Pauwi na ako galing sa eskwelahan at naalala kong mayroon palang ikaw. Naalala ko iyon na kakakilala palang natin at nainlab na agad ako sa'yo. Tangina mo e! Tapos iiwan mo lang pala ako. Pakingshit. Nakakalungkot lang pero ganoon pa din, siklo ng buhay, magmahal, iiwan, mub on ng mga kinginangina ob da mama citas. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon na ganoon tayo kalapit sa isa't-isa. Hindi mo alam, walang malisya sa iyo, wala din sa akin, saya lang ang meron.
Subalit ngayon, parang wala nalang, masarap ngang alalahanin pero wala na talaga. Parang ibang tao nalang ang gumanap para sa atin at kinakikiligan ko nalang ang mga pangyayaring iyon. Ni-hindi mo na nga din ako friend sa facebook. Dahilan kasi ng ipinalit mo sa akin. Hindi ko na din alam kung paano tayo nagsimula, pero naaalala ko pa rin kung paano tayo nagtapos. Parang ano.. leksyon na din sa akin na, ganun na nga, wala talaga. Malay ko bang gan'on ang kalalabasan?
Lumayo nang tuluyan ang mundo natin dahil sa bago mo, kahit friends, potah, wala! Masyado kayong seryoso sa buhay, parang kayo na forever, kainin niyo forever niyo. Hindi ako bitter, pero wala, paano ko ba sasabihin 'to? Hindi, basta, hindi ako bitter. Walang patutunguhan ang pagiging bitter ko, kung sakali ngang bitter ako.
Sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, hindi masakit, hindi rin masarap. Parang wala ka nalang sa buhay ko, di tulad dati na kayang-kaya mong baguhin sa isang iglap. Siguro'y narating ko din ang nobenta'y nueve porsyento ng puso mo. Kahit nga noong ilang buwan lang ang nakakalipas, parang.. tayo pa din. Tangina mo! Tama nga na masarap ang sinasabi nilang bawal, ang bawal na pag-akbay. Kinakausap kita pero may boypren ka na. O sige, dito nalang.
Sana hayskul nalang ulit ako, sana pwede akong gumising nang mas maaga kesa ngayon sa tatlong taon kong paghihirap sa'yo. Sana pwede din akong gumising at malamang ang buong tatlong taon din na iyon ang isang panaginip lang. Sana pwede kong maiwasan ang mga pagkakamali sa tinahak kong daan. Sana hindi nalang. Pero hindi na, ito nalang ako, mag-aaral para sa sarili, at maaari ding para sa iba pang mamahalin ko. Masaya na ako dahil tanggap ko na, wala na, at meron pang iba. Malinaw na sa akin ang papel ko, dito nalang ako, papunta sa iba, at ikaw papunta sa minamahal mo. Dahan-dahan kong lilisanin ang alaala ko bilang isang taong minamahal mo, dito nalang ako.