Maniwala Kayo, Laking Pakinabang Nito sa mga bata.
Ang kaunlaran ay mahirap naman talagang matamasa kaya sinisikap ng pamahalaan na maghanap ng mga paraan upang matamo ang inaasam. Sa kasalukuyan, may mga napagplanuhan na ang pamahalaan tulad ng K-12 na ang layunin ay maiangat ang kalidad ng edukasyon, kaakibat nito ang umuusbong na kaalaman sa teknolohiya na kung tawagin ay COMPUTER LITERACY. Ang Computer Literacy ay ang kakayahang gumamit ng kompyuter at ano pa mang pagkilala sa pag-unlad ng teknolohiya na maaaring magamit sa produktibong paraan.
Ngayon, masasabi na ang mga kabataan ay mabilis matuto sa paggamit ng kompyuter kaya isinusulong ng pamahalaan ang pagdagdag kaalaman sa pamamagitan ng Computer literacy. Kapag ang isang kabataan ay natutong gumamit ng kompyuter ay tulad na rin ng pagkatutong makapaghanap ng trabaho dahil sa kasalukuyan, may mga hanapbuhay ay kinakailangan na ng modernong paraan ng pamamalakad tulad ng pagsusumite ng Résumé sa mga kompanya at iba pa. Malaki ang tulong ng Computer Literacy sa isang bansa lalo na ang kompyuter sa kasalukuyang panahon ay isa sa mga pangunahing pangangailangan na tumutulong sa pag-unlad ng bansa kung mataas ang antas ng kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Siguradong malaki ang tulong nito sa mga kabataan para sa kanilang pagiging produktibo at pagiging pakipakinabang. Sa mga pangyayari ngayon sa Pilipinas, masasabi na marami nang paggagamitan ang Computer Literacy tulad ng paggamit ng ATM sa bangko, Pagboto gamit ang Automated machine, paggawa ng mga transaksyon sa mga pamilihan, pagsusumite ng mga kakailangan gamit ang internet. Maraming gamit at maraming mabuting epekto ang pagkatuto sa paggamit ng kompyuter. Hindi lamang sa kakayahang makapaggamit ng kompyuter ang malalaman ng isang kabataan, matututo rin siyang makapagbasa ng mga nasa iba’t-ibang panitikan gamit ang kompyuter, matututo rin silang makapagsalita ng ibang wika na maaari nilang magamit sa kanilang pakikipag-usap sa mga banyaga. Maaanyaya ang mga estudyante na mas matuto pa nang marami kapag may mga matutunan sila sa pamamagitan ng kompyuter. Walang katapusan ang hatid na pag-asa sa kaunlaran ng Computer Literacy.
Tunay na mahalaga ang Computer Literacy at dapat bigyang pansin ng pamahalaan ang mga bagay na kaugnay dito. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata sa mga susunod pang henerasyon kung isa ang Computer Literacy ay isa sa mga mamamayagpag sa kasalukuyan at sa hinaharap sa edukasyon ng bansa.
AT DoTA Players din pala.