Para sa mga nagmomove-on..
Alam ko nasaktan ka, kaya dapat yun yung gamitin mong motivation para patayin yung natitirang pagmamahal para sa taong nanakit sayo.
Okay lang magpaka-emo, okay lang umiyak gabi-gabi, okay lang maglasing, okay lang gumimik at lumandi, okay lang magalit. Sige lang, ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo, huwag mong itago. Pakawalan mo na yan.
Naiintindihan ko kung natatakot kana ulit magtiwala. Pero sana huwag mo itulak palayo lahat ng taong nagmamahal at gustong magmahal sayo, hindi naman lahat sasaktan ka. Matututunan mo din magtiwala ulit.
Sana pagkatapos mong ilabas lahat ng hinanakit mo, matutunan mong magpatawad. Sa sarili mo, kasi hindi mo naman kasalanan yung nangyari, hindi ka nagkulang, sadyang hindi lang talaga kayo para sa isa't isa. At sa mga taong nanakit sayo. May plano si God para sa ating lahat, magtiwala ka lang sa Kanya.
Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mong bumangon ulit. Na maaayos mo din yung sarili mo. Hindi man ngayon, pero balang araw magiging maayos din ang lahat. Dapat hindi ka mawalan ng pag-asa, ayusin mo sarili mo, ayusin mo yung buhay mo.