Ewan ko bat inggit na inggit ako dun sa mga taong nag sheshare ng story nila sa Spookify na bukas “daw” yung 3rd eye nila. Hahaha. I waant.
Gusto ko din bumukas 3rd eye ko. I want to see them. I want to see those things na hindi basta basta nakikita ng naked eye natin well except pag talagang naglalaro sila at gusto nila magpakita sayo. Gusto ko magkaron ng kahit isang kaibigan mula sa kabilang mundo. Hahaha.
Matagal ko ng gusto mangyari yun. Bata pa lang ako talagang excited ako sa mga ganyang stories. Mahilig ako manuod ng mga horror movies.
Ang weirdo ko talaga pagdating sa mga ganyang bagay. Hahaha. Marami kasi akong tanong na gusto kong masagot. Hindi masasagot ng siyensya o ng kung sino man. Minsan gusto ko makausap yung lola kong namatay just to ask my questions eh para mabigyang linaw na. Ng matahimik na ako. Hahaha. Alam kong anjan lang naman sila sa paligid eh. Ayan nga o. Nasa tabi mo nakikibasa sayo. Hahaha. Joke lang. sorry na.
Ayun lang basta curious lang talaga ako. At marami akong katanungan na gusto kong masagot at mabigyang linaw.