best friends and loves-the-mosts
seen from United States

seen from Switzerland

seen from Argentina

seen from Russia
seen from Russia

seen from Malaysia

seen from Argentina
seen from United States
seen from Norway

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Australia

seen from Slovakia

seen from United States

seen from Australia
seen from United States

seen from Germany

seen from United States
seen from China
seen from Germany
best friends and loves-the-mosts
At ang tanging hiling ko sa paglubog ng araw
Ay dalhin nito ang lahat ng sakit at pait ng nakaraan
At ang dulot nitong ganda
Ay maiuugnay sa ganda na maaari kong matamasa
Sa oras na ako'y bumitaw at makalaya
Naiwan kang mag-isang nagdidilig sa hardin ng dati ninyong daigdig.
Pero huwag kang susuko sa pag-ibig.
Dahil bukod sa kanya, karapatdapat ring ibigin ang tala sa langit.
Ibigin ang malawak na dagat.
Ibigin ang di-malay na puwersang nagbibigay buhay.
Ibigin ang black hole,
Supernova,
Stellar parallax,
Kabundukan,
Dagsin,
Liwanag at dilim.
Subukan mong ibigin silang lahat.
Manalig ka at panghawakan mong iibigin ka nila pabalik.
(Ito ay isang likha mula kay kemiko, maraming salamat sa iyo.)
Ang Nilikha
"ANG NILIKHA"
Nililok mula sa lawa ng kawalan
Hinubog sa natapos na paalam
Hiningahan ng panibagong buhay
Binuong obra upang maging
karamay
Hinubog ang mga mata sa ilalim
ng bituin
Dahil nais punan ng pangako't
panalangin
Hinubog ang labi sa nagbabagang
apoy
Dahil nais marinig ay di lang saya
pati rin ang panaghoy
Nilikha ang matatag na mga bisig
Handa sa lahat ng laban ng pag-ibig
Nilikha ang perpektong mga paa
Ang pares na ginawa upang di tumakbo
sa problema
Pinuno ng matitikas na mga kalamnan
Suporta kung dadating na walang
sandalan
Binalot ng mainit na balabal ng balat
Upang isabak kung manlamig ang lahat
Dalawa na lang ang natitira upang
mabuo
Ang gumaganang utak at puso
Ngunit lito kung alin ang mas mahalaga
Utak na nag-iisip o pusong dumadama
Niluklok ang utak sa pinakataas, batas
Ang siyang naatasan mamahalang likas
Ang preno ng rumaragasang damdamin
Ang presintong kulungan ng wasak na
layunin
Ang puso sa kabilang banda ay sa ibaba
Ang rebeldeng madalas kontra sa
pamamahala
Galit ang armas, kalungkutan ang kalasag
Hukom sa awa, sa pag-ibig ay laging bihag
Magandang gabi mga Ginoo at Ginang
Masdan ang likhang aba sa inyong harapan
Ang likhang perpektong resulta ng
imahinasyon
Ang likhang kailanman ay hindi naging
solusyon
Sa pagkakamali ay iyong tatanggapin
Ang sakit at mga sugat na kaylalim
Sa pagtayong muli sarili ay hatakin
Pagka't walang obra ang hihigit pa
kung ikaw ang tanawin
maybe the night / ben&ben
Does it truly exist
A love so real
A love that makes you feel
No guilt, no doubts
As pure and as clear
As the skies above you
So kind, so true
That you'll discover within you
The better person, the best person
That was there all along
Does it truly exist?
sketch and color practice with what my thesis would’ve looked like if i actually wanted to try really hard
Likha
Paano pang ngingiti ng wagas
Kung alam na mundo ay hindi patas.
At sa pighati ay wala din namang takas
At susukating paulit-ulit ang iyong tatas.
Paano pa magmamahal ng lubos
Kung mawawalang saysay ang mga kilos
Dahil ang tulad ko ay sadyang nalalaos
Sa tibay ng pader, damdami'y di makatagos.
Paano kang aawitan ng pagsuyo
Kung puso mo'y patuloy na ilalayo
Kundi hinahayaan na magkakilala tayo
Paano pang ang kwento natin ay hahayo
Paano ba akong makalilikha
Ng isang magandang obra o tula
Kung tuwing lalapitan ka'y mawawala
Inspirasyon ko'y saan pa magmumula?