Matulog para Magising
Matutulog akong muli
Kukunin ang malay-tao
Sa lalim ng panaginip
Doon ako ay tutungo

seen from Malaysia
seen from China
seen from China
seen from Australia
seen from United States

seen from Malaysia
seen from China

seen from United Kingdom
seen from China

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from India
seen from United States
seen from China
Matulog para Magising
Matutulog akong muli
Kukunin ang malay-tao
Sa lalim ng panaginip
Doon ako ay tutungo
MAYAMAN: JANSPORT
MAHIRAP: JAYSPORT
ang nasa baba, tumitingala. ang tinitingala ay tumitingala din.
Bakit kapag nasa isang estado tayo ng buhay na mas mababa e palagi nating nakikita ang mas mataas na estado nito. Gets mo ba? Parang ganito:
Bakit kapag mahirap ka, mas nakikita mo ang mga mayayaman.
Bakit kapag gutom ka, palagi kang nakakakita ng masasarap ng pagkain.
Bakit kapag wala kang pera, doon mo nakikita ang mga magagandang gamit o bagay.
Bakit kapag malungkot ka, halos lahat ng nasa paligid mo masaya.
Bakit kapag nag-iisa ka, halos lahat ng taong nasa paligid mo ay may kasama.
Bakit kapag pakiramdam mo walang nagmamahal sayo, doon naman makakakita ka ng mga taong nagmamahalan.
Palagi nalang natin nakikita ang kakulangan natin. Tama nga naman na hanapin natin ang mga kakulangang ito pero bakit sa tuwing mararamdaman natin na lubos na ang kakulangan natin, doon naman natin mas lalong nakikita ang mga kabaliktaran ng mga kakulangan natin.
Pero kapag nakuhan na natin ang kakulangang ito, bakit mas naghahanap pa tayo?
Kapag mayaman ka na, bakit gusto mo pa din dumami ang pera mo?
Kapag nakakain ka na ng masasarap na pagkain, bakit gusto mo pang pumunta sa iba't ibang lugar para lang malasap ang iba't ibang mas masasarap ng putahe?
Kapag meron ka ng magagandang gamit, bakit gusto mo pa din bumili ng mas mga bagong labas na gamit?
Kapag masaya ka na, bakit hindi mo nakikita ang mga nalulungkot?
Kapag may kasama ka, bakit hindi mo napapansin ang mga taong mag-isa?
Kapag may nagmamahal sayo, bakit hindi mo ipakita o suklian ang nararamdaman niyang yon?
Ang kabaliktaran nga naman ng buhay ng tao. Masyadong kumplikado at magulo. Walang kaligayahan. Walang katapusan.