Nakikita mo yan? yan ung picture na sinend mo sa email ko na may subject na “Big bro 5Ever” kasi sabi mo non walang forever kaya “5ever” kamo tayo kasi wala tayong iwanan. pero anong nangyari?!
napaka korny non, pero di ko binura yan sa email ko, nandun lang. di ko din sinave kahit saan, basta nandun lang sya nakatambay. hangang sa dumating ung panahon ngayon na eto, nas tumblr na ung picture natin, at ginamit ko pa sa di ko gustong paraan.
eto ung unang beses na nagkita tayo, di ko alam kung matutuwa ako nun o kung maaasar, di mo kasi sinabi na di ka pala pumasok sa work mo para lang makapagkita tayo. kung alam ko lang dapat sa ibang araw nalang. nakapa “weirdo” ng personality mo. lalo na nung nag drawing ka ng smiley sa daliri mo sabay sabi ng “hi big bro”
alam mo ung reason bat ako nakipag kita sayo nun? para mapatunayan ko sa sarili na di tayo mag kahawig. pero putangina! nagulat ako nung nakita na kita. kahit ako iisipin ko na kapatid nga kita.
di ko makakalimutan ung gabi na nag overnight tayo. lasing na yata tayo nun. tas bigla kang lumipat sa kama ko, siniksik mo ung sarili mo sakin at sinabi mo “Dyan ka lang”... gusto sana kitang itulak pero nakatulog ka na, kaya hinayaan ko nalang.
eh yung pinag lakad mo ko ng 100 kilometro papuntang Bambang mula Bluementrit? dinaan mo ko sa kwento mo kung gaano ka “awesome” ang lola mat kung gano ka ka sutil nung bata ka a pati na din kung gano ka nya ka favorite.
nakakinis kasi hindi mo manlang ako hinintay ulit umuwi, binalikan ko ung messages natin sa Facebook, sinabi ko naman na nasa pinas ako non, bakit di ka nag yaya?! bakit di ka nag pakita?!
alam mo ba na uuwi talga ako sa isang linggo?! alam mo ba na dapat mag kikita ulit tayo? alam mo ba na sobrang na babadtrip ako sayo?! na sobrang naiinis ako!!!
akala ko ba sa susunod na uwi ko sasama mo ko sa trekking nyo?! akala ko ba aakyat tayo ng bundok dahil sabi mo sobrang “liberating” ung pakiramdam? pano na un? wala nalang?! ha?!
Tangina Raf, ano nangyari sayo? anong nang yari sa “Big Bro 5Ever” mo?! anong nangyari sa walang iwanan, anong nangyari sa walang kalimutan?! alam mo na kahit anong mangyari, ultimo pag pili mo ng parts ng computer, hangang sa gamot sa sipon, ubo at pati pag pili mo kung anong wax ang maganda sa buhok kinukunsulta mo sakin. pero eto? ano to? bakit pinalagpas mo to?!
tas biglaan ka nalang mag dedeactivate? akala ko non may naka away ka lang o parte lang ng pagiging emo mo yang pag dedeactivate na yan. pero para pala di namin malaman kung anong nangyayri sayo! napaka unfair mo Raf!
napaka unfair mo sa amin! sobra!!
Alam mo sabi ko sa sarili ko, baka ginoggod time mo lang ako, o baka nang popower trip ka lang at pinalabas mo lahat ng to. pero muntik na sumabog dibdib ko nung pinakita na nila sakin ung isang bilog na parang lata... nakasulat ung birthday at pangalan mo...
lil bro, bakit?!! yan pa din tanong ko sa sarili ko. bakit ikaw?! bakit hindi nalang ung mga masasamang tao dyan. putangina andaming pwedeng mamatay bakit ikaw pa? di ba mag tatapos ka pa? diba usapan natin na di ka titgil hangang hindi ka nagiging engineer?! bakit di ka tumupad sa usapan?! bakit bigla mo nalang sinukuan....
ayoko munang tangapin ngayon lahat. isipin ko nalang na panaginip lang to at bukas ok na ulit ang lahat. na isang araw mag popop-up nalang ulit ung chat box mo na nangangmusta ka o may excited kang ibalita na kung ano man. kasi alam ko nandyan ka lang. alam ko na di ka basta basta mawawala.
sige na lil bro. naasar pa din ako sayo, ang haba na nito. hindi na ko sanay mag blog tulad ng dati. pasensya na. paguwi ko, pupuntahan kita. andami ko ikkwento sayo. ikaw naman ang makinig dahil kahit di na kita makikita ulit. ikaw lang ang nag iisang lil bro ko...