian na yung ibang tao, yung iba naman naglalaro pa. Pagpasok namin sa loob, nakita ko si crushie na nakaupo lang sa isang tabi tapos naglalaro ng something sa phone niya. Yung mga magagaling ko namang kaibigan, nagkukumpulan. Paglapit namin ni Dan sa kanila, paulit-ulit akong pinipilit ni Deen at Jess na magpa-picture.
Jess: Sayang yung chance. Last na 'to. You might regret it kapag di ka nagpapicture sa kanya.
Deen: Ano? Kami naman ni Jess yung kakausap sa kanya eh.
Ako: *nag-sign of the cross* Kukunin ko lang yung tab ko.
Deen: Huwag na! Yung camera na lang ni Daphne yung gamitin natin.
Habang nakatalikod ako kay crushie at sobrang kinakabahan na, lumapit sila sa kanya tapos nagtanong. Sabi niya, ganito daw yung tinanong niya: "Kuya, puwedeng magpa-picture siya (sabay turo sa akin) sa iyo?" Si crushie naman, ngumiti lang tapos tumayo. Ayun, tinawag na ako ni Deen. Nakita ko ang magaling na Jessica na hinayaan lang si Deen na magtanong kasi nahihiya daw siya. Tumabi ako kay crushie, tapos nagulat ako nung lumapit pa siya lalo sa akin. Naramdaman ko yung dibdib niya sa likod ko tapos yung fingertips niya sa likod ko din. Weee! Kilig much! Eto yung picture namin. :)
Effective yung oil chever ni Dan. Hahaha. Ayun, ang saya ko lang. Tapos namumula pa yung mukha ko diyan -_- After nung photo op, nag-thank you ako sa kanya, perohindi ako amkatingin sa mukha niya sa sobrang kahihiyan. Hahaha.
Kinagabihan, nung inupload ni Daphne yung picture, nagulat na lang ako nang makita kong naka-tag siya. Ang nangyari, yung mga magagaling kong kaibigan ang nag-tag sa kanya. Grabe lang. Hahahaha. Pero eto talaga yung nakakakilig, NI-LIKE NIYA YUNG PICTURE NAMIN!!! Hahahaha. Yun talaga eh. Pinipigilan ko lang tumili kasi baka pagtinginan ako ng mga tao sa internet shop sa dorm. Hahaha
Hanggang ngayon kinikilig pa din ako. :">