Ikaw at ang Salamin (an elegy/isang elehiya)
Mangungulila sa iyo ang salamin.
At sa mga oras na wala ka na,
wala narin itong saysay
sapagkat kayo ang perpektong tambal.
Ikaw ay para sa kanya at siya ay para sa iyo.
alang-alang sa supling na inyong binuong
may tulad ng wangis at hawig,
Para sa kaparis,
na imahe na iyong iniwan,
Kalaunan ay mawawala narin sa salamin
Tulad ng paglisan ng init ng iyong katawan.
Kaya’t lamig, ang hamog sa salamin,
tangi mo’ng maiiwang ala-ala.
Ang mga sikreto,
ang lihim ng tikom mong bibig,
mananatiling nakatago sa pagitan
ng lamig nitong bubog, ay makakalimutan.
At tulad ng tulang ito na
ibubulong ko sa harap ng ulilang salamin,
ako ay lilipas ring namamaalam
sa nakatingin.
.
.
.
by of the Sea of Bitter
-We were told to write an elegy, and I don’t know anyone to write about so I wrote one for myself. This is not out of vanity that I wrote about missing myself. It’s my thoughts, I’m thinking about how my thoughts would miss( in the form of a mirror) when I’m gone. I’m thinking if they would remain or they would come with me as I am buried or burned.













