Siguro nga, ang puso ang pinakamatibay na bahagi ng katawan: naghihilom kahit madalas masugatan, nagkakalamat pero hindi nababasag nang tuluyan, napapagod pero patuloy na nagmamahal.
-Jerry B. Gracio
seen from Australia
seen from Libya
seen from Australia

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Australia
seen from Norway
seen from China
seen from China

seen from United States

seen from Australia
seen from Türkiye

seen from Australia
seen from Germany
seen from China
seen from Australia
seen from United States

seen from China
Siguro nga, ang puso ang pinakamatibay na bahagi ng katawan: naghihilom kahit madalas masugatan, nagkakalamat pero hindi nababasag nang tuluyan, napapagod pero patuloy na nagmamahal.
-Jerry B. Gracio
Kinabukasan, iniisip ko pa rin ang nagdaang
ulan. Nais kitang tawagan para itanong ang
mga dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa
ating usapan. Gusto ko sanang sabihin mo
na nakatulog ka lang dahil napagod ka no’ng
nagdaang araw; o nasira ang alarm, hindi
ka nagising; o nagising ka nang biglang
umulan. At dahil bumaha, di ka makatawid
sa tulay na nag-uugnay magmula sa iyo,
papunta sa akin. Pero maiisip kong wala
namang tulay na dapat tawiran; baka di
totoo ang mga nagdaan, pati na ang ulan.
--
Jerry B. Grácio, Hindi Bagay (Visprint, 2018)
"Hindi umiibig ang hindi natatakot."
Jerry Gracio
"Pero hindi masaya lang ang pag-ibig, ipinadarama sa atin ng pag-ibig ang buong lawak at lalim ng emosyon na kayang maramdaman ng tao: saya at lungkot, ligaya at lumbay, sarap at sakit, pagkamangha at takot, luwalhati at dalamhati."
Bagay Tayo, Jerry Gracio
Hindi naman masamang presidente si PNoy di ba? Pero hindi rin mabuti. Hindi siya mainit, pero hindi rin malamig. Hindi bobo, pero parang hindi rin matalino. Presidente siya, pero parang hindi. Matatapos yata ang termino ni PNoy na walang ibang isinusulong kundi RH Bill.
Jerry Gracio
CALL FOR AUDITIONS for "BOLA", today, July 3, 2011, 1-5 pm at Music 21 Plaza, Timog cor Sct. Tobias, QC. For male, 18-25, at least 5'10", willing to go sexy. A Roberto Jose Yap production of a Jerry B. Gracio script. Lem Lorca directs.
Tigmamanukin
“Hayo na tigmamanuquin, Honihan mo nang halinghing. “ –Vocabolario de la lengua Tagala
Humuni ng labay ang tigmamanukin at hindi ito narinig agad ng Pangulo, ang narinig lamang niya ay ang tilaok sa banát na lalamunan ng manok.
Umabot ang huni sa labas ng palasyo. Kayâ agad na nagpulong ang mga paham, nagpatawag ang mga pangunahing pamantasan ng mga komperensiya at palihan. Binusisi ng mga musikologo ang estruktura ng labay. Sinuri ng mga makata kung ang panawagan ay nasa pantigan, tudlikan, o tugmang dalisay. At matapos ang mga balitaktakan gamit ang mga teorya mula sa silangan at kanluran, nagbunyi ang mga pantas dahil sa pagkabuhay ng awiting-bayan na matagal nang patay, at agad na nagpetisyon sa Unesco upang ideklara ang labay bilang isa sa mga Obra Maestra ng Pamanang Oral ng Sangkatauhan.
Ngunit nasaan na ang tigmamanukin?
Narinig ng tigulang na babaylan ng palasyo ang huni ng tigmamanok. Hintatakot siyang nagbangon at nagtungo sa Pangulo. Binasa niya ang laman ng labay at hinulaan na lilindol sa buong kahabaan ng Marikina fault; babangon ang tsunami sa gitna ng Pasipiko at lulubog ang 107 sa 7,107 pulo; muling puputok ang Pinatubo; uulan ng mga tipak ng yelo na sinlaki ng Malacañang.
Natigalgal ang Pangulo. Ngayon lamang niya natanto na ang tigmamanok ay hindi manok; ang labay ay hindi tilaok. Agad niyang inatasan ang mga bantay sa palasyo na hulihin at ikulong ang tigmamanukin.
Nagpatuloy ang ibon sa paghuni ng labay.
Nagkagulo ang mga paham sa pag-uunahang maitalâ at madukal ang mga bagong karunungan. Hindi makatulog ang babaylan sa mga bagong hula-apokaliptiko at abismal.
Sa katiwasayan ng buong bayan, nagpas[i]ya ang Pangulo na tapusin na ang sumpa ng labay.
Sa pulong ng gabinete nang araw na iyon, ang tanghalian ay tinola na pinaghalong manok at tigmamanukin. Pagkahigop sa sabaw, ang gabinete at Pangulo ay nagsitilaok ng labay.
-Jerry Gracio, Makata
BONGBONG FOR PRESIDENT
Ni: Jerry Gracio, isang makata.
