Ang candid lang ng shot na 'to. Ewan ko pero itong babaeng to ay isa sa mga taong sobra kong mahal. Hindi ko lang talaga ma-express pero sobra. Akala mo masaya siya. Tawa ng tawa pero malungkot. Parang ako lang. Kaya nga gusto ko 'to kasama e. Sasabihin ko masaya ako tapos kapag sinabi ko na sadsadsad ako sasabihin niya na malungkot din siya.
Grace Day ngayon! Hindi 'to naka-schedule ah. Wala lang talaga siyang kasama ngayong araw kaya napag-desisyunan ko na samahan siya hanggang sa umuwi siya. Gusto ko pa nga hatid sa sakayan kaso ayaw pumayag e at least nakauwi naman siya ng maayos. Marami kamng napag-ke-kwentuhan. Madalas, mga walang kwentang bagay pero masaya na kami dun. Mababaw e. Kanina tuwa ako sa voice record, akala ko 'di ko na-record no? Tuwa ako kasi sabi niya sa'kin. "Di kita iiwan" wala lang. First time ko kasi makatanggap ng ganun galing sa tao na sa personal niya sinabi e. Natutuwa lang ako. Hi Ate Grace! Mahal na mahal kita. Kapag college ka na 'wag mo ako kalimutan ah. Andito lang ako lagi. Di kita iiwan. Kelan ba kita iniwan? Since last year pa e. :) Salamat kasi ikaw talaga yung laging nakakaintindi sa'kin kapag wala ako mapag-sabihan at kapag wala si Kristine. Hi Tin! Basta, dito lang ako forever. :)











