Girls tandaan, dapat kahit mahal mo marunong ka pa ding magpreno sa nararamdaman mo. Bababe ka, hindi ikaw dapat yung naghahabol, hindi ikaw dapat yung nagpapagod, at higit sa lahat dapat hindi mo akuin lahat ng sakripisyo.
(d.g)
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from Singapore

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from Canada

seen from Germany

seen from United States
seen from United States
seen from T1
seen from Singapore

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
Girls tandaan, dapat kahit mahal mo marunong ka pa ding magpreno sa nararamdaman mo. Bababe ka, hindi ikaw dapat yung naghahabol, hindi ikaw dapat yung nagpapagod, at higit sa lahat dapat hindi mo akuin lahat ng sakripisyo.
(d.g)
Tell her you love her.
This Is Your Sign
Yung kahit paulit-ulit ka nalang niyang sinasaktan, gusto mo pa din siya, pinipilit mo pa din yung sarili mo sa kanya. Bakit? Hindi mo pa din ba maintindihan na hindi ka niya kayang mahalin? Ilang beses ka pa ba dapat masaktan bago ka matauhan?
(d.g)
Sa isang relasyon okay lang naman na madami kayong pag-aaway, madami kayong hindi pagkakaintindihan at kung anu ano pa. Ang importante hindi niyo sinusukuan ang isa’t isa. Sa bawat problemang dumadating sa inyo palagi kayong nanjan para sa isa’t isa, nakaalalay at sinusuportahan niyo ang desisyon ng isa’t isa. Okay lang yan kahit kabikabila yung problema niyo, kahit minsan nakakapagod na kasi paulit-ulit nalang yung mga nangyayari. Pero huwag niyong sukuan ang isa’t isa dahil lang sa mga problema. Huwag niyong isuko ang pagmamahalan niyo para lang sa mga bagay na panandalian lang. Kayanin niyo lahat ng pagsubok na ibibigay ng Diyos sa inyo kasi yan yung magpapatibay sa relasyon niyo. Tandaan niyo, walang problema ang hindi nadadaanan sa dasal. Manalig lang kayo, konting sakripisyo lang, malalampasan niyo din yan ng magkasama.
To anyone who is reading this
Dear you,
I don’t know your name (or maybe I do). I don’t know your personality and attitude. I don’t even think we are friends. But I would like to thank you for following my blog even though it is just a compilation of my thoughts. I don’t know your personal life and your story. I don’t know your exact location but I would like to tell you something. You are precious. You are awesome. You are a beautiful human being and don’t ever think that you are not. God worked so hard on you so learn to love yourself. Never let anyone bring you down. Always believe in yourself. I love you and you should know that. If you have a problem, if you need someone to talk to, always remember that I’m here. I may not give you a good advice but I promise that I’ll always listen. :)
Love,
Me ♥
Kadalasang nangyayari ‘to sa mga babae. Minsan kasi nagiging dahilan ang “awa” kaya sinasagot na lang ng babae ang manliligaw niya. Para na lang ring napilitan. May mga babae kasi na natatakot na tanggihan ang mga nanliligaw sa kanila, nahihiyang sabihin kung ano talaga kaya nakakaranas sila ng mga pagkakataong tulad nito. Okay lang sana yun kung aasa kang may mabubuong feelings kapag kayo na. Pero paano pag wala? Paano kung hindi? Parang pinaasa mo na lang din yung tao. Tandaan mo, masarap magkaroon ng boyfriend lalo na yung mahal na mahal mo talaga, hindi yung naging kayo lang dahil naawa ka sa kanya. Pwede mo namang tanggihan sa mabuting paraan, pwede mong sabihin na wala ka talagang nararamdaman, hindi yung oo ka ng oo, magiging kayo nga pero wala namang pagmamahal.
Huwag mong pilitin yung sarili mo na makalimot, kasi mas lalo mo lang siyang maaalala, mas lalo ka lang masasaktan, at mas lalo ka lang mahihirapan. Give yourself enough time to heal.
(d.g)
Huwag kang magpapaapekto sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao sayo.
Mas kilala mo ang sarili mo, kaysa sa kanila.
Kung talagang wala ka namang ginawang masama sa kanila, wala kang dapat ipag-alala.
Hindi mo kailangang makipag-away sa iba para lang mapatunayan na hindi totoo yung sinasabi nila sayo. Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan.
Kung ayaw man nila sayo, madami pa namang taong nagmamahal sayo, si God, family mo, at mga kaibigan mo.
Gawin mo pa din yung mga bagay na makakapagpasaya sayo, huwag mong hayaang diktahan ka nila kung ano lang yung mga gagawin mo.
Buhay mo yan. Ikaw magdedesisyon kung ano yung gagawin mo jan. Maikli lang ang buhay kaya dapat kung ano yung makakapag pasaya sayo, yun yung gagawin mo.