Ang nobelang ito na isinulat ni Jose Rizal ay nagsimula sa paglalakbay ng isang Bapor Tabo. Dito ipinakikilala si Simoun, Basilio at Isagani. Si Simoun, ang nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero ay ang bida sa Noli Me Tangere na si Crisistomo Ibarra. Taglay nito ang poot at layong makapaghiganti upang maligtas si Maria Clara sa kumbento. Siya'y naglunsad ng mga plano uoang pahinain at bulukin ang pamahalaan para maging sanhi ng isang himagsikan. Kabilang si Basilio sa mga masinop at lihim niyang kinuntsaba.
Ang kauna-unahang balak niya'y manhumagsik at manggulo ng isang pulutong. Sa kasamaang palad, lahat ng planong ito'y hindi natuloy sapagkat nalaman niyang patay na si Maria Clara. Ngunit hindi nawalan ng lakas si Simoun. Patuloy siyang nagpaplano. Nagkaroon siya ng pagkakataon sa kasal ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez kung saan dadalo ang lahat na makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito'y nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis niyang inihagis sa ilog ang lampara.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.












