Tibok. pangngalan., tawag sa tunog na nililikha ng puso. "Tibok" Pen in paper Sining baybayin at guhit ni Joh Balaong Tibok Ang iyong dugo Nakalaan sa sambayanang pilipino Inaalay sa paglilingkod sa bayan mo Nilalaan iyong lakas at talino. Ang iyong pintig Umaawit ng pakikipaglaban at pagibig, Nagpapakalat ng makukulay na himig, Gamit ang iyong sining at malikhaing tinig. Ang iyong tibok Ay alingawngaw ng matayog na bundok Pagsuong sa madadawag na sulok Paglipad pagtalon mula sa pinakatuktok. Ang iyong pulso Sumasalamin sa iyong puso Ginto man sa iba o tanso 'Wag sasalingin at sadyang nakapapaso. Para kay Rogelio Palacio Jr., Maligayang kaarawan! Salamat sa pagiging inspirasyon sa ilang tula at sining.












