May nakasabay akong matanda kanina paloob sa street namin, ang tanda niya na talaga. Mga 60-70 siguro pero nagtutulak pa rin siya ng kariton. Tas napatingin ako sa kanya tas parang napansin niya siguro ako tas kinausap niya ako. Tas sabi niya ang hirap nga daw maghanap-buhay. Sabi ko “oo nga po.” Tas nag-usap pa kami. Tinanong niya ako kung saan ako papunta, sabi ko pauwi nga. Bigla siyang tumigil tas hiningi niya palad ko. Sabi niya di daw magulo buhay ko or family ko, yung magiging trabaho ko sakto lang sakin tas magkakaron daw ako ng 4 ½ na manliligaw. Ang cute nga ni Kuya e. Tinanong ko siya kung pano niya yun nagawa tas sabi niya parang mission niya daw yun kay Mama Mary. Parang basta may nabanggit siya na 1985 siya unang nagsimula daw. Tas nagkwento ulit siya. Tas inulit niya yung sa hula. Wag din daw ako mag-aasawa ng lasengero. Kasi imbis na ipangkain sa anak, ibibili daw ng alak pa. Tas baka saktan pa daw. Tas sabi niya yung sa kanya daw malaki. Nung nakita daw ng asawa parang basta nagulat ata. Nagbigay pa siya ng advice(????) sakin na kaya daw naghihiwalay yung mag-asawa kasi daw maliit. Di daw nasasarapan ata term niya. Dapat daw pumili daw ako yung malaki daw. HAHAHAHA. Tas sabi niya sa kanya daw malaki tas kaya daw masarap. Grabe talaga. HAHAHA Sabi ko nga di ko pa yun naiisip. Tas siguro naramdaman ni Kuya nanaawkwardan ako sabi niya sige na nga daw. Basta parang meaning niya mauna na ako?? Tas nag-bye ako at God bless ata or Good Luck. Gusto ko nga siya tulungan kaso nahihiya ako e. :( Nakakahiya kasi tumulong. Ipagpepray ko talaga si Kuya. Ang bait niya??
Feeling masyado akong blessed nung nakausap ko siya. Hay. Idk why. Masyado kasi akong ano sa pera ngayon, pano ba. Kulang na kulang sa pera para sa hobby ko?? Tas siya ang hirap na hirap siya para lang kitain yung pera. Yung tibo bang ang pinoproblema ko kung pano ko iipunin 1k pambayad ko sa nendo, o pambili ng make-up or panggala lang. Pagkatapos siya, nagtutulak ng kariton na andaaaaming laman para lang mabuhay. Nakakaiyak kapag ganto. Pakiramdam ko masyado akong nagtatapon ng pera. Pakiramdam ko wala akong right gastusin yung pera ko para sa hilig ko kasi may iba dyan na sobrang kapos sa pera at hindi man lang makakain ng maayos. Nakakaiyak talaga. Feeling ko ang swerte swerte ko. Feeling ko ang useless ko kasi di ko sila magawang tulungan. Dafuq. I kennat na. :(