Kababasa ko lang ng mga sinabi ni Bongbong na kesyo kung hindi napatalsik tatay niya, malamang Singapore na tayo ngayon. Nag-iinit ulo ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili na isulat itong note na 'to. Posible nga siguro ang sinasabi ni Bongbong. Baka nga naging Singapore na tayo kung presidente pa rin si Makoy. Hindi ba naging Singapore ang Singapore dahil diktador ang dati nitong presidente? Parang tatay niya. Diktador din. Huwag niyang sabihing hindi, kakaltukan ko siya.
Ang lakas ng loob ni Bongbong na magsalita para ipagtanggol ang Tatay niya. Samantalang ang dapat sana niyang gawin ay tumahimik. O mas makakabayad siya sa utang ng pamilya niya sa bayan kung noon pa, nag-seppuko na siya. Pero hindi nga pala samurai si Bongbong. Anak siya ng isang pekeng heneral at bastardang nanay. Dumadaloy sa dugo niya ang dugo ng isang diktador na kawatan. Kaya wala siyang karapatang mag-seppuku dahil para lamang ito sa mga samurai.
Ang pinakamalaking problema natin ay isang bayan tayo na napakaikli ng memorya. Nakalimutan na natin lahat ng kabulastugan na ginawa ng mga Marcos. Patay na kasi si Marcos. At sa ating kultura, masama ang magsalita laban sa patay. Kaya nga mabait na si Angelo Reyes. Kasi patay na. Binubura natin ang kasalanan ng isang tao kapag namatay siya. Kaya pag nagbasa tayo ng textbook sa elementary at high school, mababasa natin ang deklarasyon ni Marcos ng Martial Law, ang diktadurya. Pero mababasa rin natin na sa panahon ni Marcos, marami ang naipagawang kalsada. Kaya akala tuloy ng mga bata, okay lang magkaroon ng diktador dahil mas gumaganda ang kalsada kapag diktador ang presidente.
Pero ayokong isisi kay Bongbong ang lahat. Kasalanan din talaga natin. Ang hilig nating magmalaki na mapayapa ang EDSA. Hindi madugo. Iyon siguro ang problema. Ayaw nating magbuhos at magtigis ng dugo natin o dugo ng iba. Pero masyado nang marumi ang bayang ito. Mukhang kailangan na nating magbuhos ng dugo para malinis ang lahat ng karumihan ng bayan. At hindi ang dugo natin ang dapat ibubo. Dapat ibubo ang dugo ng mga Marcos at ng lahat ng mga sumunod sa kanya.
Nagawa sana natin ito sa Edsa. Naniniwala ako na dalawa ang mukha ng Edsa. Mapayapa iyong mga nasa Edsa mismo, may dalang flowers. Pero iyong mga nakapasok sa loob ng Malacanang, hindi kapayapaan ang nasa isip ng mga iyon. Balikan ninyo ang footage ng mga galit na tao na winawasak ang retrato ni Marcos sa loob ng Malacanang. Sigurado ako na kung naabutan lang ng mga ito si Marcos, malamang tinadtad na nila ang mga ito at itinapon sa Pasig. Kaya pasalamat si Bongbong dahil inilipad sila ng mga Kano papunta sa Hawaii. Hindi sana peaceful ang rebolusyon sa Edsa kung nag-stay lang mga Marcos sa loob ng Malacanang.
At kung sakaling napatay ang mga Marcos (o nahuli nang buhay at pinatawan ng summary execution sa Malacanang grounds), malamang matatakot na ang mga susunod na presidente na gumawa ng kabulastugan. Malamang, nahugasan na ang 20 taong dumi na iniwan ng diktadurya.
Pero hindi nga iyon ang nangyari.
Minsan tuloy, gusto ko nang maniwala na para sa upper at middle classes lang ang Edsa. Etsa-puwersa sa Edsa ang mga lower classes. O baka iyong mga nasa Malacanang na handang pumatay ang lower classes. Ang middle class kasi madaling mandiri sa dugo. Ayaw ng violence. Hindi tulad ng mahihirap na nasanay na sa araw-araw na karahasan kaya kung may pagkakatao din lang na gumanti, gaganti at papatay. Sabagay, talaga namang elite ang pomustura sa Edsa. Nawala kasi ang progressive na puwersa, lalo na ang left. Boycott nga kasi at that time, hindi ba? Kasi sabi ni Joma, ang rebolusyon, dapat sa kanayunan manggaling. Kaya nang mag-alsa sa Edsa, etsa-puwera ang left. Anyway, complicated na topic ito. Si Bongbong muna--
Dahil mapayapa ang Edsa, nakabalik tuloy ang mga Marcos. Senador na ngayon si Bongbong. Congreswoman si Imelda. Nasa politika ang iba pa niyang mga kapatid, pinsan, etc., etc.
Dahil hindi natin pinatay nang tuluyan ang mga Marcos, sinundan sila ng mga Arroyo, Bolante, Garci, Garcia. Kaya hindi rin ako magtataka kung maging presidente si Bongbong sa 2016. At lalong hindi ako magtataka kung si Kris ang kanyang magiging running mate.