Gigising sa umaga , maghihilamos , kakain , maghuhugas , magluluto , mag eehersisyo , maliligo , manonood , mag Internet , matutulog . Repeat. Ganto nalang ba ang buhay natin ngayon? Hindi ka ba napapagod?
May mga taong okay lang sa paulit-ulit na gawain , mayroon namang hindi. May mga taong sanay na nasa bahay lang, nagtatrabaho sa bahay at mayroon namang hindi makapag trabaho dahil wala silang magawa dahil bawal umalis ng bahay. Kanya-kanyang proseso para makayanan, kanya-kanyang gawain para malibang, kanya-kanyang diskarte para lang mabuhay.
May mga taong totoo ang kanilang sinasabi na ‘okay lang ako’ meron naman iba , ang salitang ‘okay lang ako’ ay ibig sabhin , hindi masyadong okay pero kinakaya, meron namang iba na ginagamit lang ang mga salitang ‘okay lang ako’ para takpan ang kanilang pagkalumbay, dahil alam nila na kailangan sila ng mga mahal nila sa buhay o di kaya naman iniisip nila na magsilbing malakas para sa mga taong nalulungkot din o baka siguro yun ang paraan nila para makatulong dahil hindi lahat kayang kontrolin ang emosyon, ang pagkalungkot lalo na sa kinakaharap ng mundo ngayon. Ikaw, kamusta ka? sana ikaw yung taong hindi masyadong okay pero kinakaya at lumalaban :)
Mahigpit na yakap ara sa mga estudyante na dapat ngayon ay magtatapos na sana at gustong makapag marcha ngunit hindi magawa dahil sa krisis ng buong mundo, Pinagkakait man tayo ngayon pero matatapos din ang gulo, iikot din pataas ang mundo. Ang mahalaga ay makakapag tapos padin tayo. Pag naging maayos na ang lahat, sana’y magdiwang padin dahil karapatan ng mga estudyante na bigyan ng regalo ang mga sarili , mga magulang dahil pinaghirapan ito.
Anong meron? wala naman , ilan lang yan sa mga naiisip ko sa panahong ito, ilan lan yan sa mga kaganapan ngayon, madami pa pero yan nalang muna sa ngayon.
Para sa lahat , isang mahgpit din na yakap sa atin. Malalagpasan din natin to. Kapit lang tayo . iikot din pataas ang mundo. ♥