My friends used to tell me; "Ang tagal na. 4 years. 4 years na kayong wala. Grade 6 to 1st yr pa yan. Move-on move-on din pag may time." And yes, I do have to agree with that. It's been 4 years. 4 dreadful years. And honestly, kahit ako, I don't know why. I don't know kung bakit hanggang ngayon I still feel the same way. I don't know kung bakit hanggang ngayon ikaw pa rin. Kung bakit hanggang ngayon I still miss you, I still love you. At higit sa lahat, kung bakit hanggang ngayon umaasa pa din ako. Does it make me weak kasi hanggang ngayon, mahal pa din kita? No. I don't think so. In fact, I've never been this brave. Kasi kung mahina ako, sana hindi ko kinaya na mawala ka. Pero kinaya ko. Kahit masakit at malungkot, kinaya ko. But I know they will never understand. Kahit ikaw alam kong hindi mo naiintindihan. Di niyo naman kasi nararamdaman ang nararamdaman ko. Eh kahit nga ako, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.I know I should have told you everything that day, pero how can I? How can I tell you that I still love you without looking and sounding like a fool? How can I ask the questions I longed to ask?Matatanggap ko ba mga sagot mo? Matatanggap ko ba mga dahilan mo?Matatanggap ko ba yung sagot mo kung bakit si Alianna pa?Kakayanin ko bang pakinggan lahat ng isasagot mo nang hindi umiiyak?Kakayanin ko pa bang magpanggap na okay na ko kahit hindi naman talaga?Kakayanin ko pa bang ngumiti kahit ang sakit sakit na at gusto ko nang umiyak?Siguro nga there are things that are better left unsaid. Parang akong tanga dito. Type ng type para sa wala. Type ng type kahit kailan alam ko namang di mo mababasa, di mo malalaman. But maybe this will make me feel okay. Dito ko lang kasi kayang ilabas lahat.I know na okay ka na ngayon, na naka move-on ka na. And honestly, I'm glad to see you happy. I do see some of your posts and tweets. And I know you're already in love with somebody else. Well, she better realize how lucky she is. I hope that she'll treat you the right way. That she'll loved you with all her heart. That she'll fight for you. I hope na gawin niya lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa.She's a very very lucky girl because you're a great man and definitely a great boyfriend. I know, because I've had you and you're the best one I've ever had. And, I guess you'll always be. If I could only bring back the time. I wouldn't have done everything that I've done.And believe it or not, I wanted to stop you from walking away. Seeing you walk away was the hardest thing to see. It killed me. I wanted to fall. I wanted to cry. But I have to keep my feet on the ground and fight for myself. Sabi nila, kung mahal daw talaga kita dapat pinigilan kita. Pero how? Di ba if you truly love someone, hahayaan mo siya kung san siya masaya? You wanted to walk away, so hindi kita pinigilan. Kasi gusto kong maging masaya ka. Kahit pa ang ibig sabihin nun eh iwanan ako. Besides, kung pinigilan kita, papapigil ka ba? Hindi din di ba? Aalis ka pa din. I know, kasi sinubukan ko naman eh. Di ko lang nasabi ng direct pero sinubukan ko.How do I unloved you?Naiinggit ako. Naiinggit ako sayo. Sana kaya ko din. Sana kaya ko na ding tignan ka at pansinin nang wala na kong nararamdaman pa. Sana kaya kong maging okay na ulit. Sana kaya kong magmahal na ulit. Sana kaya ko nang gumising sa umaga at matulog sa gabi na hindi ka iniisip. Sana kaya ko nang matulog sa gabi na hindi umiiyak. Sana marinig ko na rin sa mga kaibigan ko na "okay ka na" katulad ng sinasabi nila sakin na "okay na siya" kapag nakikita ka namin. Sana kaya na kitang kalimutan.Ano nga ba? Ano nga bang nangyari sa "Forever" mo? Sa "Forever" natin? Anong nangyari sa bahay na green sa Corinthian Hills? Anong nangyari kanila Rhein Marky, Mark Angelo, Jamina Mavin at Rachel Maive? Umasa kasi ako. Madami man akong naging crush nung tayo pa, at the end of the day, alam kong ikaw pa rin. Ikaw lang. Kaya nga siguro nung nawala ka, kinailangan kong baguhin lahat. Yung pangarap ko, yung dream job ko. Kasi kung pinagpatuloy ko yun, alam kong maalala lang kita. Masasaktan lang ako.Sa totoo lang, masaya kong nakikita ka na unexpected. Pero masakit. Masakit na makita na okay ka na, habang ako hindi pa. Masaya na makita na yung taong napakachildish noon, ang mature na ngayon. Pero masakit din kasi alam kong malabo na makasama ko ulit yung taong yun. Kung kaya ko lang pilitin ka para bumalik, ginawa ko na. Bakit mo ba kasi ako iniwan? Bakit kung kailan handa na kong magpakamature? Binigay ko naman lahatj eh. And yes, maybe hindi kita minahal sa perfect na paraan o sa gusto mong paraan pero minahal kita sa paraang alam ko. Sa paraang kaya ko. At sa paraang di ko ginawa sa iba at hindi ko na gagawin pa sa iba.Paano ba mag move-on? Paano ba maging okay? Paano ka ba kalimutan? Di ko na kasi alam kung ano pa pwedeng gawin. Ginawa ko na lahat at kung kailan akala kong okay na ko, na wala na, isang kita ko lang sayo wala na nanaman. Wala na ulit. Hindi na ulit ako okay. Masakit na ulit. Tanga na ulit ako. Gusto at ayaw kitang makita. Gusto ko dahil gusto ko na makita na okay ka na. Na masaya ka na. Ayoko kasi masasaktan na naman ako, babalik na nanaman ako, maiinggit na nanaman ako. Oh God, what to do? Di ko na alam. Hanggang kailan pa ba? Hanggang saan pa ba?I just wanna be okay. And I will be. Someday, magagawa ko na din yung mga ginagawa mo. Yung mag "Hi" at "Bye" sayo. Yung tignan ka na okay na ko. Siguro medyo matagal pa, pero at least, someday makakaya ko na din.Well, I guess this is really goodbye. Sana ngayong nalabas ko na lahat, maging okay na ko. Maging masaya na din ako. Sana hindi na ko umasa. Sana hindi na ulit kita makita kahit pa gustong-gusto ko. Sana mawala na lang lahat ng feelings. Sana mawala na yung sakit. At sana hindi na ulit ako umiyak. Sana tuluyan ka nang di mag-exist sa mundo ko.I will always love you. But I have to forget you and be okay. I have to pick up all the broken pieces of my heart and fix it again. I have to leave all those feelings just like what you did. I have to move on. Thank you for everything. Thank you. And sorry for everything too. Seryosong "Bye" na to. Bye MJGT